CHAPTER 14 ZAYRELL's POV: TANAW na tanaw ko ang paglalakad palayo nila Tristan at ang babaeng kinakasama niya rito sa Isla. Hindi ko pa alam ang pangalan ng babae. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi ko siya gusto. Bukod sa ayoko siyang mapunta kay Tristan, ay ayoko na talaga ang pagkatao niya. Amoy na amoy ko kasi rito ang ugaling tinatago ng babae. Tila inuutakan niya lang si Tristan. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit hinahayaan ni Tristan ang kanyang sarili na magpauto sa babae. Naturingang Mafia Boss pa naman siya pero dahil lang sa babaeng 'yan ay hindi niya iniisip kung anong pwedeng gawin nito sa kanya. Matalim akong napatingin sa dalawa na sweet masyado ang datingan. Nagseselos ako dahil dapat ako ang kasama ni Tristan. Pero simula nang dumating ang babaeng 'yan ay ti