CHAPTER 33 TRISTAN's POV: "GRUPO NI HERNANDEZ ANG MGA SUMUGOD SA ATIN, BOSSING," Ito ang mga balitang natanggap ko mula sa aking tao. Galit na galit akong napahawak sa baril habang tinutungo ang itaas kung saan nanggagaling ang putok ng baril. Sa dalawang taon na pananatili namin dito sa isla ay ngayon lang yata nagkaroon ng kaguluhan. Walang ibang nakakaalam ng lugar na ito kundi ang organisasyon ko at ang organisasyon ni Aeron. Kaya hindi ko alam kung paano nakarating kila Hernandez ang tungkol sa aming safehouse at hideout. Si Hernandez, isa rin siya sa matitinik na tao na halal ang kaluluwa. Wala rin siyang sinasanto at kung mabangis, mas mabangis ang hayop na ito pagdating sa p*****n. Dahil kapag meron siyang target na taong papatayin, pinapahirapan niya muna bago niya ito kitili