CHAPTER 5
TRISTAN's POV:
"TOTOO ba ang bulung-bulungan ng mga tauhan mo, Tristan? Na nandito ang anak ni Don Javier? Akala ko ba ay pinapatay mo na siya sa grupo nila Brando?" tanong sa akin ni Aeron nang makalabas ako mula mismo sa aking kwarto.
Akma na sana siyang paakyat sa itaas nang makasalubong ko siya sa hagdan.
Kaya inakbayan ko ito para hindi na siya tumuloy pa.
Hindi maaari na makita niya ang babae, dahil kilala ko itong kaibigan ko. Tipo niya ang mga katulad ni Annie. Baka magustuhan niya ito at hilingin niya pa na ibalato ko na lang sa kanya ang dalaga para maging parausan. Ayoko namang mangyari iyon kaya gusto kong itago muna si Annie sa kwarto.
Kaya iniwan ko ang babae sa loob ng aking silid. Nagawa kong i-lock ang pinto dahil ayoko siya na makalabas. Ayoko rin na malaman niya na ako ang boss nila Brando na siyang kumidnap sa kanya.
"Natakasan sila ng babae. Masyado kasi silang tatanga-tanga... Kaya heto, nakarating dito si Annie at ako ang nakakita sa kanya. Natagpuan ko siya sa may buhangin na walang malay. Idinala ko muna rito para hindi na makalayo pa," pagsasaad ko kay Aeron.
"Ikaw naman kasi Tristan, sinabi ko naman sa'yo na dapat ikaw na lang itong kumilos. Muntikan ka pa tuloy na magkaroon ng sabit dahil sa mga tauhan mong bobo... Pero maiba tayo, ano bang plano mo sa babae? Papatayin mo pa rin ba siya? O ibabalato mo na lang sa akin?" muling bigkas ni Aeron.
Sinasabi ko na nga ba, basta usapang babae ay mabilis pa ito sa alas-kwatro kung magsalita. Direktahan niya agad na sinambit ang katagang iyon.
"Huwag mo akong pangunahan Aeron. Ako ang nakakuha sa babae kaya hayaan mong ako ang mag-isip ng gagawin ko sa kanya," tanging turan ko rito.
"Pero hindi mo naman hilig ang babae, Tristan... Kaya ano bang gagawin mo sa kanya? Huwag mong sabihin na balak mo nang gumalaw ngayon ng babae?" turan nito na talagang inaalam niya kung ano ang magiging kapalaran ni Annie sa kamay ko.
"Gaya nang sinabi ko, pag-iisipan ko... Pero hindi malabo na mangyari 'yang iniisip mo. Lalaki ako at meron pa ring pangangailangan sa katawan. And I guess, Annie will give me the satisfaction that I want," pagsasagot ko na walang alinlangan.
But honestly, hindi ko gustong sabihin ito. Napilitan lang ako para hindi na maging makulit pa si Aeron.
"Kung sabagay, sa litrato pa lang ng babae ay nakakatigas na agad ng p*********i ang katawan. What more kung nakita mo na siya sa personal diba?" ngising pahayag ni Aeron.
Hindi na lamang ako sumagot pa, bagkus ay naglakad na ako patungo sa mismong mga tao ko upang utusan sila na itapon ang katawan ng apat na lalaking kasamahan ni Brando.
Sila kasi ang nakarating dito sa hideout na buhay at sila pa mismo ang nagbalita sa akin sa nangyari kay Brando.
Nagawa itong patayin ni Annie dahil sa pagtangkang pang-gagahasa sa kanya. At wala sa bilin ko na galawin ang dalaga. Ang tanging sabi ko sa kanila ay kitilin ang hininga ng babae. Pero sinuway nila ang kagustuhan ko. Kaya katulad ng sinapit ni Brando ay ako na mismo ang kumitil sa apat. Hindi ko kailangan ng mga tauhan na masyadong nagmamagaling at hindi nakikinig sa akin.
"Sige na, ipaanod niyo na sa dagat ang mga bangkay nila," saad ko sa aking mga tauhan.
Kaagad silang kumilos at kaagad nilang pinagtulung-tulungan ang apat na taong pinatay ko.
Ganyan ang kahahantungan ng mga taong sinusuway. Hindi magtatagal ay ganito rin ang mangyayari kay Annie kapag tinangka niyang tumakas sa puder ko.
"Ang lupit mo Tristan... Sa halip na yung babae ang patayin mo ay pinili mong alisan ng buhay ang mga tao mo... Ngayon lang kita nakitang ganyan. Pinahalagahan mo ang buhay ng isang babae na siyang target mong patahimikin," pahayag ni Aeron habang nakasunod lang ito sa akin.
Pinapamukha nito na nag-iiba ang layunin ko dahil lamang kay Annie.
At para hindi na ito mag-isip pa ay tinapunan ko siya ng tingin. Isang malamig na titig ang pinakawalan ko sa aking mata.
"Huwag kang atat Aeron... Alam mong hindi ako gaanong mahilig sa babae. Gusto ko lang matikman si Annie bago ko siya ipamigay. Kaya kapag nagsawa na ako sa kanya ay ibabalato ko agad siya sa'yo para manahimik na 'yang dila mo," ani ko na lamang.
Napaguhit naman dito ang saya sa kanyang labi na tila kanina niya pa hinihintay na marinig ito.
"Ayan ang gusto ko sa'yo Tristan... Hindi ka madamot sa kaibigan mo. Hihintayin ko ang araw na iyan... Sana ay marunong kang tumupad sa usapan," pagsasambit niya habang tinatapik ang likod ko.
Natigil lang siya sa kanyang kasiyahan nang marinig niya ang mga hakbang ng tatlong negosyanteng kumausap sa akin kahapon para ligpitin ang anak ni Don Javier.
Nangako pala ako sa kanila na papatayin ko ang babae sa mabilis na oras. Pero mukhang hindi ko na yata ito maitutuloy pa dahil tuluyan nang nakapasok sa aming hideout si Annie.
At matapos kong masilayan ang pagmumukha niya ay parang nanghihinayang ako na patayin siya.
Kilala ako na walang puso, pero bigla akong tumiklop at biglang lumambot ang damdamin ko nang makita ko siyang walang malay sa buhangin. So instead of killing her, pinili kong dalhin siya sa kwarto at pinagpahinga. Nagawa ko pa nga itong palitan ng damit at punasan ang kanyang katawan gamit ang malinis na tela. Iyan ang kauna-unahang ginawa ko sa tanan ng aking buhay.
Sino bang mag-aakala na ikaw ang pasimuno sa pagpatay sa kanya, pero ngayong nasa harapan mo na ang babae ay hindi mo na kayang patayin pa ito?
Hindi ba't sobrang weird lang bilang Mafia ang magkaroon ng ganitong damdamin sa taong kailangan mong paslangin.
"Tristan, naparito kami para ibigay sa'yo ang usapan nating pera na ipapahabol namin... Siguro naman ay nagawa niyo nang ligpitin ang kaisa-isang anak ni Don Javier," pahayag nitong si Mr. Ryan na siyang may hawak ng attache case na may laman ng milyones na pera kapalit ng buhay ni Annie.
Mabilis ko naman itong tinanggap at pasimple kong tiningnan si Aeron na ngayon ay nagtataka kung bakit ko kinuha ang salapi.
"Tapos na ang problema niyong tatlo... Nagawa ko na ang ipinapagawa niyo. Nasa mabuti nang himlayan ang anak ng negosyanteng kinaiinisan niyo. Kaya wala na kayong dapat na ipangamba pa. Tapos na ang kontrata natin," turan ko sa kanila na pawang kasinungalingan lamang.
Hinding-hindi ko sa kanila ipagtatapat na nandirito sa puder ko ang babae.
"Buti naman kung gano'n... Paano, mauna na kami. Maaasahan ka talaga," usal nito bilang paalam.
Nakipagkamayan naman ako sa kanilang tatlo bago sila umalis sa aming hideout.
Hindi naman mawala ang ngisi at pagkamangha ni Aeron dahil sa pagsisinungaling ko sa mga taong kausap ko kanina.
"Hayop ka talaga Tristan... Wala na yatang tatalo sa pagiging gahaman mo," saad nitong kaibigan ko nang tuluyan nang makalayo ang tatlong negosyante.
"Pautakan ang tawag dyan, Aeron... Nagkapera ka na, nagkababae ka pa," usal ko rito.
"Wala na yata akong masasabi pa sa'yo. Iba ka kaibigan. Talagang tunay kang lider ng Mafia," sambit niya na punong-puno nang pagpupuri ang kanyang pananalita.
"Ako pa ba? Walang sino man ang pwedeng mandaya sa akin," maangas na turan ko kay Aeron.
Kahit siya man na kaibigan ko ay hinding-hindi niya ako magagawang patumbahin. Dahil kung sa talino lang naman ang usapan, walang sinong tao ang makakatalo sa utak ko.