CHAPTER 35 AERON's POV: MALAKAS kong sinipa ang upuan nang bumaba ako sa underground. Hindi ko lubos maisip na dahil sa kagagawan ko ay madadamay si Annie. Pagsisisi tuloy ang aking naramdaman ngayon. Ang nais ko lang naman ay mapatay si Tristan ni Hernandez kaya nagawa ko siyang tawagan para lumusob dito sa isla. Pero sa halip na mapatay niya si Tristan, siya pa itong pinaulanan ng bala ng binata. Oo, trinaydor ko nga si Tristan. Nagawa ko siyang traydurin dahil sa mga sulsol ng tao ko. Masyado na raw kasing mayabang at naghahari-harian si Tristan dito. Nagiging tao na lang ako sa paningin ng lalaki. At pati organisasyon ko ay pinapakialaman niya na. Kagaya na lamang sa mismong pagpunta niya rito kanina para sabihin lamang sa lahat na nobya niya na si Annie. Alam kong ginawa niya iyo