CHAPTER 38 AERON's POV: "May problema ba kayong dalawa ni Tristan? Parang kanina pa yata mainit ang ulo mo sa kanya?" tanong ko sa dalaga nang makapasok kami sa silid. Naninibago lang ako sa babae. Halos ayaw niyang magsama kami sa iisang kwarto noon, pero ngayon na lumipat kami sa ibang safehouse ay kusa siyang nagdesisyon na dito siya makikitulog sa akin. At higit pa roon, naguguluhan ako sa salitang binitawan niya kanina. Para bang may balak na siyang umalis sa pader ni Tristan. Sa mga salitang binabato nila kanina sa isat-isa ay halata ko agad na meron silang hindi pagkakaintindihan. "Talagang mainit ang ulo ko sa kanya, Aeron. Desisyon siya masyado sa buhay ko... Pasalamat nga siya dahil niligtas ko siya. Nakakainis!" sambit ni Annie habang nagdadabog ito sa kama. I don't get