CHAPTER 6
ANNIE's POV:
NASA LOOB lang ako ng silid at hindi ako makalabas. Talagang kinulong ako ng taong 'yon dito sa kanyang kwarto.
Ang lalaking 'yon ay puno ng tattoo sa katawan. May hati rin ang kanyang kilay at meron siyang hikaw sa tenga. Sa pananamit at pormahan niya pa lang ay mahahalata mo agad na isa siyang masamang tao. Pero kahit gano'n ang kanyang postura sa katawan, hindi ko maitatanggi na umaapaw pa rin ang itsura niya. May kapogian siyang taglay sa mukha. Hindi katulad nung mga taong kumidnap sa akin na halos mapapamura ka na lang dahil masyadong masakit sa mata ang mga itsura nila.
Napahinga ako nang malalim habang nag-iisip kung paano ko magagawang makaalis sa lugar na ito. Yes, I'm still planning to escape on this place. Hindi ko naman kaya na tumagal dito. Hindi ito ang kinasanayan kong lugar kaya alam kong magkakaroon lang ng allergy ang katawan ko rito. Besides, wala akong tiwala sa kasama kong lalaki kanina. Tila may binabalak siyang masama sa akin. Hindi magtatagal ay baka gawin niyang parausan ang p********e ko.
Naiisip ko pa lang ito ay halos mandiri na ako sa mangyayari. Sa gano'ng sitwasyon na yata hahantong ang pananatili ko rito.
Paikot-ikot lang ano sa loob ng silid habang kinakagat ko ang aking kuko. Mannerism ko na ito sa tuwing inaabot ako ng kaba at takot.
Hindi ako makapag-isip ng tama. Wala akong makitang butas na pwede kong labasan. Ang kwarto na ito ay walang bintana. Tanging pinto lang talaga ang magiging daan para makatakas ako.
Hindi ko nga alam kung anong klaseng kwarto ito at hindi man lang nilagyan ng bintana para makapasok ang hangin. Pero napaka-sosyal dahil may aircon sa loob. Mukhang safe place nga na matatawag ito sapagkat yung dingding nito ay hindi basta-basta magagawang tibagin ng mga bala. Pinatungan ito ng metal kaya kung sakaling sumugod man ang mga kalaban ay walang mangyayari na masama sa akin dito. But I can't stay here... This place is not for me.
"Ano kaya ang pwede kong gawin? Paano ko kaya mabubuksan ang pinto?" tanong ko sa aking sarili.
Kung ano-ano na ring gamit ang siyang kinukuha ko upang gamitin sa pagbubukas ng pinto.
Nang makuha ko ang isang screwdriver na maliit. Ginamit ko ito sa doorknob para pilitin na buksan ang pintuan. Kaso tumagal nang ilang minuto ay kusa na itong bumukas.
Sa sobrang galak ko ay napangiti at dali-dali akong kumilos. Kaya lang sa aking paghakbang ay tumama ang aking noo sa matigas na dibdib ng isang lalaki.
Hindi naman pala dahil sa screwdriver kaya nabuksan ang pinto, ito ay dahil binuksan mismo ito ng taong kumulong sa akin sa silid.
"Tatakas ka?" he asked me in a cold voice.
Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa kapalpakan na nagawa ko.
Kaya napasapo ako sa aking noo at napakamot na lamang.
"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi ka pwedeng umalis sa puder ko? Bakit parang hindi yata malinaw sa'yo ang mga katagang 'yon? Hindi ka naman siguro bata para hindi maintindihan ang simpleng mga salitang binigkas ko kanina," pahayag nito.
Napaatras ako nang hakbang dahil nagawa nitong pumasok na sa loob at muling sinara ang pinto.
Hindi ko alam kung saan ako tatago para lang hindi niya ako magawang maabot. Dahil kahit anong atras ang gawin ko ay talagang sinusundan niya ako. At sa kakaatras ko ay napasanday na lamang ako sa dingding kung saan ay wala na akong pagkakataon pa na makalayo sa lalaki.
Kinuha niya ang screwdriver na nasa kamay ko at tiningnan niya muli ako.
"Miss Annie, huwag mong subukan na ubusin ang pasensya ko dahil masama akong magalit," turan niya na tila pinapaalala nito sa akin ang mga kaya niyang gawin.
Pero hindi ako pwedeng magpatinag. Dahil para ko na ring inako sa aking sarili na isa akong sunud-sunuran na babae.
"Hindi kita kilala. Sino ka ba sa tingin mo? Ano bang karapatan mo na kontrolin ako at pigilan ako sa mga gusto kong gawin? Alam mo ba na labag sa batas ang ginagawa mo sa akin? Kinukulong mo ako at inaalisan mo ako ng karapatan," matapang na bigkas ko sa kanya.
Nagsalubong ang magkabilang kilay nito at medyo nagulat siya sa aking pananalita.
"Anong batas ba ang pinagsasabi mo? Hindi uso sa akin ang batas na iyan... Dahil dito sa lugar ko, ako ang nasusunod," pagsasagot niya.
"Ikaw ang nasusunod? Bakit? Anong klaseng tao ka ba rito? Anong posisyon mo rito para maging mayabang ka? Wala ka yatang alam sa women's right. Hindi mo na ginagalang ang babaeng katulad ko... Ano bang gagawin mo sa akin? Parausan mo? Aangkinin mo ang katawan ko at gagawing pasarapan? Gano'n ba ha?" sunod-sunod na bigkas ko.
Dahil siguro sa boses ko ay hindi niya napigilan ang kanyang kamay na sakalin ako.
Dito ay napatigil ako at nabuhay ang aking takot sa dibdib. Pero nung makita niyang nahihirapan na akong huminga ay kusa niyang inalis ang kanyang kamay sa aking leeg. Kaakibat nito ay kumalma ang kanyang mukha at lumayo nang bahagya sa pwesto ko.
"Ayoko sa lahat yung tinataasan ako ng boses Miss Annie... Nagagawa kong manakit ng babae kapag nawawala ako sa kontrol... Kung itinatanong mo kung sino ako at anong posisyon ko rito, isa akong Mafia... Mafia na ang tanging alam ay gumawa ng karahasan sa kapwa. Pumapatay ako ng tao, depende kung ilan ang patong sa ulo ng taong 'yon... Ang sinasamba namin ay walang iba kundi ang pera. Kaya kung binabalak mong takasan ako, hindi na kita bibigyan pa ng pagkakataon na mabuhay," litanya nito at nagawa niya nang ipaalam sa akin kung anong klaseng tao siya.
Mafia... Isa siyang Mafia.
"Kung gano'n, i-ikaw ang boss ng mga lalaking kumidnap sa akin? Ikaw ang nag-utos sa kanila na patayin ako?" pagtatanong ko sa lalaki at hindi ko naiwasan na ito agad ang aking isipin sa kanya.
"Hindi ako 'yon," agad na sagot nito sabay iwas nang tingin sa akin.
Tumalikod siya at tila hinuhubad niya ang suot niyang pang-itaas kaya hindi ko maiwasan na mamulahan ng pisngi.
Tama bang maghubad siya ng damit kahit alam niyang kasama niya ako rito?
"Kilala ko lang ang mga taong gusto kang patayin... Kaya nga hindi kita pinapayagan na umalis dahil alam kong nasa paligid lang sila. Ano mang oras ay pwede ka nilang ipapatay. Gusto mo bang mangyari 'yon sa'yo, Miss Annie?" tanong niya nang humarap siya.
Napalunok naman ako ng laway sapagkat una kong nakita ay ang malaking katawan niya. Nangunguna rin dito ang abs niya kaya yung tanong nito ay hindi ko magawang sagutin sapagkat nakalimutan ko agad ito.
"Live or die... Ayang dalawa lang ang tanging choice mo Miss Annie. At ikaw ang makakapili kung alin dyan ang magiging kapalaran mo... Kung gusto mo pang mabuhay, manatili ka sa lugar ko. You will be safe here, dahil hindi naman kita kayang pabayaan... Pero kung magmamatigas ka, wala na akong magagawa pa. Hindi na kita pipigilan pa," bigkas niya habang yung mukha namin sa isat-isa ay halos dumikit na.
Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.
Ang hirap mamili... Pero paano kung totoo nga ang sinasabi niya? Paano kung sa pag-alis ko sa lugar na ito ay nakaabang na pala sa akin ang taong gusto akong patayin, na siyang boss mismo ng mga kalalakihan na dumukot sa akin.
"Sabihin mo lang sa akin ang desisyon mo, at ibibigay ko agad sa'yo ang kahilingan mo, ora-mismo," sambit nito at direktang napatingin sa mata ko pababa ng aking labi.
Bahagya ko naman siyang itinulak dahil mukhang sa iba na yata mapupunta ang usapan namin.
"H-hindi na ako tatakas... Pero mangako ka sa akin, kapag umalis na yung mga taong gusto akong patayin, pwede bang tulungan mo akong makauwi? Samahan mo akong makabalik sa amin. Pangako, kahit ano pang gusto mo at kahit ilang pera pa ang hingin mo, ibibigay ko sa'yo," turan ko sa kanya.
Ngumisi lang siya at napaiing sa aking sinabi.
Hindi agad siya sumagot, sa halip ay hinawakan niya ang aking pisngi at pinagmasdan nito ang inosente kong mukha.
"Depende kung hindi mahulog ang loob ko sa'yo... Pero kapag natutunan kitang mahalin, hindi ko maipapangako na ibabalik pa kita," pagbibitaw niya ng litanya.
Gusto ko pa sanang magsalita pa pero pinangunahan na ako ng kaguluhan sa aking isipan.
Hindi ko rin kasi matukoy kung ano ba talaga ang trip ng lalaking ito.
Akala ko ba ay hindi ako kaakit-akit sa paningin niya? Bakit sa tono ng pananalita niya ngayon ay balak niya yatang gustuhin ako?
NAWALA naman sa aking isipan ang sinabi ng binata nang bigla siyang sumampa sa malambot na kama.
Padapa siyang humiga at wala pa rin siyang suot na pang-itaas ng damit.
Sa loob ng kanyang silid ay may aircon kaya nagtataka ako kung bakit naiinitan ako, sa halip na lamigin ako. Pinagpapawisan kasi ako ngayon dahil sa senaryong nakikita ko.
Sobrang hot niya kung titingnan kaya pinipilit ko ang aking sarili na huwag siyang pansinin. Kaso masyadong makulit ang mata ko at nagagawa ko pa rin siyang tapunan ng tingin.
"Can you massage me?" bigkas nito habang naka-side view lang ang kanyang mukha.
"Hindi ako magaling magmasahe. And I don't know how to massage," turan ko naman habang nakapamewang.
"Pero kailangan mong matutunan 'yan bilang trabaho mo rito," pagtutugon niya.
Napataas ang aking kilay dahil sa narinig ko.
"Trabaho? Binigyan mo pa ako ng trabaho, ni hindi nga ako nag-apply," usal ko sa lalaki.
I just can't believe this. Hindi ko lubos maisip na meron pala akong dapat gampanan sa lugar niya. Ginawa niya pa akong masahista.
Dahil sa aking sinabi ay inayos niya ang kanyang pagkakahiga at humarap ito sa akin. Hindi na padapa ang higa nito dahil tuluyan na siyang nakahiga ng paharap habang ang kanyang braso ang ginawa niyang unan. Kitang-kita ko tuloy ang mabuhok niyang kili-kili at ang muscles nito na lalong nagpapadagdag ng init dito sa kwarto.
Hindi ako sanay na may nakakasamang lalaki sa loob ng silid. This is the first time that I experience to be with a man that I doesn't even know.
"Hindi ka pwedeng tumanggi sa trabaho na ibinigay ko sa'yo Annie... Sa palagay mo ba ay magbabakasyon ka lang rito sa isla? Hindi gano'n ang magiging landas mo... Hindi mo yata naunawaan ang sinabi ko kanina," pahayag nito kaya muli na namang naungkat ang kaguluhan sa utak ko.
And I guess, ito na ang tamang oras upang magtanong ng magiging kapalaran ko sa kamay niya. Ginagawa niya yata akong laruan.
"Ano ba talaga ang gusto mo na mangyari? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako pinanganak para maging laruan lang na itrato mo nang ganyan," turan ko sa binata.
Nagawa kong duruin siya gamit ang aking daliri.
"Sino bang may sabi na pinaglalaruan kita, Annie? Gusto ko lang naman maging babae kita," he answered directly.
Para namang kumulo ang dugo ko sapagkat iniisip niya yata na madali akong kunin.
"Gusto mo ako maging babae mo? Para sabihin ko sa'yo Mister, Hindi ako pokpok kaya huwag na huwag mo akong itutulad sa mga babaeng nasa listahan mo," giit kong bigkas na halos ay umusok na ang aking ilong sa galit.
Wala pa nga akong karanasan sa pagkakaroon ng boyfriend tapos gusto niya na maging babae niya ako nang gano'ng kadali? Nawawala yata siya sa tamang wisyo.
"Wala akong listahan ng mga babae dahil hindi ko hilig ang tumikim ng ibat-ibang babae. Hindi ako katulad ng kaibigan kong si Aeron na walang pinipiling babae pagdating sa kama," wika niya at nabanggit pa nito ang pangalan ng kanyang kaibigan.
Ewan ko ba pero naiintriga na ako dahil sa usapang ito.
Kung wala pa siyang tinitikman na babae, isa lang ang ibig niyang ipahiwatig. He's still virgin... Pero imposible. Sa ganyang postura niya, hindi ako naniniwala na wala pa siyang ginagalaw na babae.
"Bakit ganyan ang titig mo sa akin? Hindi ka ba makapaniwala?" pagtatanong nito.
"Talagang hindi... Paano naman ako maniniwala sa'yo, nanggaling na mismo sa bibig mo na lider ka ng Mafia. Hindi ba't kapag Mafia ay matinik sila sa babae? Kinakama nila ang mga babae at pakatapos nilang tikman ay pinapatay na. O hindi kaya ay pakatapos mo akong pagsawaan, ipamimigay mo ako sa mga kasamahan mo. Siguro gano'n na nga ang gagawin mo sa akin," pahayag ko.
Na-ooverthink tuloy ako. Baka nga ganito ang magiging kapalaran ko.
"Isipin mo na ang gusto mong isipin Miss Annie... Pero isa lang ang nasisiguro ko, kapag nakuha mo ang loob ko, hindi kita ipamimigay, magkamatayan man," pagtuturan niya.
Walang kasing-bilis na umupo siya at hangkan ng halik ang labi ko.
Ninakawan niya ako ng halik.