bc

MY LIFE BETWEEN THE TWO MAFIA's

book_age18+
4.6K
FOLLOW
21.4K
READ
revenge
HE
badboy
powerful
heir/heiress
bxg
serious
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Paano kung dumating ang araw na mapadpad ka sa hideout mismo ng mga Mafia? Magagawa mo pa kayang makatakas sa kamay nila? O pipiliin mong manatili na lamang doon na kasama ang dalawang lalaki na walang sinasanto?

Si Annie ay isang magandang babae, sexy at mayaman. Siya ay kinidnap ng mga hindi kilalang armado. Pero dahil sa bilis ng kanyang galaw ay nakatakas siya sa kamay ng mga lalaki.

Kaso sa kasamaang palad, napunta siya sa liblib na lugar na siyang hideout pala ng mga Mafia na pinamumunuan ng dalawang magkaibigan na sila Tristan at Aeron.

Ang dalawang lalaki na walang alam sa pagmamahal. Dahil para sa kanila, ang babae ay isang parausan lamang.

Mararamdaman kaya nila ang pag-ibig sa pagdating ni Annie?

TAGALOG WRITING CONTEST - MY DANGEROUS LOVERS

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 (SI ANNIE)
CHAPTER 1 ANNIE CELINE's POV: "Congratulations dad! Ikaw na naman ang laman ng balita ngayon. Successful business owner ka na nga! Kaliwa't-kanan ang napapanood kong interview sa'yo dad... Ang galing mo talagang negosyante.. I'm so proud of you papa!" bigkas ko sa aking ama nang makauwi ako sa mansion. Isang beso ang aking pinakawalan nang sabihin ko ito kay dad. Nadatnan ko kasi siyang nasa labas ng hardin kasama si Mama na may hawak ng dyaryo. Kasalukuyan yata nilang binabasa ang balita na sila mismo ang nakapaloob doon... Matagal ng negosyante si papa. At paulit-ulit naging maingay ang pangalan niya dahil masyado siyang masipag at madiskarte. Nakakatuwa nga dahil sa edad nila ay nagagawa pa nilang magtrabaho. Pero para sa kanila ay hindi naman nila tinuturing na trabaho ang business, dahil libangan na lang daw nila ito para hindi sila maboring sa loob ng mansion. Ano pa ba ang papangarapin namin? Masyado na kaming mayaman. Kaya nga halos lahat ng mga tao ay nabigyan na namin ng trabaho at pangkabuhayan dahil mismo sa aming mga negosyong naipatayo. Pero sa kabila ng pagiging mabait at matulungin ng magulang ko ay hindi pa rin mawala ang inggit sa aming paligid. Maraming nagagalit at maraming tao ang patuloy na sinisiraan kami. Mabuti na lang talaga at hindi ito pinapatulan ni papa. Dahil alam niya na walang patutunguhan ito at mai-stress lamang sila ni mama. Because of my voice, napatigil naman sila dad sa kanilang pagbabasa at napatingin sa mismong pwesto ko kung saan ay nakatayo na sa tapat nila. Medyo nagulat ang kanilang reaksyon sa pagdating ko. Hindi yata nila inaasahan na makakauwi ako. Hindi ko naman kasi sa kanila sinabi na dito ako magbabakasyon sa Pilipinas. Oo, sa ibang bansa ako tumutuloy. Sa ibang bansa ako pinapaaral ni dad for my safety. I received so may threats coming from different people. So my decided na ilayo ako sa Pilipinas dahil mapanganib daw ang buhay. Pero dahil sa katigasan ng ulo ko ay wala akong pasabi na uuwi ako ng bansa. Wala na kasing pasok at sembreak na namin. So I decided to be here. Mas gusto kong kasama ang pamilya ko kaysa manatili sa Canada. Iba pa rin kasi ang saya kapag yung magulang mo ang nakikita mo sa tuwing gigising ka. "Annie? What are you doing here? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag ka munang uuwi dito hangga't hindi ako nakakasiguro sa kaligtasan mo? Hindi ka na naman sa akin nakikinig hija. Napakatigas talaga ng ulo mo," si dad na siyang pinagsabihan ako sa halip na masiyahan siya. Napakamot na lamang ako sa aking kilay. Ito na nga lang kasi ang unang beses na makita ko sila ay sesermonan niya kaagad ako. I almost stayed for four years sa ibang bansa. Kaya yung pagka-miss ko sa aking magulang ay sobra-sobra, lalo na kay dad. Si Mommy kasi ay dinadalaw ako mismo sa Canada kapag may oras siya. Pero etong si Dad ay natiis niyang hindi ako makasama sa apat na taon na 'yon. "Are you not happy dad? Nakaka-disappoint naman ang reaksyon niyo," pagtatampong sambit ko. "My princess, hindi naman sa hindi ako masaya. I am just worrying about your safety... Hindi makakabuti sa'yo ang tumagal dito at manatili sa ganitong bansa. Ngayon pa kaya na marami nang negosyante ang nakakabangga ko... Marami na sa akin ang nagagalit at naiinggit," pahayag ni papa upang ipaliwanag ang dahilan niya. Kahit naman hindi niya sabihin ay alam na alam ko na 'yon ang rason. "Dad, hindi naman ako magtatagal dito. Gusto ko lang naman mag-stay dito kahit five days lang. Hindi naman ako lalabas ng mansion. I promise. Gusto ko lang talaga kayo makita ni mom... Don't you miss me ba?" nakangusong sabi ko na siyang ikinahinga niya nang malalim. Pati tuloy ako ay pilit na ngumiti at napahinga na rin ng malalim. Ang ganda ng buhay namin pero pakiramdam ko ay kulang na kulang kami pagdating sa family bonding. Lagi na lang ganitong eksena. Magkalayo at hindi nagkikibuan. At kung magkikita man ay pinagtutulakam na agad ako na bumalik ng ibang bansa. "You know what dad, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko after knowing and hearing those words coming from your mouth... Nandito ako kasi proud ako sa mga achievements mo... But instead na masiyahan kayo dahil nandito ako, pakiramdam ko ay ayaw niyo akong makita. Ganyan na ba talaga ka-importante ang negosyo sa inyo kaysa sa akin? Simpleng appreciation lang ay hindi ko pa marinig sa inyo," mahinang turan ko. "Annie, don't say that... Businessman ang daddy mo. And because of his business, napapaaral ka niya sa mamahaling University sa Canada. At kung ano man ang desisyon ng dad mo ay huwag naman sanang sumama ang loob mo, hija. He just want to protect you. Kaya nga pinapalayo ka niya dahil ilang beses na ring nalagay sa alanganin ang buhay mo. Sa tingin ko naman ay naaalala mo pa 'yon," tanging wika ni mama kaya hindi na lamang ako nagpatalo. I just raised my two hands upang sabihin na suko na ako sa argumento namin. "Okay fine... Sige na. Aalis na ako bukas... Pero baka pwedeng magpapahinga muna ako ngayon. Nahihilo na kasi ako at gusto ko na mag-beauty rest," usal ko naman. Nang tumalikod na ako sa kanila upang pumasok sa kalooban ng mansion ay hindi ko mapigilan na mapaiwang ang labi sabay bulong na may halong pagdadabog. "Hirap niyo namang surpresahin... Sa halip na ma-appreciate niyo ay pinagtabuyan niyo lang ako... Wala yata silang pakiramdam," ani ko at tanging sarili ko lamang ang nakarinig ng aking sinabi. Pumasok na ako sa aking kwarto. Yung maleta ko ay yung yaya namin ang mismong nagdala no'n sa loob. Nang makalabas siya ay saka ako napahiga sa malambot na kama. Masyadong mahaba ang biyahe ko kaya inaantok. Gusto ko sanang magpahinga pero naisip ko na isang araw lang pala ako rito sa Pilipinas at babalik din ako kaagad sa Canada. Kilala ko si dad, may isang salita iyon at kapag siya na ang nagdesisyon, wala na akong choice kundi ang sundin siya. "What if gumala ako bukas? Siguro naman ay hindi mahahalata ni dad na gagala ako dahil ang buong akala niya ay uuwi na ako ng Canada," kausap ko sa aking isipan habang nakatingin ako sa kisame ng aking kwarto. I'm thinking about it... Dahil sayang naman ang pagpunta ko rito kung wala man lang ako na memories. Kung sana ay hindi ako hinayaan ako nila dad na manatili dito ng limang araw ay hindi sasagi sa utak ko ang gumala. "Napaka-bright ng mind mo Annie... Tamang desisyon 'yan. Gumala ka at magpakasaya bukas para worth it naman ang pagpunta mo sa Pinas," nakangiting sabi ko matapos ang ilang minutong pag-iisip ko. Bahala na. Mananatiling sekreto naman ang pag-gala ko bukas. Hindi ko naman ipapaalam sa kanila na maglilibang muna ako. Hindi naman siguro masama kung magsinungaling diba?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook