CONTINUATION. ANNIE's POV: Halos mapunit na ang labi ko dahil sa lawak ng aking ngiti ngayon. Napapangiti ako dahil sa naging reaksyon ng babaeng kaharap ko na kung umasta ay parang asawa ni Tristan. Pero dahil sa sinabi ko ay natahimik siya at hindi maiguhit ang kanyang itsura. Akala niya yata ay magiging talunan ako at matatakot sa kanya. Well, I'm not. Hindi uso sa akin ang makipagtalo lalo na kung kapwa babae ko pa ang nagiging asal-aso. "Hindi ako naniniwalang nobyo mo si Tristan," giit nitong sabi. "Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi siya ang tanungin mo?" palaban kong turan. Saktong bumukas na rin ang pinto ng banyo hudyat para makita naming dalawa na naka-topless si Tristan. At para maging kapani-paniwala ang sinabi ko sa dalaga ay nilapitan ko ang lalaki at mabilis akong