6

2425 Words
Chapter 6       Agad na napaigtad si Psyche nang biglang kumalabog ang pintuan ng cabin na inuukupa ni Lust nang tumapat siya roon. Tutop ang dibdib ay napatingin siya sa nakasaradong pintuan pero patuloy sa pagkalabog ang pesteng kahoy. “Kuya?” mahinang usal niya pero hindi nga pala no’n gusto na tinatawag niyang ‘kuya’. “Honey?” napahagikhik naman siya. Napakapilya niya at kahit na alam naman niyang asar na asar na ang isa ay hindi pa rin niya tinatantanan sa pang-iinis. Humkbang ang dalaga papalapit sa pinto nang muli iyong parang binundol ng kung ano. She’s thinking something inappropriate. What if he accidentally locked himself couldn’t get out anymore? “Ah s**t!” mura ng isang lalaki at kasusunod noon ay ang sunod-sunod na pag-umpog ng kung anong bagay sa kahoy. Shit daw! Nataranta siya at binilisan ang kilos. Akmang hahawakan na lang niya ang knob nang may magsalita naman sa may likod niya. “If I were you, I wouldn’t.” Hawak ang leeg ay halos mapatalon si Psyche sa gulat. Agad siyang napapihit at si Leander ang nakita niyang nakatayo ilang metro ang layo sa kanya. May hawak iyong mug at hindi na nakauniporme na pang bodyguard. The man is in his plain gray shirt and black cotton pants. “Sisilipin ko siya. Ikaw na kaya. Baka kasi kung papaano na. Ah s**t daw.” Gagad niya sa mura ni Lust napasulyap pa siya sa pintuan na talagang nag-iingay. “Come here instead, lady Bridget.” Ngumiti ang lalaki nang tingnan niya at saka tumalikod. Lady Bridget? Kung anu-ano na lang ang itinatawag sa kanya ng mga tao sa paligid niya. “Aren’t you going to…to…check him?” she hurriedly followed Leander. Naupo ito sa upuan na nasa may bintana ng eroplano kaya tumayo naman siya sa may malapit. “Ayoko pang mabaril ni kuya.” Iiling-iling ang lalaki kaya napatanga siya. “K-Kuya mo siya? Mas dapat ka palang mag-alala kasi kuya mo siya.” She looked at the door and it banged again. “Hasus!” napatalon na naman siya at napahawak sa sandalan ng isang upuan. “He’s okay. He’s with the flight attendant inside his cabin.” Humigop ito sa mug at ganoon na lang ang pagtakip niya sa nakangangang bibig. “A-Ano?” “Sit down. You want coffee?” tinapik ni Leander ang tabi nito kaya naman umupo na rin siya saka umiling. May babae palang kasama si Lust sa loob pero bakit parang magbubugbugan ang dalawa? Ah tanga ka! Nagbubugbugan sila sa kama. Angil niya sa sarili. Mabuti na lang at hindi siya pumasok para silipin iyon, kung hindi baka binaril siya ng lalaking ‘yon sa mata. Naging matiim ang titig ng katabi ni Psyche sa kanya kaya naman napunasan niya ang sariling mukha. “Masyado ba akong maganda para titigan mo ako ng ganyan?” biro niya sa lalaki na natawa naman. “You really are.” Huh? Napakapit si Psyche sa upuan. Hindi niya inasahan ang tahasang pagsabi nito na maganda siya. Syempre ay tuwang-tuwa naman siya na may nakakakita sa kagandahan niya. “Eh di crush mo na ako niyan.” Biro naman niya na lalong ikinalakas ng tawa nito. Mabuti pa ito dahil mabilis na pangitiin at patawanin. Si Lust ay parang kahit na anong gawin ay parati na lang na nakasimangot. “Don’t make me laugh and don’t make me smile with the truth.” Tumingin si Leander sa kanya at doon na siya napakamot sa ulo. Crush pala siya nito. Magpapamisa na ba siya dahil may nagka-crush sa kanya? Wala sa kanyang nangangahas na manligaw kahit na isa. Hindi niya alam kung anong mali sa kanya pero sadyang hindi siya ligawin. Maraming tumitingin pero hindi umaabot sa punto na magpaparamdam. Ang isang ito ay parang nagpaparamdam kahit na kanina lang sila nagkakilala. “Palabiro ka pala.” Ani na lang ng dalaga. “Dapat pala hindi nga ako lumalapit sa’yo dahil baka masesante ka.” Naalala niya bigla ang banta ni Lust. Hindi naman siya takot sa impaktito na ‘yon kaya lang inaalala niya si Leander. Kawawa naman ang pamilya nitong umaasa rito kung mawawalan ito ng trabaho dahil sa katigasan ng ulo niya. Tumayo si Psyche at tinangkang umalis pero mabilis na nahawakan ng lalaki ang pulsuhan niya at maingat siyang hinila papaupo ulit. “Sit down. Don’t be afraid. Hindi ako masesesante ni kuya.” Kuya ulit? Napanganga na naman siya at bilang isang dakilang tsismosa ay napaupo siya nang wala sa oras. Makabingwit nga ng impormasyon. Malay ba niya kung may pwede siyang ibato sa malibog na si Lust ay di mapapanot iyon sa kunsumisyon. “K-Kuya mo siya? D-Di ba Lord Lust ang tawag niyo o kaya naman ay Master? Narinig ko iyong isa kanina Master ang tawag sa kanya.” “We call him ‘lord’ or ‘master’ for formality but the truth; we’re closely related to each other. I am his cousin, father side.” Tumingin ito sa mga mata niya at tumango na lang siya. Bakit ito isang bodyguard? Mayaman si Lust, correction, ubod ng yaman tapos ang pinsan ay nagtatrabaho bilang isang bodyguard lang? “B-Bakit lord siya tapos ikaw ano…bodyguard?” medyo nailang si Psyche sa sariling tanong dahil baka bigla itong ma-offend pero mukhang open minded naman ito. Mas matured pa nga itong magsalita kaysa kay Lust. Puro lang iyon sigaw at sungit pero parang pabebe naman. “Sperm lang kasi ang donasyon ni Daddy sa Mama ko.” Ngiti nito na ikinasamid niya. Ang straight nitong magsalita. Now she believes, magpinsan nga ang dalawa ni Lust, masyadong walang filter ang mga bunganga, kung may filter man, parehas na naka vivid mode. Oh, vivid mode kay Leander pero kay Lust ay super super super vivid mode. “A-Ano naman ang ibig mong sabihin?” nagiging tsismosa na siya. Dati na siyang tsismosa, hindi lang halata kasi maganda siya. “As simple as they never made love, Dad just donated his sperm. My mother wanted to have a baby with him and promised not to ask anything from the Montecarlos and here I am. They were best friends but never lovers.” Kibit balikat nito sa kanya. “Eh anong apelyido mo?” “Montereal.” “Ah at least may ‘monte’.” Agad naman na sagot niya na nagpatawa na naman dito pero siya ang natilihan nang bumukas na ang pintuan ng kwarto ni Lust at mula roon ay lumabas ang isang babae. Nag-aayos iyon ng butones ng unipormeng suot pero biglang may kumabig sa baywang kaya kandahaba naman ang leeg niya para masilip ang stepbrother niya. Napasinghap siya nang biglang siilin ni Lust ng halik ang babaeng humagikhik. Hindi pa nasiyahan ang isa ay inilalim pa ang isang kamay sa suot na skirt ng flight attendant. Yaks! Pinamulahan siya ng mukha at gusto niyang mag-iwas ng tingin pero hindi niya magawa. Parang demonyo kung makahalik ang walang hiya at hindi talaga makakatakas ang babaeng malandi. Bigla na lang na tumikhim si Leander kaya kahit siya ay parang tumalsik ang kaluluwa nang mapatigil ang dalawa at tumingin sa gawi nila. Halos kurutin naman niya ang lalaking katabi dahil sa ginawa nito. It’s an awkward situation. Huling-huli siya ng mga naghahalikan na nakatunganga at baka na lang sabihin ng damuho niyang stepbrother ay naiiinggit siya. Anong gagawin niya? Psyche composed her face and grinned, ear to ear. “Hi dear future husband.” Kaway niya na may kasamang pa-cute at sukat doon ay parang namutla ang babae at tumingin kay Lust. Inalis naman niyon ang kamay sa ilalim ng palda ng babae kasabay ng pag-igting ng mga panga. “Oh never mind, Miss. Kwarta lang naman ang habol ko sa future husband ko na ‘yan. Sige na, magsupsupan na kayo ng mga nguso niyo at malay niyo baka huli na ‘yan bago lumading ang eroplano.” Ngisi niya sabay takip pa sa bibig. Hindi alam ni Psyche kung anong mali sa sinabi niya dahil bumitaw ang dalawa sa isa’t isa nang tanguan ni Lust ang babae. Tumalikod iyon at naglakad papaalis kaya siya naman ay tumingin kay Leander. She gulped. “May sinabi ba akong mali?” “Wala.” Anito naman saka sumulyap sa labi niya. Ibinaling ng dalaga ang mga mata sa pinto ng kwarto ni Lust at nang makita niya na wala iyon doon ay mabilis siyang tumayo para tumakas. “Bukas na tayo mag-usap. Baka mapagalitan ako, nakakahiya na sa harapan mo pa, buti sana kung sa likod mo.” Hagikhik niya sabay takas kaagad. Binilisan niya ang paghakbang saka siya bumaba sa hagdan para pumunta sa inuukupa niyang kwarto pero nasa may pinto na siya ay may humaklit sa siko niya mula sa likuran. “Mamaw!” she exclaimed. Napaatras siya at napakapit sa dingding kahit na ba sadya naman ang itinawag niya sa stepbrother niya. Isa naman talaga itong malaking mamaw. Lust braced his palm on the wall, above her head. He leaned in closer, tipping up the corner of his lips. Agad siyang napatingala dahil para itong kapre na nakatayo sa harap niya. Nakalaylay ang buhok nito at wala itong suot na salamin. Ngayon lang niya napansin na ganoon ang hitsura nito kaya naman pinakamasdan pa niyang mabuti. “Bingi ka ba o sadyang tanga?” anito sa kanya pero deadma siya sa ekspresyon ng mukha nito. “I’m not doing anything.” Kibit balikat ng dalaga sabay irap pa pero mabilis na hinawakan ni Lust ang braso niya. “Aray!” “I told you to stay away from my men. I told you to behave.” Gigil na halos magkiskisan ang mga ngipin nito sa inis. Kumikibot ang labi nitong hugis puso. “Behave ako.” Pasimpleng turan niya naman at hindi pa rin iniinda ang init ng ulo ng binata. Masyado itong makapal na sabihin na hindi siya behave ay ito nga ang malandi. Hindi naman niya ito pinakikialaman. Bakit ba marunong pa ito sa kanya? “Saka ano ba ang ikinagagalit mo na kausap ko si Leander?” ingos ni Psyche. “Mabait naman siya. Hindi naman kasama sa kontrata ‘yon. Para ka namang sira ulo. Wala namang masama na makipagkaibigan ako. Siguro loner ka kaya ka ganyan.” Hindi sumagot si Lust at pabalya lang siyang binitiwan. Binuksan nito ang pintuan at saka siya halos itulak doon papasok. “Stay inside and don’t be stubborn.” duro pa nito sa mukha niya pero iirap-irap siyang pumasok. “Nye-nye mo.” Ingos niya sabay rolyo ng mga mata. Paismid niya itong binalikan ng tingin saka niya sinipa ang pinto papasara. Pinagsiklop niya ang mga braso sa dibdib at napapalabing sumimangot. Akala yata nito ay matatakot siya at hindi lalaban. Kahit na hindi sila magkakilala at hindi sila magkaibigan na pwedeng mag-asaran ay hindi niya ito aatrasan. Nakikilala na niya ang pagkatao ni Lust kahit na kailan lang sila nagkakilala at isa itong dakilang diktador. Hmp! Bagay nga itong maging isang Lord Mayor, isang leader na dapat sundin kaya lang siguradong magkakaproblema ito sa oras na makapag-asawa na nang totoo. Sasakalin nito ang babae at paghihigpitan nang husto. Napalingon si Psyche sa pintuan nang makarinig siya roon nang mahinang katok. Hindi siya sumagot sa pag-aakala niyang si Lust na naman iyon. “Ma’am Bridget.” Tawag ng boses babae na iyon sa labas ng kwarto niya kaya agad siyang lumapit sa pinto. Maliit ang pagkakabukas ng dalaga at isinilip niya ang ulo. Nakangiti ang isang medyo may edad na babae at may hilang bag. “Ako si Faustina. Dala ko ang mga damit mo, iha.” Anito at medyo lumiit pa ang mga mata nang ngitian siya. “Pasok po kayo.” Nilakihan niya nang tuluyan ang buka ng pintuan at laking dismaya niya nang makita niya na nakabantay si Lust sa may di kalayuan. “Ano na naman?” she spats, landing her palms on her waist. Nakatitig lang iyon sa kanya at tumulis nang bahagya ang labi. “From now on, you’ll wear jeans and casual blouses.” Nek nek mo! Mataray niyang tinalikuran ang stepbrother at padabog na isinara ang pinto matapos na makapasok ni Faustina. Kaswal na binalingan niya ng tingin ang bag at napangisi siya. She’ll not give that autocratic man satisfaction. “I am the one who’s in charge to teach you how to respond to certain circumstances when Lust becomes the Lord Mayor.” Nakangiting sabi ng babae na parang aristokrata ang kilos. Iba ito kaysa sa Tita Bianca niya dahil ang totoo ay parang siya rin ang babaeng iyon. “Circumstances like what…po?” takang tanong ni Psyche sa kaharap. “How to speak and how to react when you hear gossips about him. I will teach you how to dress properly and how to move like a noblesse.” Laglag ang panga niya. Aba para na rin nitong sinasabi na wala siyang breeding. Ano namang akala nito sa kanya? Kinse pa lang siya ay namuhay na siyang mag-isa at nag-alaga ng dalawang maliit na bata. Hindi sa kanya kailangang isubo at ituro ang mga dapat niyang gawin na baka pati facial expressions niya ay aral din. It’s not her forte. She will never change herself just to be pleasing for Lust’s candidacy. That’s so unnatural. Kaya niyang harapin ang lahat mga bagay na lalabas sa hinaharap at hindi iyon kailangan na ipilit sa kanya, gawin siyang artista at pakabisahin ng mga linya. Tumalikod ang dalaga at humikab kunwari. “Bukas na lang po tayo mag-aral niyan. Antok na po ako.” Aniya sabay dapa niya sa kama. “Pero iha…” “Ako na po ang bahala kay kuya. Sasabihin ko na lang po ay tinuruan niyo ako para naman hindi maapektuhan ang trabaho niyo.” She shuts her eyes and when she opened the other one, the woman is shaking her head with a little smile on her lips. Hasa na siya ng panahon at sa totoo lang ay independent siya. Hindi niya kailangan ng script dahil hindi naman siya artista. Oo maganda siya pero hindi siya celebrity na pang-famas dapat ang acting sa harap ng mga tao ng Dublin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD