CHAPTER 4 (ANG PAGTAKAS NI ANNIE)

2004 Words
CHAPTER 4 ANNIE's POV: NANGANGATOG sa takot ang aking katawan ngayon. Wala akong malapitan at mahingan ng tulong. Wala kasing katao-tao rito. Hindi ko rin alam kung anong lugar ba ito at kung saan ba nila ako dinala. Masyado na itong liblib. Mukhang katapusan ko na yata ngayon. Wala akong naiisip sa mga oras na ito kundi ang magdasal. Ang buong akala pa naman nila dad ay patungo na akong Canada. But now, they don't have any idea na nandirito pa rin ako sa Pilipinas at kinidnap ng mga armadong lalaki. Gusto kong maiyak, pero pinili ko na maging matapang dahil alam ko na walang magagawa ang pag-iyak ko. Halata sa mga ito na wala silang puso. Ni ayaw nga nilang pakinggan ang boses at pagmamakaawa ko. Kaya nag-isip ako ng paraan upang makatakas sa kamay ng mga demonyong nilalang na ito. Hindi ako pwedeng sumuko at magpatalo na lang. "Anong gagawin natin dito? Bakit kailangan pa nating ipasok siya sa kulungan? Pwede naman nating tapusin na ang buhay niya kaysa patagalin pa natin. Masyado nating pinapahaba ang pagkitil sa dalaga," saad ng isa nilang kasamahan. Siya ang tiningnan ko nang matalim dahil sa pagiging maangas at bida-bida niya. "Huwag muna... Dahil sayang ang katawan niya kung hindi natin siya matitikman," nakangising sagot ng malaking lalaki na siyang may hawak sa akin para hindi ako makapiglas. Sa mukha niya pa lang ay halata ko na kaagad na hindi siya mapagkakatiwalaan at uhaw siya sa babae. "Anong titikman ang pinagsasabi mo? Umayos ka nga Brando! Baka nakakalimutan mo na wala iyan sa bilin ni Boss," bulyaw nito sa kasamahan upang sawayin ang suhestyon ng manyak nilang kasama. "Hindi niya naman malalaman kung hindi kayo magsusumbong... Lahat naman tayo ay mag-eenjoy diba? Pero kung ayaw niyo, ibalato niyo muna sa akin nang panandalian. Malapit na rin naman ang kaarawan ko kaya pagbigyan niyo na ako," saad ulit nito at pinagpipilitan niya na galawin ako. Halatang interesado siya sa katawan ko at kanina niya pa ito pinagnanasaan. Napaisip-isip naman ang apat na lalaki dahil sa sinabi ni Brando. Maya-maya ay mabilis silang nagkasundo na gagalawin nga nila ako bago patayin. Napapalunok na tuloy ako ng laway. Hindi ko gusto ang lumalabas sa bunganga nila. Kung gagahasain nila ako ay para na rin nila akong pinapahirapan hanggang sa mamatay. Kaya hindi pwedeng magtagumpay ang mga armado sa kanilang binabalak. Ni minsan ay hindi ko pinapahawakan ang mga pribadong parte ng katawan ko sa mga lalaki. Birhen pa ako at talagang iniingat-ingatan ko talaga ito dahil gusto kong iregalo ang pagiging virgin ko sa magiging asawa ko pagdating ng panahon. HUMINTO ang van na sinasakyan namin sa tapat mismo ng isang bodega na hindi ko matukoy kung haunted na ba ito. Lumang-luma at nakakatakot tingnan. Hinila na ako ng mga lalaki at pinipilit nila ako na ipasok sa loob upang doon nila gawin ang kanilang balak na masama sa akin. Nagpupumiglas ako pero marami sila kaya hindi ko makakayang makawala sa mga kamay ng demonyo. Inilibot ko naman ang aking paningin. Inaalam ko ang pasikot-sikot na daan para kung sakaling makatakas ako sa kanila ay madali akong makatakbo at makalayo. Sa bodega na ito ay mayroong silid kung saan ay kinaladkad ako ni Brando at mapwersang ipinasok doon. "Ako na muna ang titikim sa kanya... Pakatapos ay kayo naman," saad nito sa kasamahan bago niya isinara ang pinto upang gapangin ako. Napapailing naman ang aking ulo. Naiiyak ako. At halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Unti-unting lumapit sa akin si Brando na may ngisi sa kanyang mga labi. Hindi pa man niya ay nagagawang halayin ay kampante na agad siya na makukuha niya ako. Sa kakalayo ko ay saktong nahawakan ko sa aking likod ang isang matalim na bagay na parang bakal. I don't want to hurt and kill a people. Pero kung hindi ko ito gagawin ay ako itong papatayin ni Brando. Alam ko na isang kasalanan ang pagpatay, but I will do this to protect myself. Nang makalapit na sa akin si Brando at akmang papatong siya ay kaagad kong itinusok sa kanya ang matalim na bakal. At para hindi ito marinig ng mga kasamahan niya sa labas ay umungol ako nang malakas. Isang ungol na aakalain nilang nasasarapan ako sa ginagawa ni Brando. Rinig ko naman ang tawanan nila at inaakala nga nilang magaling si Brando sa pagpapaligaya ng babae. Pero ang totoo ay pinatay ko si Brando. Halos dugo niya ang dumaloy sa damit ko. Nakakadiri tingnan pero hindi ko na ito inisip pa. Bagkus ay patuloy akong umarte na nasasarapan habang binubuksan ang bintana. Doon ko balak na tumakas. At kinalaunan ay nagawa ko ngang makalabas ng bodega. Tumakbo na ako nang mabilis dahil ayokong maabutan nila ako at masundan. Hindi ko alam kung saan ang tungo ng paa ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Ang nasa utak ko lamang ngayon ay ang makalayo at makahanap ng tulong sa mga tao. Pero ni isang tao ay wala man lang ako na nakita. Hanggang sa nahinto ako sa isang bangka na siyang nasa dagat. Walang ano-ano ay sumakay na ako rito at nagawa kong sumagwan para lang mapaandar ang bangka. "Nasaan na kaya ako?" Ito ang tanong ko sa aking sarili habang nasa gitna ako ng dagat. Malapit na pala akong makarating sa kabilang isla na hindi ko alam kung anong lugar ba iyon. But I feel like I am safe in that place. Nang matunton ko ang kabilang isla ay pinanghinaan na ako ng katawan. Gutom na gutom na ako at nilalamig pa. Kaya nanginginig akong naglalakad patungo sa isang malaking bahay para humingi sana ng tulong sa taong nakatira roon. Kaso hindi na kinaya pa ng aking katawan. Sa sobrang pagod ko ay tuluyan nang nandilim ang aking paningin hanggang sa nawalan na ako ng malay. Nagising na lamang ako sa malambot na kama at puno pa rin ng takot ang aking damdamin. Napa-upo ako nang masilayan ang isang lalaki na hindi maipinta ang mukha. No facial expression. Hindi ko matukoy kung anong klaseng tao siya basta puno siya ng tattoo sa katawan. Ang pinagkaiba nga lang ay napaka-gwapo ng binatang nakikita ko ngayon. Pero dahil sa nangyari sa akin sa kamay ng mga armadong lalaki ay hindi ko maiwasan na pag-isipan din ng masama ang taong ito. "H-huwag kang lalapit... H-huwag mo akong sasaktan, pakiusap... A-ayoko na," nauutal kong sambit habang lumalayo ako sa lalaki. Hindi naman siya gumalaw sa kanyang pwesto at tinitigan lamang ako. Pero sa pagkakataong ito ay napahawak ako sa aking damit at nagtataka naman ako kung bakit iba na ang kasuotan ko ngayon. Ano bang nangyari sa akin? Ginalaw niya ba ako at pinagsamantalahan? "Sino ang nagpalit sa akin ng damit? Ikaw ba? G-ginahasa mo ba ako? Anong ginawa mo sa akin? Sumagot ka!" tanong ko rito at nagawa ko nang mapasigaw upang paaminin lamang ang lalaki. Ganyan ako katapang, sa kabila ng pangamba sa aking puso ay nagagawa kong magtapang-tapangan. "Wala akong ginawa sa'yo. Hindi kita ginahasa at wala akong balak na tikman ka. Pero tama ka, ako ang nagpalit ng damit sa'yo. At 'yang suot mong t-shirt ay mismong damit ko," usal nito na hindi ko maramdaman ang kanyang emosyon. Hindi ko nga mahulaan kung galit ba siya o naririndi sa akin. "Ikaw ang nagpalit sa akin ng damit? Ibig mong sabihin, nakita mo ang--" "Gano'n na nga. Nakita ko na ang lahat sa'yo. At huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako tinigasan," diretsang turan niya at hindi man lang ako pinatapos ng aking sasabihin. Napaka-straight to the point naman ng lalaking ito. Ewan ko ba, pero bigla akong nanliit sa sarili ko. Pakiramdam ko ay hindi kaakit-akit ang katawan ko para sabihin niya ang bagay na iyan. Hindi yata ako sexy at maganda sa paningin niya. "Uuwi na ako sa amin... Tulungan mo naman ako oh. Gusto ko nang bumalik sa Manila," biglang sambit ko upang ibahin ang usapan. I don't know what is wrong with me. Masyado akong nagpa-apekto sa sinabi niya kanina. Dapat nga maging masaya ako dahil wala siyang pagnanasa sa akin. But it's ended up of being disappointed. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit ganito na lamang ang akto ko matapos niyang bitawan ang katagang iyon. Nang humingi ako rito ng saklolo ay umiba ang reaksyon ng mata niya. Naging matalim ang titig nito at napalitan ng pagiging malamig ang boses ng binata. "Hindi ka pwedeng umuwi. At hindi ka pwedeng makaalis sa lugar na ito," saad niya dahilan para maguluhan ako. "B-bakit naman? Hindi naman ako taga-rito. Ang totoo n'yan, kinidnap ako ng mga armadong lalaki. Gusto nila akong patayin dahil inutusan daw sila ng boss nila na ligpitin ako. Pero bago mangyari ang plano nilang pagpatay sa akin, tinangka nila akong gahasain... N-nagawa ko pa ngang makapatay ng tao para lang makatakas. And that is not my intention. Hindi ko gusto na pumatay. Napilitan lang ako para protektahan ang sarili ko. Kaya nakatakas ako sa kanila at hindi ko inaasahan na dito mismo ako makakarating sa kabilang isla... So please, help me," mahabang litanya ko. Nagawa ko pang ikwento ang pangyayaring naganap sa buhay ko. Umaasa kasi ako na maaantig ko ang damdamin niya at mapilit siya na tulungan ako. Kaso hindi ito tumalab. "Kapag sinabi kong hindi ka pwedeng umalis, ay hindi ka aalis... Kung gusto mong tumagal ang buhay mo, you will stay on this place. Wether you like it or not," madiin na sambit niya. Kung makapagsalita siya ay parang kontrolado niya ang desisyon ko. Sino ba siya? Ano bang karapatan niya na kontrolin ako? "Bakit ba ayaw mo akong paalisin? Hindi mo ba naunawaan ang sinabi ko? Hindi ako taga-rito, kinidnap lang ako at may gustong pumatay sa akin. Kapag nakita nila ako, talagang kikitilin nila ang buhay ko," bigkas ko muli. "Hindi na 'yon mangyayari pa because I already killed them," turan nito na aking ikinagulat. "What did you say?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Pinatay ko na sila... Kaya wala ka ng dapat na ikatakot pa," he said in a cold voice. Dapat ba akong matuwa at magpasalamat sa kanya? O dapat ba akong mangamba dahil kakaibang tao ang nasa harapan ko ngayon? Ibang-iba ang dating niya. Napaka-gwapo niya pero yung tono ng pananalita niya at yung titig ng mata niya ay para bang may sungay siyang itinatago. "A-ano bang gusto mo? B-bakit hindi ako pwedeng umalis sa lugar na ito?" nalilitong bigkas ko. Sa puntong ito, umukit na ang nakakamatay niyang ngiti na may kasamang paglalaro sa kanyang mata. Sa ekspresyon pa lang ng labi nito ay nasagot na ang katanungan sa isipan ko na hindi siya mabuting tao. "Dahil bihag na kita Miss Annie... At walang babaeng tumatagal dito, kapag nagbabalak silang tumakas... Kaya kung gusto mong manatiling buhay at humihinga nang matiwasay, sumunod ka sa mga gusto ko," ani nito habang hinahaplos na niya ang aking pisngi. "K-kilala mo ako?" "Sino bang hindi makakakilala sa'yo? Hindi ba't ikaw ang nag-iisang anak ni Don Javier? Ang pinakamayamang negosyante sa bansa... Magpasalamat ka nga dahil ako ang nakakita sa'yo. Binigyan pa kita ng pagkakataon na magising. At napaka-swerte mo dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng dinala ko rito sa aking kwarto," pagwiwika niya. "Swerte? Maituturing mo bang swerte ang lagay kong ito matapos mo akong pagbantaan? Matapos kong malaman na halal din pala ang kaluluwa mo?" inis kong sambit. "Sinasabi ko lang ang magiging kahinatnan mo kung sakaling susuwayin mo ang mga gusto ko... Pero kung mananatili kang masunurin na babae ay walang mangyayaring masama sa'yo," pagsasaad niya at tumayo na siya nang maayos. Kilala niya ako. Alam niya ang pangalan ko at kung kaninong pamilya ako galing. Pero pagdating sa kanya ay wala akong alam sa pagkatao niya. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nito. Ang akala ko pa naman ay nasa mabuting kamay na ako, kaso mas malala pa yata itong napuntahan kong lugar. I am not safe here. Magiging miserable ang buhay ko rito na kasama ang taong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD