Maghapon akong nagpahinga sa dating silid ko.
Nilalagnat at nanghihina pa rin ako marahil sa pagkabasa ko sa ulan kagabi.
Nakaramdam ako ng ginhawa na hindi niya ako palalayasin ng bahay pero kailangan ko pa rin maghanap ng trabaho para sa mga personal needs ko.
Hindi ko p'wedeng i-asa ang lahat sa kanya.
Libre na nga ang pagtira at pagkain ko dito sa bahay, nakakahiya baka isipin pa niya'ng abusado ako sa kabaitan niya.
Nakatulog akong may ngiti sa labi.
Kinagabihan nagising ako ng may yumugyog sa balikat ko at bumungad sa akin ang nakangiting si sir Khiro.
Agad akong bumangon at umayos ng upo.
Natigilan ako nang salatin niya ang noo at leeg ko.
Nakaramdam ako nang bolta boltaheng kuryente sa pagdapo ng mainit nitong palad sa balat ko.
Napalunok ako at nagiwas tingin dito. Nangingiti itong nakatitig sa akin kaya 'di ko mapigilang pamulaan ng pisngi.
Dapat bukas magaling ka na para ako naman ang pag silbihan mo, ako 'yong amo dito eh.
Napalingon ako dito.
May dala na naman itong pagkain. Kumalam ang sikmura ko nang malanghap ang mabangong sabaw na dala nito!
Napayuko ako nang tumawa ito.
Nakakahiya bakit naman ngayon kapa kumalam.
Piping usal ko. Dinampot nito ang dalang mangkok na may lamang bulalo at umuusok pa!
Nahihiya kong tinatanggap ang pagsubo nito sa akin lalo na't hinihipan pa nito bago isubo.
Napatitig ako sa kanyang mukha at pinagkumpara sila ni Sir Kieranz. Napapilig ako nang ulo dahil iisa lang ang mukha nila.
Ano kayang pagkaka kilanlan sa kanila?
You okay ang lalim ng iniisip mo.
Aniya. Napailing ako at muling tinanggap ang sinubo nito. Matapos kong kumain pinainom ulit ako nito nang gamot.
Iniisip ko lang Sir kung anong pinagkaiba niyo ni Sir Kieranz? Magkamukhang magkamukha kasi kayo.
Bumuntong hininga ito bago taimtim na tumitig sa akin.
Bumilis ang t***k ng puso ko at di kayang salubungin ang pagkakatitig nito.
Tsk, mas mabait ako sa kanya, mas matino mas masipag mas makisig at mas gwapo.
Napangiti ako sa pagmamalaki nito sa sarili.
Why are you smiling? Don't you believe me?
Agad akong umiling ng nagseryoso na ito.
Siguro nga Sir naalala ko kasi 'yong pagtatagpo namin ng kapatid mo. Nasampal ko pa nga siya dahil aksidente niya'ng nahawakan ang dibdib ko.
Napaiwas ako nang tingin dito.
What? He touched your boob's? Accidentally?
Ulit niya sa di makapaniwalang tono. tumango ako at pilit ngumiti.
For sure he did that in purpose Damn! That asshole!
Hindi naman po siguro nagkabunggo kasi kame kaya kinabig niya ako.
Mahina kong saad.
Tsk your so innocent. P'wede ka namang kabigin ka sa baywang o sa braso bakit kailangan sa dibdib siya humawak.
Napatungo ako sa sinaad nito.
May punto naman siya kaya nga nasampal ko ang kumag na 'yon sa kabiglaan.
Go back to rest pag maayos ka na bukas samahan mo akong bumili ng mga kagamitan dito. Good night.
Aniya.
Napalunok ako nang dumukwang ito at humalik sa noo ko.
Tulala akong napahawak doon at parang nararamdaman pa ang labi nitong nakadampi sa balat ko!
Kinabukasan mas maayos na ang pakiramdam ko. Bumangon ako at ginawa ang morning routine bago lumabas ng kwarto.
Napakunotnoo ako nang napaka tahimik ng paligid. Nagpalinga linga ako maging sa labas ng bahay ngunit wala si Sir Khiro.
Tsk, nasaan kaya yun.
Napapitlag ako nang bigla itong mag salita sa likuran ko.
Looking for me?
Nakangiti ito at naliligo ng pawis! Mukhang galing ito sa jogging base sa suot.
Napaiwa tingin ako dito nang hubarin nito ang sandong basang basa nang pawis at piniga sa harap ko.
Para akong napako at nanatili sa isang direction ang paningin.
Kita sa peripheral vision ko ang taimtim nitong pagtitig sa akin.
Have you prepared our breakfast young lady?
Anito kaya napalingon na ako.
Makailang beses akong napalunok ng tumambad sa akin ang maskulado nitong katawan habang may tumutulo pang pawis!
Wala ka naman planong ako ang gawing breakfast, right?
Naginit ang pisngi ko sa narinig. Napatingala ako dito at nangingiti itong nakatitig sa akin. Nataranta akong pumasok ng bahay pero dinig ko pa ang pagtawa nito at pagsunod.
Tumuloy ako sa kusina at nag halungkat sa kanyang fridge.
Natigilan ako nang maramdaman ito sa likuran ko at dumukwang ng bottle water. Para akong nakuryente nang dumampi ang braso nito sa balat ko.
Mahina itong natawa at umupo na sa dining.
Hey, wala ka namang planong tumambay d'yan sa harap ng fridge, didn't you?
Napasara ako nang fridge at hindi alam ang gagawin! Gusto ko na lang lumubog ngayon dahil hiyanghiya ako sa kanya. Ramdam kong pulangpula na ang mukha ko.
Are you okay young lady? Your blushing.
Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang taimtim na pagtitig nito. Nagniningning ang mata nito at ngiting ngiti sa pagkakaupo.
Ahm... Magluluto na ako Sir sorry po kagigising ko lang kasi.
Napayuko ako first day ko pero nauna pa itong bumangon.
You don't have too.
Fix yourself young lady sa labas na tayo kumain.
Tumayo na ito at pumanhik ng hagdan. Napasunod ako at kaagad ng naligo at nagbihis. Nagsuot ako nang skinny jeans at loose white shirt at rubber shoes para komportable akong kumilos sa labas.
Pagbaba ko nakita ko na ito sa labas ng glasswall iniistart ang kotse.
Nilock ko na ang pinto at sumakay sa kotse nito.
I'm too handsome to become your driver young lady, sit here.
Puna nito. Napalunok ako at muling bumaba at sumakay sa passenger seat katabi nito.
Tahimik kaming bumaba nang bundok patungong syudad.
You told me you owned a restaurant before? Do you want us to eat there.
Napalingon ako dito. Nangilid ang mga luha ko nang maalala kung gaano ako nagsumikap mapalago lang ito. Pero binenta lang ni Papa at iba ang nakinabang sa huli.
Hey.. Why are you crying?
Anito at nag abot ng tissue. Inabot ko ito at pinahid ang luha. Natawa itong napailing ng sumingha ako sa tissue. Napayuko ako nang marealize ang ginawa ko.
Kainis naman Danaya ilang beses ka nang pumapalya nakakahiya!
Piping singhal ko sa sarili.