Tahimik kami pareho hanggang makarating sa dati naming restaurant. Inilibot ko ang paningin sa paligid ganu'n pa rin ang ambiance ng lugar walang binago maging sa mga menu.
Nakangiting lumapit sa amin ang waiter na dating empleyado ko.
Bumati ito at kinumusta ako habang kinukuha ang order namin.
Kinikilig namang nagsisikuhan ang iba at panay ang titig sa kasama ko.
Matapos makuha ang order namin inilibot ni Sir Khiro ang paningin sa paligid at napatangu tango.
Ilang saglit lang dinala na ang inorder namin..
Napapangiti akong pasimple siya'ng ninanakawan ng tingin. Napaka ganado niyang kumain tipong walang kaarte arte at 'di alintana kung tumaba.
Dimo naman siguro iniisip gawin akong pag himagas tama?
Nasamid ako at sunud sunod napaubo. Tumayo ito at natatawang hinagod ang likod ko.
Matapos naming kumain tumuloy na kami sa SM mall
nauna naming pinuntahan ang appliances section at halos bilhin na nito lahat ng display doon.
Sumunod sa grocery store at halos hindi magkanda ugaga ang mga staff na nagtutulak ng aming mga cart sa dami nang pinamili niya.
Pinagtitinginan na kami at kilig na kilig din ang mga kababaihang lantarang nagpapa cute sa kanya.
Hindi naman siya arogante nginingitian at kinikindatan pa niya ang mga ito na parang mga kitikiting 'di makapirmi.
Pinadeliver din niya sa bahay ang lahat at nagiwan ng malaking tip sa lahat ng tumulong sa amin.
Matapos ang nakaka pagod na araw kumain muna kami bago umuwi. Magdidilim na nang makarating kami sa bahay.
Tahimik lang ako sa tabi nito buong araw dahil ganun din naman siya.
Matapos kong maligo at nagtuyo nang buhok nahiga na ako at nagpatangay sa antok.
Pagod na pagod ako ngayon sa buong araw na paglilibot sa mall at halos bilhin na niya ang mall sa dami ng pinamili niya! Mula sa mga appliances groceries at dry goods.
Naalimpungatan ako madaling araw na pinag papawisan at nauuhaw kaya't bumangon ako.
Dahan-dahan akong bumaba nang kusina. Nakapatay ang mga ilaw ngunit maliwanag sa kusina.
Maingat akong sumilip at nakita si Sir Khiro na umiinom sa dining.
Lupaypay na ito at nagkalat ang can beers sa mesa at sahig na pawang mga walang laman.
Napabuntong hininga ako bago lumapit dito. Napaangat siya nang tingin at ngumiti.
Namumungay na ang mga mata at pulang pula na rin ang mukha.
Tumayo ito at muntik maout balance kung diko naalalayan!
Napalunok ako at bumilis ang t***k ng puso ko nang mapatitig sa kanyang mata.
Kita doon ang kakaibang lungkot na 'di ko mapangalanan.
Steffi....
Aniya sa paos na boses at bigla akong siniil ng halik! Nanlaki ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan!
Napakurap kurap ako at buong lakas siyang itinulak.
Parang kinurot ang puso ko nang pumatak ang luha nito maya pa'y yumakap ito sa akin ng napaka higpit at yumugyug ang balikat.
Hinayaan ko siya'ng umiyak sa balikat ko hanggang sa kusa na siyang tumahan ngunit nanatili paring nakayakap sa akin.
Ramdam ko ang bigat nito kaya unti- unti akong tumingala sa kanya nakapikit na ito at halos sumubsob na sa'kin sa kawalan ng balanse.
Inalalayan ko siya'ng makaakyat ng silid at maka ilang beses din kaming sumubsob bago marating ang silid nito.
Tahimik kong pinusan ito at pikit matang binihisan ng pantulog.
Pinagpapawisan ako matapos kong mabihisan ito.
Napatitig ako sa kanyang mukhang nasa kalaliman na nang tulog. Napalunok ako nang mapatitig sa kanyang labi.
Sh*t my first kiss nemen Sir!
Piping usal ko. Akmang tatayo na ako nang humawak ito sa kamay ko.
Natigilan ako at unti-unting napalingon dito. Naniningkit ang mata nitong nakatitig sa akin maya pa'y ngumiti ito at pilit bumangon. Hinila niya ako paupo sa gilid ng kama at muling niyakap ng mahigpit.
Steffi don't leave me. We both know Khiranz doesn't love you more than a friend. Please ako na lang magkamukha naman kami eh, i don't care kahit isipin mong siya ako just gave me a chance to prove you how much i love you sweetheart. I'm begging you..
Nanigas ako at 'di makapag salita sa sinaad nito. Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko.
Kung ganun may mahal na siya kaso si Sir Khiranz ang gusto nito at ngayon nagma makaawa siyang siya na lang.
Bulong ng isip ko. Maya pa'y narinig ko na ang mahinang paghilik nito habang nakayakap pa rin sa akin. Dahan- dahan akong kumalas at buong ingat pinahiga ito.
Malungkot akong ngumiti at hinaplos siya sa mukha. Naawa ako sa kanya dahil handa siyang magpaka martir piliin lang siya.
Kung tutuusin hawig na hawig sila ni Sir Kieranz 'di ko namalayang lumuluha na pala akong nakatitig sa kanya.
Inayos ko muna ang kumot nito bago lumabas ng kwarto.
Bumaba ako nang kusina at niligpit lahat ng kalat. Magaalas kwatro na rin ng umaga kaya nagkape na ako at sinimulang maglinis ng bahay sa loob at labas.
Mataas na ang sikat ng araw at abala ako sa pagdidilig ng mga halaman ng matanaw siyang bumababa ng hagdan. Tumuloy siya nang kusina maya pa'y lumabas ito at naupo sa bench dito sa garden na may dalang kape.
Ngumiti ito at bumati sa akin bago nagsimulang dutdutin ang dalang ipad habang nagkakape.
Mukhang hindi niya matandaan ang mga nangyari kaninang madaling araw bagay na pinag papasalamat ko.
Binilisan ko na ang pagdidilig dahil naaalibadbaran ako sa prehens'ya nito. Akmang babalik na ako sa loob ng pigilan ako nito sa pulsuan ko.
Para akong sinakluban ng libo libong boltahe sa katawan sa pagdampi nang palad nito sa balat ko natigilan din ito at agad bumitaw.
Ahm i just wanna apologized about..lastnight.