3

2295 Words
Chapter 3       Masama ang tabas ng mukha na nagmartsa si Psyche papasok sa loob ng karenderya. Kandahaba ang nguso niya at maluha-luha siya. Hindi maalis sa kukote niya ang akto ng pagsipa ni Lust sa kanyang bisikleta at kung paano iyon tumalsik sa isang bulok na sasakyan. Ang masama pa ay iniwan iyon ng lalaki roon. In-assemble pa iyon ng Papa niya noon gamit ang mga scrapped materials na ibinibenta sa shop nila. Napakawalang modo! “Ahm—Psyche iha.” Ani Bianca na susunod-sunod sa kanya na walang pakialam kahit na pinagtitinginan ng lahat dahil sa attire nitong ang lakas maka-Imelda  Marcos. “I’m so sorry again, darling.” Anito pa at kanina pa ito hingi nang hingi ng despensa. Hinarap niya ang madrasta matapos niyang kumuha ng apron sa may counter. “Okay lang po, Tita. Hindi niyo naman po kasalanan.” Aniya pero masama pa rin ang loob niya. Ang bait naman kasi nito para pagsupladahan niya at kahit na ngayon lang niya ito totoong nakikilala ay palagay niya magkakasundo sila. Hindi niya alam kung bakit naghiwalay ito at ang Papa niya dahil mabait naman ang babae. Sana mana rito ang stepbrother niya pero mukhang hindi. Baka mana iyon sa ama na walang kasing gaspang ang ugali. Tumingin siya sa labas at nakita niyang nakapameywang doon ang herodes. Kumikinang iyon sa puti dahil sa sikat ng araw at ang asul na mirrored shades ay ganoon din. Pinagtitinginan iyon ng mga tricycle driver at mga babaeng pasahero sa pilahan sa labas ng karenderya. Kahit na ang mga nasa loob ng kainan ay humahaba ang mga leeg at namimilipit sa pagsilip. “Matanong ko nga ho kayo, Tita Bianca. Saan niyo ho ba ipinaglihi ang baby boy niyo? Para ho kasing ang pakla niya.” Nalukot ang mukha ni Pysche at hindi niya inasahan na hahagikhik si Bianca sa halip na mainis sa tanong niya. Kung sensitive ang isang ina ay mapipikon malamang sa tema ng tanong niya lalo pa at sinabi niyang mapakla ang kaisa-isang anak nito. “Hindi ‘yan mapakla. Mana lang siya sa Dad niya. You will see. They’re both cocky. Davis is old but you’d see his superiority once you met him.” Umangat ang mga kilay niya. Kung ganoon ay hindi lang pala anak ang pakikisamahan niya kung hindi pati na ang matandang ama ni Lust? Hindi kaya roller-coaster ang kalabasan ng buhay niya sa desisyon niyang magpakasal para lang sa kinabukasan ng mga kapatid niya? Hmp! At least galing iyon sa pagod ko. Ako ang mahihirapan at hindi ako aasa sa mga best friends kong mayayaman. “Sige na ho, Tita maupo ho kayo at hintayin niyo ho iyong anak niyong supermodel.” Irap niya nang papatago at natawa naman si Bianca. Mabuti na lang at mabait ang babae, kung hindi ay kanina pa niya binatukan ang kuya niya. “Kukuha lang ho ako ng maiinom niyo.” Paalam niya sa babae at pinili pa niya ang set ng mesa na walang punit ang mga foam. Baka na lang kasi makagat ng surot ang pwet ni Lust ay masisi pa siya. Mabuti pa ang Tita niya at kahit pamatay ang attire ay game naman na umapak sa ganoong klase ng lugar. Pinunasan na muna niya ang mesa at kandatuwad siya sa pag-abot sa kabilang side habang nakaupo naman si Bianca sa pandalawahang maliit na upuan, na may foam sa ibabaw. Bigla itong napatakip sa bibig at nangingiti kaya naman nagtaka siya. Gumalaw siya at totoong napatalon nang bumangga ang pwet niya sa isang bagay. “Susmi!” kipkip ang pwitan ay napapihit siya at laking pamumula niya nang makitang nakatayo sa mismong likuran niya si Lust, arms crossed over his chest. “Bastos!” angil niya sa stepbrother na umangat lang ang isang kilay. Wala itong ekspresyon, para itong patay. “Excuse me. You’re blocking my way, lady.” Simpleng sagot nito na parang tumikwas pa ang labi. Para bang sinasabi nito na ang lakas ng tama niya na pagbintangan itong minamanyak siya. Dumistansya siya at pigil ang sarili na huwag umalsa. Mainit na ang ulo niya dahil sa ginawa nito sa bisikleta niya tapos ay hahara-hara pa ito na para siyang babayuhin sa pwetan. “This place is too hot and too crowded. We better find another place to stay, Bianca.” Lust enunciated, scrutinizing the vacant seat. Tumalikod siya at hindi ito pinansin. Kukuha siya ng maiinom at kumukulong tubig ang ibibigay niya sa stepbrother niya para naman malapnos ang dila at manahimik kahit pansamantala. “Ikaw may bisita pogi lalaki, Psik!” nagingisi-ngisi ang instsik na amo niya. Psik! Iyong isa ay Bridget nang Bridget, ito namang baboy na instik ay Psik ang tawag sa kanya. Ngumisi siya sa bossing na mabait naman sa kanya at kahit na sa mga kasamahan niya. “Oo bossing kaso tabil nguso parang paglihi ng Mama niya sa bubot bayabas. Pakla nguso kahit pogi. Talas dila parang bago lagi hasa.” Gagad niya sa salita ng amo na natawa naman nang maupo sa counter. “Ako kuha bago kulo tubig, banlian ko nguso para tigil tabil.” Iminiwestra niya na isini-zipper ang sariling bibig kaya tumawa lalo ang instik. “Ikaw talaga bata ka. Masyado ka biro. Ako lagi tawa sa iyo.” Naiiling din siya sa sarili nang pumasok siya sa kusina. Lumabas siya na dala ang tray ng tea at tasa ng bagong kulong kapeng barako. Walang imik na inilapag ng dalaga ang mga dala sa mesa at saka niya tiningnan ang madrasta. “Tita, gusto niyo ng pansit?” ngiti niya kay Bianca na tumango naman. “Yes please, darling. I’m starving. I never had the chance to eat breakfast.” Sumipsip iyon ng tea at si Lust naman ay walang imik na nakatitig sa tasa ng kape na inihain niya. Parang inaanalisa nito kung malinis iyon o may katiting na mikrobyo. Para itong nandidiri kahit na hindi pa man lang hinahawakan ang tasa ng barako. Bagay iyon sa pagkatao nitong mainitin ang ulo. Hindi naman ito mukhang matanda kahit parang aburido sa buhay. In fact, ang pogi nga nito at aminado naman siya roon. Medyo may kapangitan lang ang ugali nito at walang pakundangan kung magsalita. “Ikaw, anong gusto mo?” walang sabor na tanong niya kay Lust na tumingin sa kanya. Nabubwisit siya na ang mesa kung saan nakapatong ang mga braso nito ay may sapin pa na tissue. Akala naman ay mate-tetanus kapag hindi nilagyan ng sapin. “I want us to talk right now so I can leave this place. You’re wasting my time.” Anito kaya naman naiinis niyang dinukot sa bulsa ng palda niya ang sobre na naglalaman ng kasunduan na ipinagawa niya kay Dark at ang kasunduan na ipinagawa naman nito. “Pakibasa ho muna iyong mga gusto ko tapos magpirmahan tayo. I have my lawyer, you know. Hindi ako bilyonarya pero may kumpare akong isang Drear Hayes Villaraigosa.” Her lips twitched. Uminom naman ulit si Bianca ng tea at parang itinatago ang ngiti sa rim ng baso. Wala namang pagkagulat sa mukha ni Lust kahit na ipinagmayabang na niya ang bilyonaryo niyang kumpare. “And he doesn’t have something to do about this.” Anito lang. “He will be my lawyer, f.y.i.If you think maloloko-loko mo ako rito, no way, kuya. I’m sorry Tita Bianca. I have to tell your baby boy that I am not a puppet here.” Baling niya sa babae na itinaas naman ang kamay sa ere. “No worries, darling. I’m just a bridge amidst the parties. All I want is my one hundred million pesos.” Inom niyon sa baso pero pinukol ng anak ng makamatay na tingin kaya halos masamid ang babae. “Oh, and to help my son of course.” Pakunswelo niyon sa anak. “Get the pansit. I’ll read your terms.” Wala ring sabor na sabi ng binata at itinaboy siya nang ganoon lang. “Ikaw, gusto mo ng pansit?” ngiti niya rito pero hindi siya nito pinansin. Japeyk naman ang ngisi niya. Hindi naman iyon makatotohanan dahil naiimbyerna siya rito. Pasira ito sa kagandahan niya. “I don’t eat pansit, I eat pussy.” Anito habang nakatingin sa binabasang papel at lukot ang noo. Biglang nawalan ng lakas ang tuhod ni Psyche dahil sa kabastusan nito at dahil pati si Bianca ay nasamid din habang iniinom ang iced tea. Napalayas siya nang wala sa panahon at bumalik sa kusina para kumuha ng special pansit para sa stepmother niya. “Bossing pogi,” tawag ng dalaga sa amo niya na nanonood sa monitor ng CCTV. Iyon na ang libangan ng intsik sa araw-araw, ang bumangbang sa monitor. “Ako paalam muna ngayon araw. Usap lang ako doon sa mamaw na tabil nguso, doon sa puti buhok na para uban.” Nguso niya kay Lust. Tumango naman kaagad ang lalaki at nag-thumbs up. “Doon sa pogi? Yaman hitsura bisita mo. Parang kita ko na ‘yan TV.” “Ah baka mukha lang kita mo. Dami yan mukha na tao kasi lapit na mabura mundo.” Aniya naman kaya tumawa lang ang boss niya. Ayaw naman niyang ipahamak ang stepbrother niya lalo na kung alam niyang wala itong kasing yaman pero parang walking Greek god sa Maynila. “Kaltas mo na sweldo, bossing.” “Oki basta ikaw.” Tango pa niyon kaya naman diretso na siya sa mesa na inuukupa ng mag-ina. Nakita niyang gatla-gatla  na ang pawis ng Tita Bianca niya kaya naman inasikaso niya ang wall fan matapos na mailapag ang pansit sa mesa. “Pasensya na Tita, mainit sa Pinas.” Aniya sa babae na ngumiti lang naman sa kanya. Sumampa siya sa stool para mai-steady ang bintilador kaya lang nang mapasulyap siya kay Lust ay ang sama ng tingin nito sa kanya. Nakatingin ang binata sa legs niya tapos ay tumingin sa sapatos niyang kulay brown—kulay brown dahil sa putik. “Down!” angil nito kaya para siyang naparalisa. Ano bang problema nito at mas mahigpit pa ito kaysa sa menopausal na lalaki? “Baba na, bumaba ka na. Let it be. Leave the fan that way. I’m okay.” Hila ni Bianca sa bestida niya kaya naman mahaba ang labi na sumunod siya. Naupo siya sa silya at ang sama ng tingin sa kuya niya. Napakasungit nito. Naiinis na inalis niya ang apron pero laking pagkadismaya niya nang makita niyang nakahawal na ang bestida sa isang dibdib dahil wala ngang isang strap. Nyak! Labas na ang bra niya. “Jesus.” Napasentido si Lust at inilagay na lang ang mga mata sa binabasa. Pasimple niyang inayos ang sarili. Hindi naman niya kasalanan iyon. Hinila nito ang strap ng damit niya kaya naputol. Kapagkuwan ay inilahad ng binata ang palad sa ina na parang may hinihingi. “Pen.” Anito sa inang sumusubo ng pansit na kaagad tumalima sa utos ng anak. Para itong robot. Para itong secretary sa halip na nanay. “I don’t have time to dally. I need this woman. Dad called me and asked me where I am. Lugi ako sa kontrata na ito. It states here that I’ll enroll you to a racing school. Do you even know how much a single tire of Ferrari costs?” his eyes moved to hers. “I don’t care. It’s my policy and you have to comply if you want me as your wife.” “And you don’t even fit the price.” “Ah basta.” Ingos niya. Mayaman naman ito kaya alam niyang kayang-kaya nitong tuparin ang pangarap niyang maging isang racer, kahit na hindi pang Formula one basta makapaharurot lang siya ng Ferrari. Oo at kapag nadisgrasya ka, harurot mo ay papuntang simenteryo. Iwinaksi niya ang kanyang sub conscious mind. She paid attention to Lust’s hand. Pinirmahan nito nang walang kurap ang papeles kaya nakangisi naman niyang binawi ang prenuptial agreement at ang mga terms and conditions nito. Dark tackled the prenup. Alam na niya ang laman no’n. Pumirma siya roon at isinulong iyon pabalik kay Lust inagaw naman niya ang papel na para sa kanya. “This is mine and I’ll keep this. You keep yours.” Her lips curled. Nakamasid sa kanya si Bianca at may ngiti sa mga mata ng babae. Hindi niya maarok kung anong naroon pero hindi iyon pagkadisgusto. Psyche even patted her pocket after keeping the envelope while Lust tiredly leaned on the backrest. “I’ll give you a couple of days to pack your things, say goodbye to your siblings and find nanny for them. Open an ATM account where I can transfer your monthly salary as my wife. The f**k!” mura nito pero hindi niya iyon pinansin. “This is indecency.” His eyes pierced in her soul. “And I am indecent?” taas noong sagot ng dalaga. “I’m just using my brain.” Matatas na sagot niya pero tumaas ang isang sulok ng labi nito para sa isang nakakatakot na ngiti. “Use it wisely. You don’t know me and you don’t know that I play dirty.” His smirk turned into a devilish half grin. “Baby, huwag mo siyang takutin.” Saway ni Bianca sa anak at hindi naman siya natatakot. Hindi naman mukhang mamamatay tao si Lust. Okay lang din naman na araw-araw itong lumayas at mambabae kung gusto nito. Wala naman siyang pakialam doon basta may kwarta siya at busog ang mga kapatid niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD