Chapter 5
Nakasunod siya kay Lust habang maangas itong naglalakad papunta sa eroplano na sasakyan nila. Para siyang tuta sa may pwetan ng binata dahil palinga-linga siya sa paligid na parang nawawala.
Gwardiyado sila ng mga tauhan nito, dalawa sa kaliwa, dalawa sa kanan, tatlo sa likod at tatlo sa harapan. May isa ring magandang flight stewardess ang umaasiste sa kanila at kanina pa niya napapansin ang malagkit na ngisi ng stepbrother niya.
Ang babae ay ganoon din dito at iba ang kislap ng mga mata kung sulyapan si Lust.
Tumingin siya sa isa sa mga tauhan nito at iyon ang kaisa-isang ngumiti sa kanya. Nasa airport na iyon naghihintay kaya kani-kanila lang niya nakita. May earpiece iyon na suot, gwapo, moreno at may tattoo sa batok.
Ngumiti rin siya sa lalaki para mabawasan ang tensyon niya.
Unang beses siyang sasakay sa eroplano at hindi niya alam kung matatae ba siya sa nerbyos o maiihi. Wala siyang mapagsabihan dahil parang hindi sila magkakilala ni Lust kahit na halos kumabit siya sa laylayan ng suot nitong sweat shirt.
“Nervous?” anang tauhan ng stepbrother niya kaya napaangat ang mga kilay niya.
Akala niya ay pipi ang mga tauhan nito dahil walang ibang alam na kausapin kung hindi si Lust lang.
“Talking to me?” turo niya sa sarili habang nakahawak siya sa t-shirt ni Lust.
Lumingon ito sa kanya na salubong ang mga kilay tapos ay sa tauhan.
“Eyes straight ahead, Leander.” Maawtoridad na utos nito sa lalaki na agad naman na tumalima.
Tumingin ito ulit sa kanya kaya ang sama naman ng tingin na ibinalik niya rito.
“Don’t flirt.” Marahas nitong hinawakan ang kamay niya at parang bata siyang hinila.
Anong don’t flirt?
Nakikipag-usap lang, flirt na kaagad?
Hindi ito makatarungan.
“Huwag ka ngang bintangero riyan. Anong masama na kausapin ko si pogi?” sinulyapan niya ang lalaki na Leander pala ang pangalan.
Walang sagot si Lust at taas noong humahakbang kaya nairita siya rito.
Gusto niyang kumalma sa nerbiyos dahil baka manigas siya na parang ibuburol na patay sa eroplano mamaya.
Kung naroon lang sana ang Tita Bianca niya ay di mas masaya sana. Sana ay hindi siya mapapanisan ng laway dahil sa stepbrother niyang parang tingin sa kanya ay hangin na hindi nakikita.
Nang makalabas sila sa departure area ay napasinghap siya nang makita ang napakalaking eroplano na may pangalan na, B.L Montecarlo. Wala namang pasahero roon na sumasakay kaya nagtataka siya dahil iyon ang tinutumbok nilang lahat na lapitan. May mga lalaki rin doon na nag-aabang tapos ay may mga babae rin.
Wala sa loob na napatingala siya sa binatang nasa tabi niya at hawak pa rin ang kamay niyang nagpapawis na.
“Tayo lang ang pasahero?” usisa niya kay Lust na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“I own it.” Anito kaya lalo siyang napasinghap.
Yaman.
“Okay, I’ve changed my mind. Gusto ko ng eroplano kapalit ng bike ko.” Hagikhik niya sa sariling biro. Biro iyon pero kung tototohanin nito ay di mas maganda.
Umigting lang ang panga ni Lust kaya napasimangot si Psyche.
“Hindi ka mukhang pera na tulad ni Bianca ano?” kapagkuwan ay anito saka siya sinulyapan kaya buong kaplastikan naman siyang ngumisi.
“Hindi naman gaano, kuya. Konti lang.” ipinikit niya ang isang mata at parang mas napikon pa ito sa sagot niya.
Sino bang hindi mapipikon ay pilosopo ang sagot niya? Hindi naman kasi siya tanga para hindi maintindihan na iniinsulto siya nito sa pabaliktad na paraan kaya babaliktarin din niya ang utak nito sa sagot niya.
Alam niya na ibig sabihin nito ay parehas sila ni Bianca na mukhang kwarta. Baka kaya magkasundo sila ng stepmom niya. Aba, paghihirapan naman niya ang kikitain niya at hindi niya basta hihingin. Makikisama siya sa isang dakilang libog na mayabang at walang kasing prangka kung magsalita. Mas mahirap iyon kaysa sa magsunog ng kilay sa pag-aaral at sa pagbabanat ng buto para magtrabaho.
Pasensya ang masusukat sa kanya para kontrolin ang sarili na huwag mansaksak ng tao.
“Good morning, Lord Lust!” sabay-sabay na bati ng mga lalaking naka-amerika na para ring mga poste sa pagkakatayo.
Laglag ang panga ng dalaga.
Lord Lust?
Gusto niyang matawa sa tawag ng mga ito sa barakong ubanin.
“Board.” Utos nito at hindi man lang pinansin ang mga magagalang na tauhan.
Halos ipagtulakan pa siya nito nang marating nila ang hagdan ng eroplano.
Ang angas talaga nitong sobra. Bakit sa babaeng stewardess ay walang patid ang pagngiti nito habang sa kanya ay parang parati na lang na uutangan niya ng bilyon?
“I’ll help you.” Presinta ni Leander at kasamang inilahad niyon ang kamay sa kanya, na kaagad na pinukol ni Lust ng makamatay na tingin.
“If you love your job, you will never try to do that, Leander. Second warning.” Pasimpleng turan nito sa tauhan na parang kahit gustong lumapit sa kanya at magmagandang loob ay hindi na lang itinutuloy dahil sa takot sa amo.
“Ah, I need assistance. Thank you so much.” Mabilis na dinakip ng dalaga ang kamay ni Leander na babawiin na sana nito. “Ble!” belat niya sa stepbrother.
“Ako ang first lady kaya may karapatan akong humingi ng assistance. Yaman din naman na hindi mo ‘yon ibinibigay, dear future husband, sa iba ko na lang hihingin. Hindi mo siya pwedeng sesantehin dahil ako ang may gusto na humawak sa kanya. Manigas ka.” Irap niya na may kasamang pagtataray saka humakbang papaakyat sa hagdan pero ang lakas ng tili niya nang matapilok siya dahil hindi siya nakatingin sa baitang.
“O, ingat.” Ani Leander saka inalalayan siya sa baywang.
Halos mayakap siya ng lalaki dahil sa katangahan niya.
“Ang shookit.” Nguso niya rito at saka siya tumingin sa paa niyang natabingi pa.
Epic fail.
“Clumsy.” Iritadong bulong naman ni Lust sa may likod niya kaya pinakairapan niya ang binata.
Dahan-dahan siyang inalalayan ni Leander papaakyat at wala siyang pakialam sa mga naiwan nila sa likuran.
Mabango ang lalaki at pogi. Nang tingalain niya ito ay kitang-kita niya ang matangos nitong ilong, mapula at maninipis na labi, dark brown na mga mata at may kakapalan na mga kilay.
Maganda rin ang buhok nito na crew cut ang gupit. Bagay na bagay iyon sa lalaki na parang militar sa tikas ng tindig.
“Kaano-ano mo si Lord Lust?” mahinang tanong ni Leander sa kanya habang akay siya.
“Ah—” sasagot siya pero agad niyang naisara ang bibig nang maalala niya na nasa policy na bawal siyang sumagot ng mga tanong ng tao sa paligid niya.
Lust has the right to answer every query and he has the authority to declare whatever he wants to declare. If he wants to declare that she’s his wife, then she must just agree.
“Better ask him na lang. Nagtatagalog ka pala. Pwede ba kitang maging kaibigan? Wala akong magiging kaibigan sa Dublin.” Aniya rito pero may sumagot sa likuran nila at inagaw ang siko niya.
“No you’re not allowed to make friends with my men. You are not allowed to make friends with any man. I’ll show you your suite, dear fiancée.” Ani Lust kaya tigalgal siya.
Marahas siya nitong hinila at naiwan naman na natitilihan si Leander.
Nasagot na ang tanong niyon kaya wala na siyang dapat na sabihin pa.
Kaladkad siya ng binata papunta sa kung saan hanggang sa isalya siya nito papasok sa isang kwarto na bukas ang pintuan.
Agad niyang nailibot ang mga mata sa paligid at namangha siya sa gara ng gwarto na iyon na may maliit na kusina, may sala, may shelf na puno ng mga aklat, may kama at malamang ay may banyo rin.
Nakapameywang si Lust sa may likuran niya at dila ang labi na nakatingin sa kanya.
“If you need assistance, use the intercom.” Turo nito sa isang aparato na nakakabit sa dingding. “Call the attendant and not one of my men.”
Kinuha niya ang telepono sa dingding. “Hello phone pal?”
Walang sagot kaya ibinaba niya at nganga ang binata sa kanya.
Nakabawi ito kaagad at pinagbuhol ang mga kilay. “You got it? Stop flirting!” pabulyaw ang pagkakasabi nito sa huling salita kaya agad niya itong hinampas sa dibdib dahil nasa may harap na siya nito.
“Huwag mo akong masigaw-sigawan! Hindi ako bingi! Napaka overprotective mo, talo mo pa si Papa sa sobrang istrikto mo. Wala pa tayo sa Dublin at hindi pa kita asawa kaya pwede kong gawin ang gusto ko. Saka ano bang masama na makipagkaibigan ako sa mga tauhan mo?”
“I don’t want gossip.”
“Gossip, gossip.” Irap niya sabay talikod. “Lahat na lang ng bagay ayaw mo. May bagay ka bang gusto?” insulto niya.
Oh meron itong gusto, p***y.
Iniwan niya ito sa may pintuan at tamad siyang humilata sa malaking kama, at halos mapatalon siya papaalis nang lumubog iyon na para siyang kakainin nang buo.
“Kuya!” saklolo niya sa binata.
“Stop calling me kuya.” May diin na sagot ni Lust.
“Honey!” aniya naman kaya tumigas ang panga nito.
Ayaw nito ng kuya ay di ‘honey’ na lang.
Umikot si Psyche para makaalis siya sa kama pero sa sahig ang bagsak niya, at laking takot niya nang biglang umuga ang eroplano.
“Honey my kuya so sungit!!!” tili niya at napatakbo siya nang mabilis papalapit kay Lust.
Agad siyang lumambitin sa balikat nito at pilit na nagpapakarga.
The plane shook once more, simultaneously going along with the wild thumping of her heart.
Totoong takot ang naramdaman niya at pilit niyang isiniksik ang sarili sa binata na parang poste ng Meralco sa pagkakatayo.
“Diyos ko patawad po sa lahat ng kasalanan ko.” Usal niya habang nakapikit.
She felt his hand landed at the back of her head, cupping it firmly.
Salamat.
Akala niya ay hindi na siya nito hahawakan. Kahit paano ay nakatulong iyon para maibsan ang kaba niya kahit hindi siya nito kinarga.
Tumigil din naman ang munting pag-uga na iyon kaya nakahinga siya nang maluwag.
“Ano ba itong eroplano mo, bakit umaalog?” napatikal ang dalaga kay Lust at naglakad pabalik sa kama pero bigla siyang nakaramdam ng pagkalula nang parang lumulutang ang eroplano sa hangin.
She looked at Lust who’s looking at his wristwatch.
Para itong manhid sa mga bagay na nangyayari. Sanay na sanay yata itong sumakay ng eroplano kaya balewala ang mga pag-alog na parang sasabog sila sa ere.
Tumingin ito ulit sa kanya at tumulis ang hugis pusong mga labi. He scanned her.
“I’ll send Faustina and get you a change. No more skirts and spaghetti strapped tops.” anito sabay talikod kaya nagpatanga siya.
Nasuri ni Psyche ang sarili. Ano bang problema nito pati sa pananamit niya at pati iyon ay paninindigan talaga nitong pakialaman?
“Never ever talk to my men. No Leander.” Lust even partly tilted his head before shutting the door close.
Hmp!
Napaismid lang siya. Wala itong magagawa kung anong gusto niya. Hindi naman siya preso at mas lalong hindi siya robot.
Kung gusto niyang mag-shopping at mangampanya na nakaburles, wala itong magagawa.