CHAPTER 2
TRISTAN's POV:
"May gusto raw sa'yo na kumausap Boss... Mga negosyante. Nangangailangan ng tulong mo," saad sa akin ng isa kong tauhan habang naka-upo ako at nakikipag-inuman kay Aeron na siyang matalik kong kaibigan.
Si Aeron at ako ay parehong lider ng Mafia na dati ay magka-ibang grupo sa ibang sulok ng Pilipinas. Pero dahil nabalitaan niya kung gaano ako ka-tindi ay kinausap niya ako upang sumanib sa amin. At dahil na rin sa pagsasama ay tuluyan na nga naming napagdesisyunan na mag-isang grupo na lamang para lalong lumakas ang aming pwersa.
Pareho pa rin kaming lider. Pero mas angat nga lang ang posisyon ko kumpara kay Aeron. Ako pa rin kasi ang nilalapitan ng mga taong may gustong ipaligpit. Malinis kasi ako kung kumilos at natitiyak kong walang sabit ang mga ginagawa ko.
Syempre ako lang naman si Tristan, ang Mafia na kinatatakutan at hindi pa nagagawang matugis ng mga pulis.
Wanted na nga ako sa buong Pilipinas, pero kahit ilang milyon pa ang ipatong nila sa ulo ko o umabot man ito ng bilyon ay hindi nila ako makakayang hulihin. Dahil sa kakatugis nila sa akin, sila ang nawawalan ng buhay.
"Sinong mga negosyante ba 'yan? Kung maliit lang ang kikitain ko ay huwag mo na silang ipaharap sa akin dahil alam mo naman ang sagot ko," turan ko sa aking tauhan. Lumagok ako ng alak at nagawa ko pang sindihan ang aking sigarilyo.
Napatawa naman sa akin si Aeron dahil sa sinabi ko.
"Iba ka talaga Tristan. Kapag maliit na negosyante ay tinatanggihan mo... Ilan ba ang gusto mong pera?" pagtatanong nito.
"Dapat lang... Dahil hindi naman ako pipitsugin na tao para pagbigyan ang kahilingan nila na barya lang ang ibibigay. Gusto ko milyones," diretsang sagot ko naman sa binata.
"Tamang desisyon nga iyan. Pero mas maganda kung sabayan ng babae ang milyones para mas masarap sa pakiramdam diba? Makakaraos ka pa," pagbibiro ni Aeron na usapang babae pa talaga ang una niyang inisip.
Kahit kailan talaga ay napaka-uhaw ng taong ito pagdagting sa babae. Paano, iba-ibang babae ang pinagsasabay. Iba-ibang babae ang tinitikman araw-araw.
Hindi niya yata kayang mabuhay na walang babae.
"Wala ka talagang pinagbago, hanggang ngayon ba ay hindi ka nagsasawa sa babae? Eh pare-pareho naman silang may perlas ha?"
"Pare-pareho nga pero hindi naman pare-pareho ng amoy," usal nito kaya maging ako ay napatawa na rin.
Kung pabastusan lang ang labanan ay palaging panalo itong si Aeron.
"Bakit? Ano ba ang amoy ng mga babaeng kinama mo?" usisang tanong ko.
Wala sana sa isip ko na itanong ito kaya lang dahil sa sinabi niya ay tila gusto ko rin na alamin kung ano ba talaga ang mga amoy ng babae. Wala pa akong karanasan pagdating sa pakikipag-s*x. Pero marami ng babae ang humalik sa labi ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil lahat ng gusto nila sa lalaki ay nasa akin na. Kaya lang hindi ko hilig ang tumikim ng babae na kung sino-sino. Mas gugustuhin kong isa lang ang matikman ko para hindi ako makakuha ng sakit.
"Tristan, ang amoy ng mga babae ay iba-iba... May mabango, may maasim din. Kasi may mga babaeng hindi napapangalagaan ang perlas nila... Kaya mas gusto kong ikama ang babae kapag bagong ligo. Ayoko ng mabantot, nakakawalang gana at nakakasuka lang," usal niya.
Napapailing an lamang ako dahil sa raming kaalaman ni Aeron sa pambababe. Talagang pati amoy ng mga na-kama ay nasaulo niya na yata.
Natigil lang kami sa pag-uusap nang muling magsalita ang tauhan ko na kanina pa pala naghihintay sa sagot ko kung papayag ba ako na makausap ng mga negosyanteng lumapit sa kanya.
"Boss, hinihintay nila ang sagot niyo. Ano ba ang desisyon niyo? Malaking danyos yata ang ibibigay nila sa atin dahil gusto nilang paligpitin yung anak ng negosyanteng kumakalaban sa negosyo nila," sambit ni Ronald.
Napalagok muli ako ng alak bago nagdesisyon.
"Sige... Papuntahin mo rito ang mga negosyante na gustong kumausap sa akin. Kapag binigay nila ang perang hinihingi sa mataas na halaga ay liligpitin natin ang anak ng negosyanteng tinutukoy mo," saad ko naman.
Agad na umalis si Ronald sa harapan ko at sinunod nga ang aking utos.
Kung pagliligpit lang naman ng mga tao ang habol nila ay magagawa na ito ng mga tauhan ko kahit hindi ko na sila samahan pa.
May tiwala ako sa kanila na magagawa nila ito nang malinis dahil pagdating sa p*****n ay wala itong inuurungan. Mga halal din ang kaluluwa nila katulad ko.
"Sino kayang anak ng negosyante ang gusto nilang ipapatay? Kung babae 'yon, huwag mo na lang patayin Tristan... Ibalato mo na lang sa akin lalo na kung maganda at sexy. Pamparausan ko lang," saad ni Aeron.
"Iba ang trabaho sa personal na kagustuhan mo Aeron. Baka sumabit tayo dyan kapag yung babaeng gusto nilang ipaligpit ay gawin mo lang na parausan at makatakas pa sa kamay mo... Saka hindi pa tayo nakakasigurado kung babae nga ba ang anak ng negosyanteng gusto nilang burahin natin sa mundo," litanya ko sa aking kaibigan.
Napa-hithit na lamang ako ng sigarilyo habang hinihintay ko na dumating ang mga negosyanteng gusto akong kausapin.
Hindi sila nagkamali ng nilapitan.
Pagkalipas nang ilang minuto ay tatlong mayayamang tao nga ang siyang pumasok sa silid kung saan kami nag-iinuman ni Aeron.
Si Aeron ay hindi sanay sa mga p*****n. Ang alam niya lang ay ang magdukot ng mga babae na binibenta nila sa mga banyaga. Pero bago nila ito isalpak sa barko ay binibinyagan muna nila ang mga babae kung magaling ba ito magpaligaya sa mga lalaki.
"Boss, sila Mr. Chou, Mr. Ryan at Mr. Jack ang mga negosyanteng nakabanggaan ni Mr. Javier. Sila yung humihingi ng tulong sa'yo na ligpitin ang anak ni Mr. Javier para makaganti sila," saad ni Ronald upang ipakilala sa akin ang tatlong negosyante na medyo matataba pero halatang mayaman ang datingan.
Ang tao talaga na ayaw masapawan ay pumapasok sa maduming kalakaran. Katulad ng tatlong ito na gusto na ang naisip nilang gawin ay patayin ang inosenteng anak ng negosyanteng kinaiinitan nila.
"Maupo kayo... Gusto ko munang malaman kung magkano ang patong ng anak ni Mr. Javier... Maaari ko bang makita ang litrato ng anak niya para naman matapos na agad ito bukas," pagsisimula ko.
"Sampung milyon ang nakapatong sa ulo n'yan Tristan. Kapag nagawa niyo nang malinis ay dodoblehin namin ang sampung milyon," turan ni Mr. Chou.
"Ang ipapaligpit namin ang dalagang anak ni Mr. Javier. Siya kasi ang kaisa-isang anak at tagapagmana ng mga negosyo ni Javier. Kaya alam namin na mahihirapan ang negosyanteng 'yon na makabangon kapag nawalan siya ng anak," pahayag ni Mr. Jack na siyang nagpaliwanag kung bakit gusto nilang ligpitin ang babae.
Si Mr. Ryan naman ang siyang nagbigay sa akin ng larawan ng babaeng ipapaligpit nila na kaagad na inagaw ni Aeron sa kamay ko.
"Putangina Tristan, napakaganda! Ang sarap nitong tuhugin. Sayang naman kung papatayin lang," sambit ni Aeron na talagang napamura pa sa litrato ng babae.
Kinuha ko muli ito sa kamay niya para tingnan din ang babae. Napataas ako ng kilay. At saka ko nasabi sa aking isipan na maganda nga ang dalaga.
Kaya lang trabaho ko ang pumaslang at magligpit ng tao. Malaking pera ang nakapatong sa kanya kaya nararapat lang na piliin ko ang pera kaysa ang buhayin siya.
"Tigilan mo ang kahibangan mo sa babae Aeron. Kung gusto mong may mai-kama na babae, maghanap ka na lang sa club. Huwag mo na lamang pakialaman ito," bigkas ko sa aking matalik na kaibigan para hindi na siya mangulit pa.
Ayokong masira ang diskarte ng trabaho ko dahil lamang sa pagiging babaero nitong si Aeron. Hindi pwedeng pagbigyan ko ang kahilingan niya dahil wala sa ugali ko ang bigyan ng pangalawang pagkakataon na mabuhay ang taong pinapaligpit sa akin.
"Sige Mr. Chou, makakaasa kayo na bukas na bukas ay ililigpit na namin ang dalagang ito. Ihanda niyo na lamang ang perang ibibigay niyo. Ayoko ng paasa. Kilala niyo naman siguro ako kapag nagagalit diba? Baka maisabay ko kayo sa babaeng ito," saad ko sa kanila nang sa gano'n ay matakot sila at hindi nila maisipan na sirain ang tiwalang ibinigay ko.
Ang usapan ay usapan. Kaya walang sino man ang pwedeng mang-uto sa akin.
"Huwag kang mag-alala Tristan, tumutupad kami sa kasunduan... Bukas na bukas din ay ibibigay namin ang sampung milyon na usapan. At kapag nagawa niyo ng malinis ang pagpatay ay ipapahabol na lang namin ang sampung milyon," pahayag nito dahilan para mapangisi ako.
Agad kong ginawad ang aking kamay para makipagkamayan sa kanila, tanda na kami ay merong pinag-usapan na kasunduan ngayon.
"Salamat sa tiwala. Pero maaari ko bang malaman kung anong pangalan ng babaeng ito at kung saan sila nakatira nang sa gano'n ay mapabilis ang aming kilos," sambit ko naman habang hawal pa rin ang litrato.
"Siya si Ms. Annie. Kababalik niya pa lang sa Pilipinas kaninang madaling araw. Ang pagkakaalam namin ay inilalayo siya ni Mr. Javier dahil marami nang tumangka sa anak nila na kidnapin. Kaya sigurado kami na baka bukas o makalawa ay bumalik agad iyan sa ibang bansa," litanya ni Mr. Ryan.
Nagkaroon naman ako ng impormasyon at ideya kung paano ko uutusan ang aking mga tauhan para dukutin ang babae.
Malas niya, dahil naging anak siya ng isang negosyanteng nakabangaan ng tatlong matatandang kaharap ko ngayon na nagbigay ng malaking danyos para lamang kitilin siya.
Pagkaalis nila ay saka ako nagpatawag ng pagpupulong para sa limang tao na napili kong utusan.
Pipitsugin lang naman itong ipapagawa ko. Isang babaeng inosente na walang kalaban-laban ang kanilang kikidnapin at papatayin.
"Hanapin niyo ang babaeng iyan. Siya ang target ninyo na dapat niyong patayin. Dapat maging malinis ang trabaho niyo para walang sabit... Sabi ni Mr. Chou ay nakauwi pa lang ito ng Pilipinas kaya puntahan niyo ang mansion nila at huwag niyong aalisan ng tingin ang dalagang 'yan. Sundan niyo siya kahit saan man siya pumunta. Hindi dapat siya makaalis ng bansa na hindi niyo naliligpit ang taong 'yan. Naiintindihan niyo ba ako?" sambit ko sa limang armado na siyang tauhan ko.
Tumango naman sila na simbolo na alam na nila ang kanilang gagawin.
Nang makaalis sila ay binulungan naman ako ni Aeron.
"Bakit hindi na lang ikaw Tristan ang tumapos sa babae? Kapag ini-asa mo ito sa mga tauhan mo ay tiyak akong gagalawin nila ang babaeng 'yon at paparausan lang. Para mo na rin sila binigyan ng kasiyahan," saad nito para pabaguhin ang desisyon ko.
"Hindi nila magagawa 'yan Aeron. Kilala ko ang mga tauhan ko. Kung ano lang ang ini-utos ko ay 'yon lang susundin nila... Hindi katulad ng mga tauhan mo na hayok masyado sa babae," sambit ko naman.
"Syempre, kanino pa ba sila magmamana? Hindi ba sa akin lang naman?" nakangising turan niya na tinutukoy niya ang kanyang sarili.
Kahit papaano ay masyado siyang totoo sa kanyang pagkatao. Alam na alam niya kung anong pag-uugali ang meron siya.
Kaya ito ang nagpapatatag ng samahan naming dalawa bilang magkaibigan.