Nagising akong sobrang bigat ng ulo sa tindi ng hangover ko.
Bumangon na ako para maligo nang mapansing iba na ang suot ko. Naipilig ko ang ulo at pilit inalala ang mga nangyari.
Sumasakit na ang ulo ko ngunit tanging natatandaan ko ay uminom ako kagabi para maibsan ang sakit at pangungulila ko sa babaeng mula pagkabata ay lihim ko ng minahal.
Ngunit ng magtapat na ako tinawanan lang niya ako at pinamukha sa'king si Khiranz ang nakababata kong kapatid ang gusto nito.
Mula pagkabata magka kaibigan na kami nila Steffi at Khiranz, anak siya nang matalik na kaibigan ni mommy na si Tita Diane kaya't mula kinder sanggang dikit na kaming tatlo.
Habang lumalaki unti-unting lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.
Hindi naman lingid sa akin na may gusto siya kay Khiranz pero hanggang naka babatang kapatid lang ang turing nito sa kanya.
Ilang beses na siyang nireject ni Khiranz pero patuloy pa rin siya sa paghabol dito. Sa tuwing nasasaktan ito at umiiyak dahil sa kapatid ko sa akin siya tumatakbo paulit-ulit na lang kaya't nasanay na ako.
Naglakas loob akong umamin sa kanya.
I even beg her na ako na lang ang mahalin niya pero ang nakakatawa, kahit pa magkamukha magkaboses at magkasing tangkad kami ni Khiranz hindi ko ito mapapantayan sa puso niya!
Nag leave muna ako nang opisina at nagbakasyon dito sa Baguio para makapag isip-isip.
Minsan hindi ko rin maintindihan ang mga babae kung bakit mas gusto nila si Khiranz kaysa sa akin gayong tinagurian itong The Playboy Heirs.
Marahil dahil mas gusto nila ang pagka maangas nito, happy go lucky at babaero daig pa nito ang magpalit ng damit kung magpalit ng babae tsk.
Napabuntong hininga ako at pumasok na nang banyo para maligo.
Pagkatapos kong nagbihis bumaba na ako at nagtungo sa kusina.
Nasilip ko si Danaya sa garden na abala sa pagdidilig ng mga halaman kaya doon ko planong tumuloy.
Malinis na ang buong bahay at maaliwalas ang paligid.
Nakakabilib na ang bilis niya'ng kumilos sa liit niya'ng babae.
Matapos kong magtimpla nang kape pinuntahan ko ito sa labas.
Napatitig ako dito, napakahinhin ng galaw niya. Natural lang at mukhang hindi man lang affected sa akin.
Naalala ko noong unang beses ko siya'ng makausap at napag kamalhan akong si Khiranz.
Marahil gusto din nito ang kambal ko kaysa sa akin tsk! Lagi na lang.
Paano niya kaya ako naiakyat kagabi sa liit niya'ng babae?
Piping usal ko. p apasok na sana ito ng pigilan ko para akong nakuryente ng maglapat ang balat namin kaya't napabitaw ako.
Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha kaya't agad ko nang sinabi ang pakay ko. Kimi lang itong ngumiti at nagpaalam na may gagawin pa.
Tsk hindi ba niya naramdaman ang naramdaman ko?
Napasunod na lang ako nang tingin habang nagtungo ito sa likod bahay. Kinagabihan matapos naming kumain inaya ko itong mag- inuman muna.
Magaalasyete na nang makarating kami dito sa syudad at tumuloy sa pinaka kilalang bar dito sa Baguio ang BCS resto bar.
Sumalubong sa amin ang halo halong amoy mula sa perfumes alak at usok ng sigarilyo.
Marami na ring tao at may mga live band ang tumutugtog sa harap ng stage.
Sa counter area na lang kami pumwesto. Nakakagulat lang na malakas pala itong uminom!
Masaya kaming nagkukwentuhan ng kung anu-ano hanggang sa naparami na kami ng nainom at bigla nalang akong hinila patungong dance floor.
Naiiling na lang ako dahil tipsy na ito. Namumula na ang maamo at napaka ganda niyang mukha.
Lumalabas na rin ang pagka makulit niya. Mas lalo siyang gumaganda sa tuwing tumatawa ito at sinasabayan kahit ang mga dirty jokes ko.
Pasado twelve midnight nang lumabas kami ng bar. Pasuray suray ito kaya't nakalingkis sa maliit nitong baywang ang braso ko.
Nagtungo muna kami sa kalapit na park dahil umiikot na rin ang paningin ko.
So, can you tell me more about yourself young lady?
Tumitig ito sa akin bago napabuga nang hangin.
Nakaupo kami ngayon sa railings nitong tulay sa gitna ng park
maliwanag ang paligid dahil bilog ang buwan kaya't malaya kong napagmamasdan ang mala anghel nitong mukha.
Pwedeng magtanong Sir?
Pag iiba nito.
Go ahead.
Bumaba siya sa pagkakaupo at sumandal sa railings paharap sa akin.
Why you keep calling me young lady Sir? Tingin mo ba sa akin isang paslit?
Napangiti ako at sinalubong ang taimtim nitong pagtitig.
Because everyone address me as their young master.
Ano koneksiyon nu'n?
Mahina akong natawa.
Nothing i just wanna call you that way.
Tumango tango naman ito.
So back to you, anong kwento ng buhay mo? Boss mo ako hindi naman siguro masama kung mas kilalanin pa kita, right?
Mapait itong ngumiti at humarap na sa lake na kaharap namin.
Lumaki ako sa simple pero masayang pamilya Sir.
Hindi kami mahirap pero hindi rin mayaman tipong sakto lang.
May farm kaming pinapaupahan sa mga magsasaka.
Ang restaurant naman namin ang pinaka kilalang kainan dito sa syudad.
Maayos ang lahat sa amin, akala ko masasabi ko nang maswerte akong nagkaroon ng amang katulad ni Papa. Pero nagbago ang lahat ng mawala si Mama.
Naging babaero si Papa papalit palit ang mga babaeng iniuuwi niya sa bahay. Pinabayaan rin niya ang restaurant kaya nalugi ito.
Ako ang pumalit namahala dito at kalaunay naibangon ko.
Naging mas kilala at napalago ko ito until oneday may iniuwi siyang mag -iina sa bahay.
Simula nang dumating ang mag -iina sa bahay lalong gumulo ang buhay ko.
Mapakla itong natawa at tumitig sa akin.
You know what next happened is?
Binenta ni Papa ang restaurant ng 'di ko nalalaman. Nagising ako isang umaga wala na sila.
Binisita ko ang farm namin pero napag alaman kong naibenta na rin pala 'yon. Maging ang rancho at ang malala pagka uwi ko sa bahay naabutan ko ang abogado mong pinapaalis na kami dahil maging ang bahay naibenta ng 'di ko nalalaman.
Binenta ko lahat ng maaari kong ibenta maging kotse at savings ko sinakripisyo ko para mabawi ko sana ang bahay.
Pero ang nakakatawa nahablutan ako at 'di na nabawi ang bag kong naglalaman lahat ng pera ko.
' Yun ang araw na muntik pa akong magahasa mabuti na lang dumating kayo.
Mabuti na lang 'di mo ako pinaalis ng bahay dahil baka nabaliw na ako sa mga oras na 'to.
Napaayos ako nang tayo at nakaramdam ng kakaibang habag para dito. Nang bumaling siya sa'kin ay kita sa kanyang mga mata ang matinding lungkot na pilit kinukubli nang maganda niya'ng ngiti.
Ikaw Sir anong kwento mo?
Baling nito.
patay.