CHAPTER 37 TRISTAN's POV: HINDI ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na palayain na si Annie. Maging ako man ay aminadong nalulungkot sa binitawan kong salita. Pero ito ang tanging naisip ko para hindi na malagay pa sa kapahamakan si Annie. Nung mismong araw na dinala ko siya rito sa hospital ay nag-aagaw buhay na ang babae. Kahit anong gawin ng Doctor na gamutin siya sa isla ay hindi na talaga nito magawan ng paraan. Palala nang palala ang sitwasyon ng dalaga, kaya napilitan na lang ako na isugod siya rito para masalinan kaagad ng maraming dugo. And the Doctor said na nasa pasyente na raw kung kusang susuko ang katawan nito. Kaya nang magkaroon ng malay si Annie, labis ang naging tuwa ko. But I already promised to myself na ilalayo ko na siya sa ganitong kaguluhan... Napagtant