CHAPTER 62 TRISTAN's POV: SUMILIP na nang tuluyan ang liwanag. Lumitaw na ang araw. Pero patuloy pa rin ako sa pagmamaneho at hindi ako tumitigil hangga't hindi ko nararating ang kasuluk-sulukan ng kagubatan. Ang sabi kasi sa akin ng tao ni Aeron ay dito mismo sa bundok nanatili at nakatira ang boss nila. Kaya malamang sa malamang ay dito ko rin mismo matatagpuan si Annie. Kahit nakakaramdam na ako ng antok ay nilalabanan ko ito para lamang wala akong masayang na oras. Hindi ko pwedeng aksayahin ang pagkakataong ito na makita ang mag-ina ko. Sa kaka-drive ko ay bigla itong nahinto sa mismong gitna ng kalsada. Nagpapahiwatig na merong nasira sa sasakyan na gamit ko ngayon... Wala tuloy akong choice kundi ang bumaba para tingnan kung ano ang naging problema ng kotse. Hindi naman a