Chapter 4
5 seconds...
He pursed his lips and taps his fingers on his knee. He’s counting the ticking of the clock while sitting inside his limousine, parked in front of a duplex type apartment.
May umiiyak na dalawang bata sa loob ng isang bulok na gate. Yakap ang mga iyon ni Psyche habang pinapanood ng dalawang babaeng magaganda, dalawang lalaking mga gwapo at isang matandang babae na pumapahid din ng mga luha.
Nang hindi siya makatagal dahil umilaw ang relos niya ay bumaba siya sa limousine.
Walang may alam na nasa loob siya at napatingin sa kanya ang dalawang lalaki na kilala niya dahil sa mga interview na ipinauunlak nila pare-parehas sa mga magazines, at nagkakasabay-sabay sila.
“Lust Montecarlo?” ani Zale sa kanya kaya tumango naman siya at humakbang papasok sa bakuran ng apartment na walang kasing sikip.
He shook hands with those men but eyed the beautiful ladies.
“You’re the…man?” umarko ang kilay ng kilalang si Dark Villaraigosa matapos niyang kamayan.
“Indeed.” Aniya dahil nakuha niya na ang tinutukoy nito ay ang lalaking magiging asawa sa papel ni Psyche.
She even mentioned that he’d be her lawyer if something inappropriate happens.
“Huwag mo naman masyadong gaspangan ang kumare namin. We are telling you that you will never win.” Makamatay na irap ang ibinigay sa kanya ng isa sa mga babae na akbay ni Zale.
Ngumiti lang ang lalaki at siya naman ay napaangat lang ang mga kilay.
“The time has ended, Bridget.” Aniya sa stepsister na nakatalikod.
Humarap ito bigla at suminghot. “Na naman?” reklamo pa nito kaya uminit kaagad ang ulo niya.
“So you wanna spend forever saying your goodbyes and all your stupid reminders? Sorry lady but I don’t have much time. I’ve given you an hour, for heaven’s sake. You keep on extending as if you’re paying my precious time.” Nagtagis ang mga bagang niya at wala siyang pakialam sa mga nakakarinig.
Bakit siya mahihiya ay ganoon talaga ang ugali niya? Tingin nga niya ay mangangapa siya sa dilim kapag naging Lord Mayor siya. He’s not friendly. He’s not kind. He’s bossy. He’s so lewd. He’s horny most of the time and lastly, he’s not into politics. How could he even fake a smile to his crowd anyway?
He has to for his inheritance.
“Grabe, ganyan-ganyan ka rin noon.” Anang babaeng may salamin nang tingalain si Zale..
“You,too.” Anaman ng isa pang babae kay Dark na kumamot lang sa ulo.
“Napakayabang mo talaga.” Ingos ni Psyche saka suminghot ulit.
Hinarap nito ang mga kapatid at niyakap ulit. “Basta ha. Mag-aral na mabuti. Bahala na sa inyo ang pamangkin ni Aling Mildred ha. Inihabilin ko na kayong dalawa.”
God.
Halos tumirik ang mga mata ng binata.
Paulit-ulit na lang.
Nameywang siya at sa wakas ay ang mga babae na ang niyakap ng dalaga.
“We love you.” Anang mga iyon at tumango naman si Psyche.
Dumaan iyon sa harap niya, pahid ang ilong at laking inis niya nang ipahid nito ang daliring may sipon sa dibdib niya.
“Akala ko tissue, tao pala.” Nang-iinis na sabi pa nito saka tuluyang sumakay sa limousine na binuksan naman ng driver niya.
Pinipikon siya nito na sobra at kung may panahon pa siya ay talagang aatras siya sa kasunduan nila.
“Ate!!!” sigaw ng dalawang bata pero ngumiti roon si Psyche.
“Tatawag ako. Huwag ng umiyak.” Anito pero ito naman ang umiiyak.
“We’ll go.” Paalam niya sa mga kapwa niya lalaki na parehas naman na tumango.
Sumakay siya nang walang imik sa sasakyan at sinenyasan kaagad ang tauhan na isara na ang pinto para huwag na silang humaba pa.
Ang dami na nito sa drama. He even extended her session with her siblings three times.
“Ba-byyyyeeee!” hagulhol ni Psyche nang umusad ang sasakyan kaya natigalgal si Lust at napatanga sa dalaga.
Para naman itong baka.
He just sighed.
Hindi na siya pwedeng umatras kahit na para itong baliw. Wala na siyang natitirang oras para maghanap ng matino-tinong babae na pwedeng maging asawa. At least ito sa pagkakaalam niya batay sa kwento ng detective na inutusan niya ay no boyfriend since birth, graduated with flying colors and responsible.
Mas maayos naman ito kaysa kay Lisette. Sa totoo, ang bet niya talaga ay si Moanna kaya lang sobrang bata ng stepsister niyang iyon.
Makalipas ang ilang segundo ay hihikbi-hikbi na lang si Psyche kaya gumalaw lang ang ulo niya para tingnan ito sa may gawing likuran.
“Sawa ka na sa drama?” mapang-uyam na tanong niya rito pero hindi niya inaasahan na tatapal sa mukha niya ang isang panyong kinuyumos.
“The hell!” galit na mura niya saka niya pabalyang isinalya ang panyo.
His eyes are dimmer as he fixated his eyes on her face.
Hindi niya inaasahan na lalaban ito dahil mas masungit ang mukha nito kaysa sa kanya.
“Bakit ba nangingialam ka? Wala tayong kontrata na pakikialaman mo pati pag-atungal ko!” gigil na singhal ng dalaga sa kanya kaya itinuwid niya ang pagkakaupo.
He’s trying to control his temper. Baka ihulog niya ito sa limousine kapag hindi siya nakapagpigil.
He did it once. Lalaki naman ang inihulog niya at hindi babae. Kahit naman ganoon siyang umasta ay hindi naman siya nananakit ng babae. Pinaliligaya niya ang babae at dinadala sa langit, hindi niya sinasakal.
Pero baka sa kauna-unahang pagkakataon ay makasakal siya.
“Have you read all the articles, Bridget?” umarko ang mga kilay niya habang relax na nakasandal sa upuan at magkakrus ang mga braso sa dibdib.
“Artikulo, artikulo. Puro ka na lang artikulo. Artikulo sira ulo bersikulo gago.” Ingos nito at humalinghing pa na parang inis na inis sa kanya.
“I am asking you have you read it all?” medyo tumaas na ang boses niya dahil napakapilosopo nito.
Wala itong ipinagkaiba sa ina niya kaya parati na lang high blood ang Daddy niya sa tuwing bumibisita si Bianca sa mansyon ng Montecarlo, his mansion to be precise.
Parati na lang kasing kinukulit ng mommy niya ang pobreng matandang lalaki kaya nagkukulong iyon sa kwarto kapag nariyan si Bianca.
Ganoon din ba ang kalalabasan niya sa pamamalagi ni Psyche sa tabi niya?
It is merely suicide than living at peace.
“Opo, binasa ko.” Umingos ang dalaga nang sulyapan niya sa salamin.
“Liar.” Aniya kaya tumalim na naman ang mga mata nito at talaga yatang hindi nakapagpigil ay sinabunutan siya at inuga-uga ang ulo niya.
“Aray ko! Puta!” inis na mura rin niya at napapikit nang mariin dahil masakit sa anit ang ginagawa nito.
“Gago ka! Kala mo makakaya-kaya mo ako! Idedemanda kita!”
Idedemanda? Anong kaso?
“You’re hurting me then you will have the guts to file a case against me? Magdahan-dahan ka, babae.” Hinawakan ni Lust ang mga pulsuhan ni Psyche para tumigil ito sa ginagawa sa pagkabayo sa ulo niya.
“Ikaw ang magdahan-dahan lalaki. I am not a liar, you fuckar!”
Fuckar?
Baka naman fucker ang ibig nitong sabihin.
“Release me at once!” dumagundong na ang boses niya sa loob ng limousine at natinag naman ito sa wakas pero pabalyang itinulak ang ulo niya.
The heck! No one did something like that to him. Hindi yata nito kilala kung anong klaseng lalaki siya. Akala yata nito ay hindi niya kayang manakit ng tao.
“You read the article but never had the time to understand everything. I am allowed to censure all the things that you do. In other words, I will decide for both of us. The only exceptions are the things you asked to have, which I signed of course. You mentioned it that you want a monthly salary, twenty-five thousand pesos. You also said that you want one million pesos as soon as Dad waived everything to me. You said you want to be enrolled in a racing school and I would let you use my Ferrari or Lamborghini. You said that I would never assault you physically. You said that I will have to pay all your bills and shopping expenditures. Whatever you ask, financially, I will gladly give it. Those are the things that you said and I’ve memorized each and every word, Bridget. Have you understood my policy?” umangat ang isang kilay niya at nakita niyang napalunok ito sa kinauupuan.
“Hindi.” Pagtataray pa rin nito kaya napabuntong hininga siya.
Shame.
Mali ba ang unibesidad na pinasukan nito para papagtapusin ito na isang c*m laude?
“Wala akong time dahil hindi mo ako binigyan ng palugit. You harassed me. You said I have to pay your daily wage if I wouldn’t sign the agreement or decide right away.”
“Well then ipaiintindi ko sa’yo.” Nagtagis ang bagang niya. “Pwede kitang pakialaman at kapag sinabi ko na huwag kang ngingiti, hindi ka ngingiti. Kapag sinabi ko na huwag kang hihinga, hindi ka hininga!”
“Ah tanga ka!” she fumes in anger. “Hindi ka Diyos! Isa kang malaking libog! Naiintindihan mo? Libog ka! Lust! Lust! Lust! Ang pangit ng pangalan mo! Tsura mo! Bayaran mo ‘yong bisikleta ko ng isang Porsche.” Mataray na humalukipkip ang dalaga at siya naman ang nawalan ng salita at parang hindi nakahinga.
Anong Porsche?
Hindi pa siya sira ulo para magbayad ng sasakyan na ganoon kamahal para sa sinira niyang lumang mountain bike.
Nahilot ng binata ang sentido dahil kumikirot iyon.
“Shut up.” Bulong niya.
Hindi yata siya mananalo sa diskusyon.
She’s hitting him below the belt. Pati na ang pangalan niya ay idinamay pa at may nalalaman pa itong, Diyos.
Hindi siya Diyos pero siya ang diyos sa mundo niya at hindi siya papayag na hindi ito susunod sa mga gusto niya. Spending for her financially is okay with him because he has a lot of money. Para wala itong idaldal ay bibilihin niya lahat ng gusto nito at manahimik lang ang mundo niya pero hindi sa mga punto na gusto niya para rito.
He’d change her wardrobe. Hindi niya kasi akalain na nagsusuot din pala ito ng mga maiikli at hawal ang dibdib. Para nga itong pornstar noong huli silang magkita nang matanggal ang strap ng damit nitong suot.
Ito ang pinakabarot na pornstar. Masyado itong millennial kung manamit. Wala itong pakialam kung masilipan man. Baka kinalaunan ay manlalaki rin ito tulad ng Mommy niya kaya kakastiguhin na niya sa umpisa pa lang.
She must not be a d**k chaser. She must not be pleasing to one’s eye. Dapat maganda lang ito ay kapag may pupuntahan siyang event at sa kampanya niya. Actually nakakasa na ang kandidatura niya at gagawin niyang pang-agaw ng atensyon ang bigla niyang pag-aasawa.
Magluluksa ang mga kababaihan pero isang taon lang naman ang mga iyon na magtitiis. Hindi pa nga magtitiis dahil palihim naman siyang mambababae.
“Nasaan si Tita Bianca?” usisa nito kapagkuwan.
Hindi siya sumagot at pumikit lang siya. Her voice is like a lash, whipping his eardrum.
“Hoy,” untag ni Psyche. “Bingi ka ba?”
“I don’t have time to answer that.” Aniya rito.
“Bakit ba ang damot mo sa sagot? Ano bang mawawala sa’yo kapag sumagot ka sa tanong ko? Mababawasan ba ang bilyones mo? Mabuti na lang at hindi nagtagal sina Papa at si Tita Bianca dahil kung naging close tayo sa isa’t isa ay baka mashunda na ako sa kunsumisyon na maging totoong kuya kita. Mabut—”
“She already flew to Dublin the other day, okay!” agarang sambot niya dahil kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig nito.
Natahimik ito bigla kaya nakaramdam siya ng kapayapaan.
Salamat sa Diyos.
Napabuga si Lust ng hangin. Tumigil din ang babae sa pagdaldal.
Mukhang mapapaaga ang paghukay niya sa libingan niya dahil sa pinasok niyang problema. He was finding for a better solution to his problem yet he thinks he just added another headache.