CHAPTER 36

1128 Words

CHAPTER 36 ANNIE's POV: Unti-unti kong iminulat ang aking mata. Hindi pa maayos ang pakiramdam ko. Medyo masakit pa ang bandyang tiyan ko na tila tinutusok pa rin ito. Sa pagmulat ko ng mata, ang tanging nasilayan ko ay ang puting paligid na hindi naman pamilyar sa paningin ko. Alam kong hindi ito kwarto ni Tristan. Kaya nagtataka ako kung nasaan akong lugar. Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang swero na siyang nakatusok sa aking palad at sa bandang dulo ay may mahabang upuan kung saan naroon ang binata at mahimbing na natutulog. Tila pagod at puyat yata siya sa kakabantay sa akin dito. Ngayon ay alam ko na rin kung nasaan akong lugar. Base sa set-up ng mga gamit ay nagkaroon ako ng ideya na nasa pribadong hospital ako. Isinugod pala ako rito ni Tristan sa hospital

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD