CHAPTER 3 (PAGKIKIDNAP KAY ANNIE)

2058 Words
CHAPTER 3 ANNIE's POV: This is it! Ang panibagong umaga sa Pilipinas... Masarap sana ang gising ko kung tatagal ako rito sa bansa, kaya lang naalala ko na pinapauwi na kaagad ako nila dad at mom. Ayaw nilang mag-stay ako rito ng ilang araw para raw sa kaligtasan ko. Pero dahil ayokong sayangin ang pagkakataon na ito ay talagang hindi ko susundin ang kagustuhan ni dad. Ayokong sayangin ang pagkakataon na ito na libutin muna ang Pilipinas bago ako umuwi. Siguro ay matutulog na lang ako sa ibang hotel na hindi nila alam, nang sa gano'n ay magawa kong makapasyal. "Good morning Senyorita Annie... Pinapabangon na ho kayo ni Don Javier. Samahan niyo na raw ho sila sa hapag-kainan para sa almusal ninyo," pagbati sa akin ng katulong namin sa mansion na siyang kumatok at pumasok sa aking silid. Ngumiti naman ako at tumango bilang tugon sa katulong. Bago ako umalis sa malambot na kama na aking hinihigaan ay nagawa ko munang isuklay ang buhok ko para maging presentable ako sa harapan nila mom. Ayoko namang isipin nila mom na pinapabayaan ko na ang sarili. I am known as the daughter of a successful business owner here in the Philippines, kaya kailangan maging maganda ang image ko para na rin mapanatili na maayos ang aming pamilya. Kaya sisimulan ko ito sa maliit na paraan para kahit saan ako magpunta ay hindi ko magagawang dumihan ang pangalan ng magulang ko. Ang parents ko kasi ay masyadong perfectionist pagdating sa lahat. Lalo na si mom, she wants me to look gorgeous always. Kaya nang makasuklay na ako ay tumayo na ako at lumabas na ng room. Nadatnan ko nga sila na seryosong nag-uusap. And as usual, it's all about business. Dati ay si dad lang ang mahilig sa negosyo, pero nahawaan niya na si mom. Bonding na yata nila ang pagnenegosyo. "It seems serious? Ano bang ganap niyo ngayon dad?" bigkas ko at hindi ko na napigilan na mapatanong sa kanila. Bumeso muna ako bilang pagbati at saka ako umupo sa tabi ni mom. "Annie my dear, bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit mo? Look at yourself, hindi ka ba naiinitan sa lagay mong 'yan? Ilang oras kang natulog pero hindi ka man lang nagpalit ng damit mo kahapon?" sambit ni mom at yung suot ko pa talaga ang una niyang napuna. See? Ganyan si Mom. Kahit sa mga sinusuot ko ay gusto niyang malinis ako. Sa sobrang pagod ko sa biyahe ay nakalimutan ko na ngang mag-half bath at dire-diretso lang ang tulog ko. "Mom, ano ka ba, hindi naman ako mabaho. Besides, para saan pa kung magpapalit ako ng damit, kung ngayon na mismo ang flight ko pabalik ng Canada?" ani ko sa aking ina upang ipagdiinan ang salitang Canada. Napasapo na lamang siya sa kanyang noo at nagkatinginan sila ni dad. "Maraming problema dito sa Pinas, Annie. Me and your dad received a lots of threat. At ikaw ang pinupuntirya nila... At para maniwala ka, heto. Basahin mo iyan," saad ni mom na siyang kinuha yung papel na hawak ni dad upang ibigay sa akin. Nabasa ko nga rito ang pangalan ko. Na ingatan daw nila ako baka huling araw na lang nila na makakasama ako. Dahil sa pagbabanta na ito ay medyo nakaramdam nga ako ng takot. Pero hindi pwedeng magpadala ako sa takot. Hindi naman siguro mangyayari ito dahil marami namang guards ang nakabantay dito sa mansion at tiyak kong magpapasama sila mom sa akin ng mga tao kapag oras na ng flight ko. But I want to have some vacation, paano ko kaya magagawang makalusot? Sa halip na yung pagbabanta ang siyang intindihin ko, ang mas iniisip ko ngayon ay yung plano kong makapag-unwind dito sa Pinas kahit isang araw lang. "Mom, huwag kayong magpapaniwala sa ganyan. They are doing that para sa gano'n maibaling niyo sa akin ang atensyon niyo. Ginugulo lang nila ang isip niyo, dad. At saka, nag-aral ako ng martial arts. Kaya hindi nila ako basta-basta mapapatumba noh," turan ko sa kanila. "Hija, kahit naman mag-aral ka ng martial arts ay wala kang magagawa kung baril ang gamit nila... Kaya please, makinig ka sa amin ng daddy mo... After this breakfast, maligo ka na at ipapahatid ka na namin sa Canada. No buts, Annie," pananapos ni Mom sa usapan. Napakuha na lamang ako ng pagkain sa mesa para umpisahan ang pag-aalmusal. Wala na akong dapat pang sabihin dahil hindi naman talaga akong aalis agad ng Canada. Gusto ko munang maglibot at magagawa ko lamang iyon kung makakatakas ako sa paningin ng mga guards na siyang sasama sa akin sa airport. After ten minutes ay inilapag ko na ang kutsara at tinidor na gamit ko at nagpaalam na sa kanila. "I'm done eating... Maliligo na ako. Just enjoy and continue your breakfast," pagsasabi ko. Hindi ko na naubos pa ang pagkain dahil hinahabol ko ang oras. Nakakawalang-gana rin kasing kumain kung ang bukambibig lang nila ay ang pag-alis ko sa Pinas. Para bang tinatakwil na nila ako at ayaw na nila akong makasama pa rito. Kaya hindi ko na rin ipagpipilitan pa ang aking sarili na manatali sa mansion na ito dahil ang tanging inaatupag lang nila ay ang kanilang negosyo. Hindi man lang nila tinatanong kung ano ba ang magpapasaya sa akin o kung kailangan ko ba sila? Ganyan na yata ang magulang ko. Mahalaga na lamang sa kanila ay ang pera at pangalan nila. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit maraming nagagalit sa kanilang mga negosyante. Competetive rin kasi sila dad. They want to be on the top. NALIGO na ako at inayos ko na ang aking sarili. Ang suot ko ngayon ay naka-black na coat at fitted pants na kulay itim din. I also apply a red lipstick and eyeshadow. Pakatapos nito ay bumaba na muli ako. Hindi na ako nagdala pa ng maleta dahil marami akong damit sa Canada. And it's useless kung dadalhin ko pa ang iba kong damit. Saka ayoko na maraming bitbit dahil nga plano kong pumunta sa isang island na sikat dito sa Pinas. Marami kasing nagsasabi na maganda ang view doon. And it's perfect for a summer. Kagaya na lamang ngayon, masyadong mainit ang panahon kaya kailangan kong makaapak sa white sand at maka-inom na fresh buko juice habang nakatanaw sa magandang hampas ng alon sa dagat. I really love that kind of senario. "Aalis na ako dad... Ingat na lang kayo rito nila mom. Pero sana, huwag niyong pabayaan ang kalusugan ninyo ha? I love you both," malambing na sambit ko. "You too hija... Sa study lang ang focus ha? Huwag na maging matigas ang ulo mo. Huwag ka munang uuwi dito hangga't wala kaming sinasabi ng dad mo," turan ni mom. "Noted mom," tipid na sagot ko. "Sige na Annie, baka mahuli ka pa sa flight mo... Sasamahan ka ng dalawang bodyguard. Sila ang maghahatid sa'yo sa airport para maging safe ang pag-alis mo," pagbibigkas naman ni dad. Sabi ko na nga ba at hindi niya hahayaan na umalis ako ng walang kasama. Pero madali ko lang naman matatakasan ang dalawang bodyguard na nakabantay sa akin dahil madali ko silang malilinlang mamaya. Pagkasakay ko ng kotse ay katabi ko ang isang bodyguard sa likod at nasa unahan ang isa katabi ng driver. Pana'y scroll lang ang nagagawa ko muna sa phone at hinahanap ko yung mismong exact place ng island na pupuntahan ko. Nang makarating na kami sa airport ay bumaba na ako. Pero hanggang sa paglalakad ko papasok ay nakabuntot pa rin ang dalawang bodyguard. Kaya hinarap ko sila at pinagsabihan. "I'm already fine and safe. Naihatid niyo na ako sa airport ng ligtas kaya pwede na kayong umalis at bumalik ng mansion... So you don't need to follow me," kalmadong saad ko sa dalawa. "Pero Senyorita Annie, gusto ni Don Javier na tingnan ka namin hanggang sa makalipad ang eroplano bago kami umalis," pahayag ng isa sa akin. Napatawa naman ako ng bahagya at kasabay nito ay binigay ko sa kanila ang cheke na siyang ginawa ko kanina sa kwarto. "I am not a kid anymore. Kaya pwede bang huwag niyo akong itrato na parang bata. Nakakahiya sa mga nakakakita sa akin. Iisipin nila na masyado akong bini-baby at ini-spoiled... I am safe here. Maraming tao at natitiyak ko na walang gagawa ng eskandalo rito. So here, sige na. Sa inyo na iyan," malambing na sambit ko. Nagdadalawang-isip man ay kinuha pa rin nila ang cheke na inoffer ko. Ngumiti naman ako at nag-wave na sa kanila ng kamay. Pakunwari muna akong pumila sa linya na papuntang Canada. At nang masilayan kong palabas na sila ng airport ay saka ako nag-ibang landas. I'm going to Palawan today. At walang makakapagpigil sa akin na magbakasyon dito sa Pilipinas... Sinuot ko na ang mask at pumila na rin ako sa mga papuntang Palawan. Pagkasakay ko ng eroplano ay merong tumabi sa akin na isang lalaki na siyang naka-kulay itim din. May kasamahan din siya na dalawa pero sa ibang pwesto sila umupo. Sa una ay hindi ko ito nagawang bigyan ng atensyon dahil hindi naman ako mapanghusga na tao. Kaya lang medyo nakaramdam na ako ng kakaiba, dahil sa pagbaba ko ng eroplano, ibang-iba ang titig nila sa akin. Silang tatlo ang kasabay ko kanina at hindi pa rin nila ako nilalayuan. Halatang sinusundan nila ako kahit saan ako magpunta. Tinapangan ko lang ang aking loob ngayon dahil ayokong magpadaig sa takot. Mahigpit kong hinawakan ang sling bag na siyang dala ko para makasiguro na hindi nila ito sa akin makukuha. Nasa loob kasi nito ang cellphone ko at atm na ano mang oras ay magagamit ko. Hindi rin pwedeng mawalay sa akin ang phone ko dahil pwede ako makahingi ng tulong kapag merong ginawang masama sa akin ang tatlong lalaki na nasa likod ko. Para kasi silang masasamang tao, matitikas ang katawan nila, maraming tattoo at pang-preso ang datingan na talagang hindi sila mapagkakatiwalaan. Binilisan ko na ang aking lakad. Hinihintay ko na may dadaan na kotse na pwede kong sakyan, kaso isang van ang siyang huminto sa tapat ko. Laking gulat ko nang bigla akong tinutukan ng isang lalaki ng baril at itinulak naman ako papasok ng van ng mga lalaking nakasunod sa akin. Tama nga sila mom at dad, wala akong laban kapag baril na ang siyang makakatapat ko. Hindi ko alam ang motibo ng pangkikidnap nila. Is this because they know that I am the daughter of Don Javier? Kailangan yata nila ng ransom, dahil ganitong-ganito ang dahilan ng mga taong ayaw mapagod, dahil gusto nila ay instant money agad. "Ano bang kailangan niyo sa akin? Please don't hurt me. If you need a money, ayan ang atm cards ko, nasa milyon din ang naka-save sa bank accounts ko na pwede niyong kunin... Just don't hurt me. Huwag niyo akong sasaktan, pakiusap," saad ko sa kanila na may pagsusumamo sa aking boses. Kaya lang nagsitawanan lang sila na animo'y hindi nila pinakinggan ang pakiusap ko. "Ang ganda mo Miss... Kaso malalagot kami kay boss kapag bubuhayin ka namin. Ang gusto niya ay lagutan ka namin ng hininga," turan ng isa. Sinong boss ba ang tinutukoy nila? At bakit nila kailangan na patayin ako? Ano bang atraso ko sa kanya? "P-papatayin niyo ako? F-for what reason? Ano bang dahilan kung bakit gusto ako patayin ng boss niyo? Kakauwi ko lang ng Pinas. Ni hindi ko nga kayo kilala eh," mangiyak-ngiyak na turan ko. "Ikaw, wala kang atraso. Pero yung mga magulang mo, meron... Alam mo ba na maraming lumapit kay boss na mga negosyante para lang ligpitan ka. Dahil gusto nilang makaganti kay Don Javier. At ikaw ang kanilang pinag-initan... Kaya pasensyahan na lang dahil trabaho namin ang pumatay," bigkas ng isang lalaki na nakakatakot masyado ang pagmumukha. Nagsitawanan muli ang mga kasamahan niya matapos nitong magsalita. Ang tawa nila ay sobrang demonyo sa pandinig. Ito na yata ang huling araw ko. Ang nais ko lang naman ay sumaya muna bago makabalik sa Canada. Pero hindi na yata ako makakatapak pa sa Canada dahil sa pangyayaring ito. Tuluyan nang tumulo ang aking luha at hindi ko na ito nagawang pigilan pa. Ito na yata ang karma ko dahil sa katigasan ng ulo ko. Hindi ako nakinig kila mom. Hindi ko sila sinunod. Bagkus ay gumawa pa ako ng aksyon na ikalalagay ko sa kapahamakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD