bc

Indecency

book_age18+
18.8K
FOLLOW
105.8K
READ
contract marriage
family
arrogant
dominant
sweet
bxg
humorous
lighthearted
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Her father was once married to a mother of a billionaire but separated after a few months; pero isang araw ay biglang sumulpot ang isang limousine sa harap ng karinderya na pinapasukan niya. Ipinasusundo raw siya ng kanyang, ex-stepbrother na hindi niya rin kailanman nakilala.

He needs her for his political ambition and needs a wife to cover up his image as a terrible womanizer.

He wants to use her for his ambition then she chose to use her brain wisely but not when her heart started falling for a man as distant as Lust Montecarlo, an autocratic devil underneath his captivating appearance.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Makailang beses na kumurap si Psyche habang kaharap ang isang matandang babae na sa pagkakaalam niya ay Bianca ang pangalan. Dinampot siya ng mga kalalakihang nakaitim kanina sa carenderia na pinapasukan niya at ang sabi ay ipinatatawag siya ng boss ng mga iyon. Nagtanong siya kung sinong boss pero para lamang bingi ang mga lalaki na hindi siya painagkaabalahan man lang na sagutin. At ngayon ay nakaupo siya sa harap ng ex-stepmother niya at kanina pa niya ito paulit-ulit na pinagmamasdan. Maganda ito kahit na may edad na at parang batang magsalita. Wala itong kyeme at hindi maaalangan ang kahit na sinong makipag-usap dito. Bianca is friendly. “Marry my son, iha.” Anang babae na ikinaubo niya. Halos tumalsik pa ang mga kinakain niyang hipon dahil sa biglaang pagsabi ng ganoon ng babae. Ito ang dating asawa ng kanyang Papa. Isa itong bilyonarya sa pagkakaalam niya pero wala raw itong pera. Ang anak daw nito ang mayaman talaga at tagasalo lang ito ng ambon, iyon ay kung kailan lang naman din daw ito maisip na maambunan ng sariling anak na mas kuripot pa raw kaysa sa isang Finance officer. The woman is Bianca Montecarlo Harrington  Victorino Castillo y De Mesa. Hesus! Nakalimang asawa na raw ito at lahat ng mga lalaking iyon ay napakasalan kaya lahat ng apelyido ay dala-dala nito. Isa roon ay ang ama niya, pang-apat na asawa sa limang lalaking nabanggit. Masyado itong taklesa at makwento, walang sikreto at parang isang bukas na diary ang buhay sa lahat. Lahat na yata ay naikwento nito sa kanya kanina habang kumakain sila. Actually, Psyche wasn’t expecting to meet the woman. She was expecting for someone else. She’s expecting to meet a man. Akala niya ay lalaki ang boss, iyon pala ay babae. “A-Ano ho ika, T-Tita Bianca?” anang dalaga na halos magkandautal pa sa pagtatanong. Nabigla siya sa sinabi nito na para bang isang laro lang ang kasal. Kung para rito ay oo, para sa kanya ay hindi. Dalawa na sa mga kaibigan niya ang lumagay na sa tahimik at parehas ang mga iyon na nakasumpong mga lalaking tunay kung magmahal at gusto niya na kung magpapakasal siya ay natural na darating na lang ‘yon sa kanya at hindi ang isinubo ng kung sino. “Marry my son.” Walang gatol na sagot ng babae na may kasama pang ngiti. Titig na titig ito sa kanya at sa ikalawang pagkakataon ay napaubo siya. Talagang hindi ito nagbibiro. Seryoso ito pero mukha lang na hindi. “Ang ganda mo. Kamukhang-kamukha ka ni Rome.” Parang kinilig ang babae at siya naman ay nagtaka. “S-Sino hong Rome?” “Si Romeo, your Papa. Gwapong-gwapo ako sa Papa mong ‘yon lalo na sa mata, parang pusa.” Nyak! Bakit naman pusa pa? Gwapo naman talaga ang Papa niya kaya nga mestisa siya at magaganda ang kulay ng mga mata. Kahit na mga pilik niya ay nakakurba at sobrang kapal pa, maninipis ang kanyang mga labi na natural na parang laging bagong kagat dahil sa nagpi-pink na kulay. She’s quite tall, 5’6. Siya ang pinakamatangkad sa kanilang magkakaibigan pero lahat sila magaganda. “Ahm...” napakamot si Psyche sa ulo. Ibinalik  niya ang isip sa pinag-uusapan nilang kasal. Bakit naman siya nito ipakakasal sa anak nito? Hindi naman sila magkakilala ng lalaking iyon at mas lalong wala siyang alam sa pagkatao ng herodes na anak ng Tita Bianca niya. “T-Tita, parang lasing ho kayo. Bakit naman po ako magpapakasal sa anak niyo ay para ko na siyang, ‘kuya’.” Psyche emphasized it but to her dismay, the woman grinned. “Precisely! You’ll be both safe. Iha, tulungan mo akong magkaroon ng pera at tutulungan din kita. My first husband wanted my son to get marry the soonest time possible. I told him that Lust has a long term girlfriend. His father is about to end his legacy as a politician and now he wants our son to become the Lord Mayor of Dublin. Kasabay no’n na ililipat lahat ni Davis ang yaman kay Lust.” “Lust?” natigalgal siya. Ang sagwa naman ng pangalan ng lalaki. Kumurap ang babae at parang natauhan. “I-I mean, Braden. My son si, Braden Lust.” Hesus! Kulang ang mapaantanda ng krus si Psyche sa pangalan ng stepbrother niya. Braden Lust? Hindi kaya at nabuo lang sa libog ang lintik na lalaking ‘yon kaya ang bastos ng pangalan. “I call him Lust. His friends call him Brad even his Dad. Iyon pa lang ay hindi na namin napagkakasunduan ni, Davis kaya nag-divorce kami." Ano raw? Lalo siyang natigalgal. Ang babaw naman na dahilan no'n o baka ang ibig nitong sabihin ay hindi ito nagkakasundo at ang una nitong asawa sa lahat ng bagay. “He’s an arrogant playboy. He has a bad image. His father wants to fix it for his career. His Dad thinks that Lust will get more respect and will get the hearts of his supporters if he’ll soon settle down.” Ani Bianca kaya tumango siya. Nakukuha na niya ang ibig nitong sabihin kahit na hindi man ulit-ulitin. Hindi naman siya tanga. Naiintindihan niya na ang kailangan ng stepbrother niya ay isang magandang imahe para sa kandidatura no’n bilang isang Mayor ng Dublin, at siya ang napipisil ni Bianca na tumayong asawa dahil matitiyak daw nito na wala sa kanilang mamamagitan ni Braden Lust na relasyon dahil parang magkapatid na sila. So, sa divorce mauuwi ang lahat sa oras na matakpan na ang imahe ng pagiging playboy ni Braden—mayabang na playboy, take note. “He’ll give you, one million pesos, and scholarship for your siblings and all the benefits.” Wow! Kung para sa dalawa niyang nakababatang kapatid ay wala siyang aatrasan. Mas mainam na ‘yon kaysa sa araw-araw maghugas ng pinggan sa karinderya. Wala pa siyang trabaho dahil mataas ang pride niya. Paulit-ulit siyang inaalok niya Rissy at Kat na magtrabaho sa mga kumpanya ng mga asa-asawa ng mga iyon pero hindi niya tinatanggap alinman sa dalawa. Gusto niyang paghirapan ang lahat ng mararating niya sa buhay. Kung si Catharine ay ibenenta ang sarili at si Rissy naman ay nagpakasal sa matandang mayaman para sa mga personal na pangangailangan, bakit hindi rin niya magagawa ang mga iyon lalo na kung para sa mga kapatid niya? Ayaw niyang gamitin ang salitang pagkakaibigan para lang umangat siya sa buhay. Nakapagtapos na siya ng Business Administration pero halos lahat ng bangko na pinag-apply-an niya ay hindi pa siya tinatawagan. Masyado raw mababa ang posisyon na available para sa kanya, janitress. She graduated with flying colors, c*m laude. Of course she won’t say no to any offered job but the decision doesn’t rely on her. It relies to the bank manager. Still no calls. Ang bagsak niya ay sa karinderya at tagahugas ng pinggan, serbidora at minsan kusinera na rin. Masarap pa rin iyon sa pakiramdam dahil ang kakarampot na sweldo niya ay galing sa pawis niya at hirap. She wasn’t hired because she’s the best friend of the owner. Malamang kung sa kumpanya siya ni Dark o ni Zale nag-apply, pasado na siya at directly hired by the owner pa, but Psyche would never love that. Her friends worked to achieve their lives right now and she’s not hypocrite to grab on the hems of their skirts just to soar high. Minsan niyang nakita ang ganoong katangian kay Rissy na hindi sinamantala ang ganda ng buhay ng best friend nilang si Catharine. Nagsumikap din iyon para maging matagumapay at ganoon din ang gagawin niya. They’re maidens. They’re tough. They’re clever and mostly, they’re virgins! “Payag ka ba, Psyche?” tanong ni Bianca hindi pa man lang lumilipas ang ilang minuto. “My son will talk to you. He’s just late.” Pasimpleng nanlaki ang mga mata niya. Darating ang stepbrother niya? Nasa Pilipinas ang lalaki? “Oh!” bulalas ng babaeng kaharap niya at napapalakpak pa nang tumingin sa bukana ng restaurant na wala namang ibang tao kung hindi silang dalawa lang. Wala na bang ibang stepsister si Lust kaya siya ang napipili ng Tita Bianca niya na alukin ng kasal? Halos hindi na nga niya matandaan kung kailan sila nito huling nagkita kasi pakiramdam niya ay ang tagal na. Buhay pa no’n ang Papa niya na isang mekaniko. “There he is!” ngisi ng babae na mabait naman sa kanya at tingin niya ay isang dakilang komikera. Agad siyang napalingon at hindi inaaasahan ni Psyche na malalaglag ang panga niya nang makita ang kaisa-isang lalaking pumasok doon. The man is so neat in his white button down shirt, cuffs were folded. Naka-tuck in iyon at itim na itim ang slack na suot. Kumikinang ang itim na leather shoes sa sobrang kintab at mahihiya ang marmol na sahig ng restaurant. Mahihiya rin pati na ang mga alikabok na kumapit doon. Pasimple siyang napatingin sa paa niya. Ang sapatos niyang yari sa tela na original na Sketchers na regalo ni Rissy ay nagkukulay brown dahil sa dumi. Yaks! Muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaki at ilang metro na lang ang layo no’n. Halos nganga siyang natulala sa mukha nito matapos na makalapit at hindi man lang binati ang ina. Arogante nga. He’s long blonde hair, neatly tied behind his head. May salamin itong suot pero bakit kagalang-galang pa rin itong tingnan kahit na mahaba ang buhok nito? Ang gwapo nito…sobra. Wala ritong makikita na bahid ni kaunti man na pagka-Pilipino kahit na purong Pilipina naman si Bianca. Matangos ang ilong nito, maganda ang mga mata at ang labi, walang kasing ganda ang hugis. Parang sarap nitong halikan at masasabi niya bagay dito ang pangalan na, Lust. Nakatitig din ito sa mukha niya at wala itong ekpresyon. Inaaral siya nito at pati ang kabuuan niya ay inararo nito ng tingin tapos ay tumingin jto sa ina. “Did you lay the grounds, Bianca?” medyo salubong ang mga kilay na tanong nito sa sariling ina kaya kulang ang salitang gumulong ang mga panga niya. Bianca? “Don’t you want to say hi to your stepsister, Lust?” sumulyap sa kanya si Bianca at parang hindi nito gusto ang inaasal ng anak. “I don’t have time.” He arrogantly declared, making her widen her eyes. Hi lang wala ng time? Wow! Ang mahal ng oras ng kuya niya. Sumulyap ito sa suot na relos tapos ay inilapag sa mesa ang isang maliit na envelope. “Sign the papers if you agree to all the terms. I don’t have much time to explain everything to you, Bridget.” “Psyche.” She corrected but he seemed deaf. Muli siya nitong inararo ng tingin at hindi niya nagustuhan ang nakita niya sa mga mata nito. She felt insulted. “I like her. I’m safe.” Ani Lust sabay talikod at saka naglakad papaalis. “She’s not my type.” Parehas silang nganga ni Bianca. Ang gaspang! Mas pa sa papel de liha. “A-Aren’t you going to eat, baby boy?” kandautal ang babae pero walang sagot ang lalaki. Napakayabang. Uminom si Psyche ng tubig at hindi niya inasahan ang magiging sagot ni Lust sa Mommy niyon. “I have a p***y to pound.” Totoong naibuga na niya sa sahig ang lintik na tubig at si Bianca ay napatanga na lang sa kanya. Malibog ang walang hiya at walang pilo kung magsalita. Mukha nga iyong playboy at hindi niya alam kung tatanggapin niya ang isang trabaho na magtatali sa kanya sa lalaki sa loob ng ilang buwan siguro.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Perfect Withstander

read
110.1K
bc

Withholding Love

read
62.3K
bc

Imperious (COMPLETED)

read
131.8K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

read
81.7K
bc

Run, Girl, Run

read
32.7K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook