EPILOGUE/DANAYA
Kumpletong pamilya. Masayang tahanan. Marangyang buhay at may mapag mahal na mga magulang.
' Yan ang buhay na aking kinagisnan.
I'm Danaya De Lorenzo From Baguio City 22 years old and working as manager to our own family restaurant in town.
Akala ko perpekto na lahat. Akala ko wala na akong mahihiling pa. Pero akala ko lang pala.
Nagsimulang magbago ang masaya kong mundo sa biglaang pagpanaw ng Mama ko dahil sa atake sa puso.
At sa paglipas ng buwan, nagbago ang Amang iniidolo ko.
Pinabayaan nito ang aming negosyo kaya sa edad na bente dos ako na ang nagpatuloy sa aming negosyo.
Naging suki ng mga bar at casino si Papa. Papalit palit din ito ng mga babae at halos hindi na kami nagkikita.
Akala ko sa pagdating ng mag- iinang iniuwi ni Papa sa bahay ang pinaka malalang dadanasin ko. Pero nagkamali ako dahil ito pa lang pala ang simula ng delubyong kahaharapin ko.
Kasabay ng pagkawa nang lahat sa'kin. Ang pagdating ng taong magbabago sa takbo ng buhay ko.
Handa nga ba akong sumugal sa relasyong magsisimula sa isang kontrata.
O pipiliing tumayo ng mag-isa, sa sarili kong paa.
May patutunguhan ba ang pag-ibig kung nagsimula ang lahat sa isang kontratang may katapusan?
O umurong ka na lang nang hindi ka masaktan.....