I thought everything is settled now attorney? Bakit nandito ang batang may ari ng bahay?
Napahawak ako sa sentido habang kausap sa linya ang lawyer ko.
Young master p'wede niyo naman siyang paalisin. Legal ang mga documents na hawak nating magpapatunay na sainyo ang bahay.
Anito.
Are you out of your mind? Paano ko maaatim paalisin ang isang paslit na walang mapuntahan? Namumutla and worst nilalagnat!
Napahilot ako nang noo. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari!
Pinatay ko na lang ang tawag at sumandok ng niluto kong lugaw.
Nagdala din ako ng tubig at gamot bago bumalik sa sala kung saan ko iniwan ang batang babae.
Parang kinukurot ang puso ko nang maabutan itong yakap ang unan at umiiyak mugtong mugto na ang mga mata nito sa kakaiyak tsk.
Nagpunta ako dito sa Baguio para magbakasyon sa bagong bili kong bahay pero nagkamali kami nang pinasukang kanto ng driver ko kaya't naligaw kami.
Nasa kalagitnaan kami ng masukal na daan ng may madaanang taxi at sa di kalayuan ay may babaeng sumisigaw at nagpapa saklolo! Bumaba kami ni Kuya Elton at pinagtulungang gulpihin ang rap*sts.
Nanginginig ang babaeng muntik na nitong gahasahin! Nawalan ito ng malay kaya't dinala ko sa hospital habang dinala ni Kuya Elton ang rap*sts sa prisinto.
Napatitig ako sa mukha ng babae, para itong anghel sa amo ng mukha maganda at mistisang bata. Lumabas ako para kumain pero pagbalik ko sa silid nito ay wala na akong naabutan.
Kita sa cctv ng hospital na umalis ito. Napabuntong hininga ako at umuwi ng bahay pero laking gulat kong mabungaran ang batang babae sa sala. basang basa at inaapoy ng lagnat!
Pikitmata ko itong pinunasan at binihisan.
Kinumutan ko rin ito bago pumanhik ng kwarto at umidlip.
Paggising ko naabutan ko itong tulog at mataas parin ang lagnat!
Laking gulat ko nang magising ito at niyakap ako. Tinawag din nito ang pangalan ng kapatid ko.
Umupo ako sa tabi nito at inilapag sa center table ang dala ko.
Your crying again.
Nagpahid ito nang luha at napayuko.
Kumain ka muna ng makainom ka nang gamot mataas pa ang lagnat mo.
Aniko at dinampot ang bowl ng lugaw. Hinalo halo ko ito bago iniabot dito. Nanginginig ang kamay nito at hindi mahawakan ang kutsara ng maayos.
Tsk akin na subuan na lang kita.
Binawi ko ito at sinubuan. Nahihiya pa itong magbuka ng bibig.
Napatitig ako sa mukha nito at lihim na napatawa.
Napailing na lang ako sa sarili. I thought she's a kid but damn! Dalaga pala. Napalunok ako ng mapatitig sa malulusog nitong hinaharap!
Kung tutuusin napaka amo at inosente ng kanyang mukha.
Mapag kakamalhan mo lang bata dahil sa height. May kaliitan siyang babae pero may sipa ang dating.
Natural na maputi makinis at namumula ang balat nito.
Matangos ang maliit nitong ilong manipis ang mapupulang labi at itim na itim ang mahaba nitong pilikmata na bumagay sa medyo bilugang mata.
How did you met Kieranz? And what's your name again young lady?
Aniko nang matapos kong pakainin at painumin ng gamot.
Ahm pwede bang makisuyo.
Mahina niyang saad at 'di sinagot ang tanong ko.
Yeah sure spell it out.
Tumunghay ito sa akin at para akong nangatal ng makipag titigan ang mapupungay nitong mata!
My heart beats so fast at parang nahihipnotismong tumitig sa kanya.
Ahm p'wede ko bang makausap ang kapatid mo? Nahablot kahapon ang bag ko at nakuha maging cellphone ko.
Para akong hinihele sa amo at lamig ng boses nito, but what did she just say again?
Sorry, siya na lang kasi ang pag asa ko. Wala na akong mapuntahan 'yung pinagbilhan ko sa lahat ng gamit dito sa bahay maging ang savings at kotse ko nahablot sa'kin kahapon. Nakikiusap ako sir.
Napayuko ito at muling naluha.
Ramdam ko ang bigat ng pinagdaanan nito sa tono ng boses pero bakit kay Kieranz pa siya magpapatulong kung nandito naman ako?
What's your name so that i can tell him.
Muli itong nag angat ng tingin at nagniningning ang mga mata. F*ck! mukhang nabihag din nang kambal ko ang puso ng isang 'to.
Danaya po... De Lorenzo.
Tumango tango ako at tumayo.
Dinial ko ang number ni Kieranz na kaagad din naman sumagot.
Hey what's up brother!
Bungad nito.
Do you have a friend named ...Danaya De Lorenzo?
I asked.
De Lorenzo...Oh sh*t! How did you know her?
That was the girl i've been talking to you! The beautiful little girl i met in Baguio last week why?
Anito sa masiglang boses.
Ah okay i just confirmed if you really know her that's all bye.
I immediately hangup the phone. Napaatras ako ng tumayo ito at kunot noong lumapit sa'kin.
Ba't mo pinatay? Sabi ko kausapin ko.
Mahina niyang saad.
Napabuntong hininga ako at bumaling dito.
Listen to me young lady, playboy ang kapatid ko at nasisiguro kong hindi ka niya palalagpasin. So if i were you-
Okay lang! Kaysa maging palaboy habang buhay sa kalsada.
Putol nito sa sinasabi ko napamaang nalang ako.
Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Nawala na lahat sa akin ang restaurant, ang farm namin at itong bahay maging kotse at savings ko nawala lahat!
Iniwan nila akong walang wala, paano ako magsisimula ngayon?
Desperada na ako. Gulong gulo na ang isip ko kaya please, siya na lang ang pagasa ko.
Mahabang litanya nito habang lumuluha.
Parang may bumara sa lalamunan ko sa mga narinig sa kanya.
Hindi mo rin ba naiintindihan ang sinabi ko? Playboy ang kapatid ko pagsasawaan ka lang nu'n at iiwan. Mapapabilang ka lang sa mga listahan ng babaeng pinagsawaan niya at iniwang luhaan.
Natigilan ito at napahikbi.
Agad akong lumapit at niyakap ito ng mahigpit.
Lalo itong napahagulhol at sinubsob ang mukha sa dibdib ko. Damn! Bakit ba ako naaawa sa kanya?
Parang kinukurot ang puso ko na nasasaktan siya.
Sshhh... Tahan na dimo kailangang itaya ang sarili mong dignidad kung wala ka talagang mapuntahan then stay here, with me.
Kumalas ito at tumingala sa akin kaya yumuko ako at nginitian ito.
Talaga? P'wede ako dito?
Paniniguro nito. Lalo akong napangiti at ginulo ang buhok nito.
Yeah, you can stay here as much as you want.
P'wede na rin ikaw ang maging caretaker ng bahay habang nasa Manila ako. But make sure na hindi ka na lalapit kay Kieranz, understand?
Tumango ito at bahagyang ngumiti. Nanigas ako sa kinatatayuan nang bigla ako nitong niyakap ng napaka higpit.