CHAPTER 34 ZAYRELL's POV: PUNO nang pag-aalala ang mukha ng dalawang Mafia Boss dahil sa sinapit ni Annie. Pero ako, heto, tuwang-tuwa ang aking mata na pinapanood ang babae na walang malay at dumadaloy ang dugo na nagmumula sa kanyang tiyan. Dahil sa sinapit ng babae ay halos magkaroon na rin ng initan sa pagitan ng magkaibigan. Masyado kasing pinag-isipan ni Tristan na merong tao na trumaydor sa kanya kaya nalaman ni Hernandez ang safehouse na ito. Maging ako man ay napaisip nang gano'n pero pinili ko na huwag na lamang manghimasok sa kanilang usapan dahil isang lulubog at lilitaw lang naman ako rito sa organisasyon. Maya-maya ay dumating na muli ang mga tao ni Tristan na may kasama ng Doctor. Sa mukha pa lang ng Doctor ay halatang dinaan siya ng mga tauhan ni Tristan sa pananakot