CHAPTER 16 AERON's POV: "HINDI pa ba bumabalik sila Tristan?" tanong ko sa tauhan ng aking kaibigan. Tila hindi ko pa kasi nakikita ang anino ng lalaki. Ilang oras na ang nakalipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik. Narinig ko kasi sa mga usapan ng tao niya na kasama nito si Annie na pumunta ng bayan. Napaka-imposible ng mga narinig ko. Hindi gawain ni Tristan ang sumama sa babae. Kahit kailan ay hindi siya naglalaan ng oras pagdating sa mga dalaga. Pero itong si Annie, kakaiba. Tanging siya pa lang ang napagbigyan ng kaibigan ko. At tanging si Annie ang siyang nakagawa no'n sa isang matinik at demonyong Mafia Boss. "Wala pa Aeron... Hindi pa sila bumabalik. Siguro naghanap 'yon ng ibang bahay na pwede nilang paglampungan na dalawa kaya natagalan," pagsasagot nito s