Nagising ako sa unfamiliar na kwarto. nNpabalikwas ako at napasapo sa ulo. Naka dextrose ang kanang kamay ko at nabungaran si Yaya na nakatulog sa paanan ko habang nakaupo ito sa silya at nakayuko sa kama.
Biglang nanikip ang dibdib ko at muling naluha nang magbalik sa isip ko ang mga nangyari.
Napahagulhol ako kaya't nagising si Yaya na kaagad akong inalo at niyakap.
Nag pumilit na akong lumabas ng hospital at muling bumalik ng bahay. Naluluha ako habang nililibot ang kabuoan nito.
Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ito sa akin dito na ako lumaki nandito ang lahat ng masasayang alaala ni Mama simula bata ako.
Napagdesisyunan kong ibenta lahat ng appliances dito maging ang mga mamahaling paintings collection ko binenta ko.
Kailangan kong mabawi ang bahay kahit ito na lang ang maiwan sa'kin.
Maging ang kotse binenta ko, nilabas ko rin ang natirang savings ko.
Handa akong magsimula sa wala h'wag lang mawala ang bahay sa'kin.
Nakalikom ako ng 1.7 milyon at iniabot kay Yaya ang 200 thousand para sa matagal niyang paninilbihan sa amin. Mula pagkabata katulong na namin ito.
Malungkot itong ngumiti ng maihatid ko sa terminal.
Mahigpit akong niyakap bago sumakay ng bus pauwi ng probinsya nila.
Patawid na ako sa pedestrian lane nang may humablot sa bag ko at mabilis tumakbo!
Nagsusumigaw ako at hinabol ito pero mabilis itong naglaho sa paningin ko. Napahagulhol na lang ako at nanghihinang napaupo sa kalsada.
Nang mahimasmasan nagtaxi na akong pabalik ng bahay.
Marahas akong napabuga ng hangin at mariing ipinikit ang mga mata.
Nagmulat ako ng huminto ang sinasakyan at napabalikwas!
Lumukob ang kakaibang takot at kaba sa akin ng mapagtantong nasa masukal kaming lugar at walang kabahayan sa paligid!
Nanginginig ang buong katawan ko ng mapatingin sa driver na nakangisi sa akin! Kaagad akong lumabas ng taxi nito at tumakbo. Napadaing ako ng may
mahablot nito ang buhok ko.
Kasunod ang paninigas ko at unti-unting pagluhod sa lupa ng malakas akong sinuntok sa sikmura!
Walang anu-anong dinaganan ako nito at pinunit ang t-shirt ko kaya't lumantad ang dibdib ko! Nakangisi ito at puno nang pagnanasa ang kanyang mga mata!
H'wag po maawa na kayo.
Umiiyak kong pagmamakaawa. Napasigaw ako nang bigla itong sumubsob sa leeg ko at dinidilahan na ako pababa sa dibdib!
Patuloy ako sa pagsigaw at nagpupu miglas ngunit patuloy lang ito sa ginagawa.
Tulong! Tulungan niyo ako tama na! Maawa po kayo h'wag po!
Panay ang sigaw ko at pagpupumiglas kahit hinang hina.
Para akong hinampas ng hollowblock sa ilang beses nitong pagsampal sa mukha ko at nalasaan ang kalawang sa bibig ko!
Muli itong sumubsob sa dibdib ko nang biglang may humablot dito.
Napaupo ako at niyakap ang sarili. Dinig ko ang pagdaing nito at ang pambubogbog ng dalawang lalake hanggang sa manlupaypay na ito.
Napaatras ako sa pagkakaupo ng lumapit sa akin ang isa sa mga nambugbog.
Hey Ms relax we won't hurt you, you're safe now.
Umiling ako at napayakap lalo sa sarili. Nagpumiglas ako nang hawakan ako nito hanggang unti unting nagdilim ang paningin ko.
Napadilat ako ng mga mata at bumungad sa'kin ang puting kisame.
Napalingon ako sa paligid at napag tantong nasa hospital ako.
Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng silid.
Paika-ika akong lumabas ng hospital. Takot na akong sumakay muli ng taxi kaya't naglakad na lang ako at sinuong ang malakas na ulan lalo na't magdidilim na.
Nakahinga ako nnag maluwag pagkarating ng bahay.
Pagbagsak akong humiga sa sofa at niyakap ang sarili sa sobrang lamig at pagod.
Nagising akong may yumuyogyog sa balikat ko at bumungad ang pamilyar na mukha.
Kieranz!!
Napayakap ako ng mahigpit sa kanya at muling napahikbi.
Pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng karamay at pagasa sa kanya.
Maya pa'y kumalas ito at kunotnoo akong pinakatitigan.
Ahm hindi mo ba ako natatandaan? Ako 'to si Danaya, sa conference lastweek tanda mo?
Napapilig ito ng ulo na parang may pilit inaalala.
What are you saying ngayon lang tayo nagkita, at pwede ba? I'm not Kieranz i'm Khiro his twin brother.
Napamaang ako sa sinaad nito.
Nagbibiro lang ba siya? Bakit naman kamukhang kamukha niya maging ang boses kapareho? Tumayo ito at nagpamulsa sa harap ko.
Bakit ka tumakas ng hospital? And how did you got here?
Masungit nitong saad at kunotnoo pa rin. Napaayos ako ng upo at napayuko.
Answer me young lady, or else i'll call the police for trespassing here.
Naalarma ako at napatayo.
Sir h'wag naman! Bahay ko 'to, dito ako tumuloy dahil wala na akong mapuntahan.
Lalong nagsalubong ang kilay nito at pinasadaan ng tingin ang kabuoan ko.
Are you out of your mind? How can you say this is your house when definitely this is my house, my property.
Napalunok ako ng maalalang naibenta na nga pala ito.
At ang perang pambayad ko sana para mabawi ay nahablot pa! Napahikbi ako at napayuko sa harapan nito.
Taimtim lang naman itong nakatitig sa akin.
Nanginginig ang buong katawan ko at naramdaman ko na lang ang pagsigaw nito kasabay ng pagsalo nito sa akin bago tuluyang mawalang malay.
Naalimpungatan ako ng may basang telang dumadampi sa mukha at leeg ko. Nanghihina ako at sobrang sakit ng ulo ko.
Finally your awake young lady.
Your too pale and sick. Do you want me to bring you back to the hospital?
Maalumanay niyang tanong bago ibinalik sa planggana ang bimpo na hawak.
Pilit akong umupo at inalalayan naman ako nito.
Can you clear to me everything? Idon't understand eh. How did you know my brother? and why did you say this is your house?
Bahay namin ito... dati.
Mahina kong sagot.
Napabuntong hininga ito at naupo sa tabi ko.
Before.. okay.
Aniya at tumango tango.
But this is my house now.
My lawyer buy this house in a legal way he paid triple amount at its original price.
Natahimik ako maya pa'y tumayo na ito at nagtungo ng kusina.
Dinampot ko ang isang throw pillow at niyakap. Muli akong naiyak dahil sa kawalan nang pagasa.
Saan na ako tutungo ngayong nandito na ang may ari ng bahay? Pano na ako? Magiging palaboy na ba ako sa kalsada..
Piping usal ko nang sumagi sa isip ko si Khiranz. Bahala na,magbabaka sakali na lang akong magpatulong dito. Kahit magpaalipin ako dito ang mahalaga may makain at matulugan ako ng maayos.