Napabuga ako ng hangin bago humarap sa kanya at sinalubong ang titig niya.
Nagmahal ka na ba? Minahal ka na ba?
Saglit akong natulala ng ngumiti ito at umiling.
Ngayon ko lang napansin ang malalim nitong magkabilaang biloy na lalong nagpa ganda sa kanya.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin dito. Kakaibang kaba ang biglang lumukob sa dibdib ko dahil sa simpleng pagngiti niya.
Ahmm.. There is a girl i secretly loved the most pero hindi niya ako gusto dahil ang gusto niya ang kambal ko.
Napailing ako at mapaklang natawa.
Ikaw ba Danaya? You already met Khiranz my younger brother tell me, is he really better i for you?
Ang sarap sa ears Sir first time.
Nakangiti niya'ng sagot kaya't napakunot noo ako.
Ang layo nang sagot mo.
Ahehe sorry Sir first time mo kasing tinawag ako sa pangalan ko.
Pero kung ako lang mas gusto kita kaysa kay Sir Khiranz.
Marahil dahil sa mga nangyari sa atin, sa amin.
Basta mas komportable po ako sainyo Sir.
Napangiti ako at nagpalinga- linga sa paligid para ikubli ang kilig na nadarama ko.
Sh*t Khiro kailan ka pa natutong kiligin?
Piping usal ko.
Okay ka lang sir?
Napapitlag ako at nakaramdam ng libu-libong boltahe sa katawan ng tapikin ako nito sa braso.
Ahhm... Yeah i'm okay.
Ramdam kong nag -iinit ang mukha ko lalo't taimtim itong nakatitig.
Kinikilig ka noh?
Nanlaki ang mga mata ko at 'di makapaniwalang tumingin dito.
Nangingiti ito at nagniningning ang mga matang pinaniningkitan ako.
Animo'y nang-uusig kung magsisinungaling ako dito.
Whaaat !? Why would i?
Umayos ako ng tayo at napatingala sa bilog na buwan.
Ayaw mo ba siya'ng ipaglaban Sir?
Basag nito sa mahaba naming katahimikan at parehong nakatingala sa buwan.
Mahirap ipanalo ang laban kung sa simula pa lang talo ka na.
Napabuga ako ng hangin.
Nanikip bigla ang dibdib ko. Mapait akong napangiti ng maalala ang huling pag -uusap namin ni Steffi.
Pero paano mo malalamang talo ka kung 'di mo naman sinubukan Sir.
No need. Pina mukha na niya sa akin kung sino ang mahal niya.
Mga bata pa lang kami alam ko naman na 'yun eh.
Pero mas masakit pala kung harap harapang sabihin at ipamukha sayo na kahit anong gawin mo hindi mo mapapantayan ang iniibig nito.
Napalingon ako ng humalukipkip ito na parang giniginaw.
Kaagad kong hinubad ang leather jacket ko at isinuot dito.
Natigilan ito at agad ding hinubad.
H'wag na Sir sana'y ako sa klima dito baka magka-sipon pa kayo niya'n.
Aniya sabay abot ng jacket ko.
Ngumiti ako at muling isinuot ito sa kanya at yumakap mula sa kanyang likuran.
Napalunok ako ng marealize ang ginawa ko pero 'di ko magawang baklasin ang pagkakayakap ko dito.
Lihim akong napangiti ng humawak ito sa braso ko at ipinilig ang ulo sa dibdib ko.
Kahit napaka lamig ng ihip ng hangin ramdam ko ang pag- iinit ng buong katawan ko sa pagkakayakap dito.
'Di ko mapigilang amoy- amuyin ang buhok nitong napakabango at lambot.
Humiwalay na ako ng maramdamang nabuhay ang alaga ko dahil sa posisyon namin.
Ahhmm... Sorry bumalik na tayo.
Aniko at hinila na siya sa kamay pabalik ng kotse.
Natigilan ako ng pinag intertwined nito ang mga daliri namin at nagkibit balikat na muling naglakad.
'Di ko mapigilang mapangiti sa ginawa nito. Pinag buksan ko ito ng pinto bago umikot sa driver side at pinasilab ang kotse.
Sir gusto mo street food muna tayo?
Napalingon ako dito saglit at tumango.
Sure, saan ba?
Nagpark kami sa hindi mataong lugar at magkahawak-kamay ulit na tumungo sa sinabi nitong kakainan namin.
Nagtungo kami sa night market at sa food court kami tumuloy.
Maayos na nakahilera ang mga food stall at marami- rami na ring tao.
Napapangiti ako sa tuwing may mga napapatiling nadadaanan namin at pinaniningkitan nito.
Pakiramdam ko tuloy nagka instant girlfriend ako tonight lalo't magkahawak- kamay kami.
Napangiwi ako ng mga barbeque ang kinuha nitong iba't ibang klase.
Nakakagutom ang amoy ng mga ito na nagpatakam sa sikmura ko.
Umupo kami sa bakanteng bench sa gilid at nagsimulang kumain.
Try mo 'to Sir, for sure 'di mo pa natitikman 'yan.
Aniya at isinubo sa akin ang hawak nitong nakatuhog sa stick.
Mmm...Masarap nga.
Aniko at muling nagpasubo.
Chicken skin ito na crispy at may sauce na matamis at maanghang.
Bakit?
Takang tanong ko ng nangingiti itong nakatitig sa akin.
Masarap ba Sir? Inubos mo oh, sabi ko tikman mo lang eh.
Ngayon ko lang napansing naubos ko nga ang isang cup nitong order.
Ahmm.. Sorry kuha na lang ako ulit ano nga tawag 'dun.
Tumayo na ako.
Pwet ng manok Sir.
Nanlaki ang mga mata kong bumaling dito.
Nangingiti itong nakatingala sa akin na tila nawiwili sa pagkagulat ko.
Napaubo ako ng sunod-sunod at parang bumabaliktad ang bituka ko sa isinagot nito.
Iginiya niya akong umupo at hinagod ang likod ko. mMatapos kong uminom sa buko juice na nabili namin ay binalingan ko na ito.
Bakit Sir?
Painosente pa niya'ng tanong habang pigil ang pagtawa at napapakagat ng labi. Napalunok akong nag- iwas tingin sa nang -aakit nitong mapula pulang mga labi.
Napailing na lang ako at muling nagpatuloy kumain.
Parang babaliktad ang sikmura ko dahil sa mga pinakain nitong bituka ng manok betamax at atay pero aaminin kong masasarap nga ang mga ito kaya't naparami kami ng kain.
Dinala din ako nito sa lomihan at sinubukan ang monster bowl nila.
May premyo ang makaka-ubos nito in just five minutes.
Umorder kami ng dalawa at sabay kinain.
Pinapanuod kami ng mga tao ng magsimula na kaming kumain.
Kailangan pabilisan ito kaya panay ang tilian at hiyawan ng paligid namin habang pabilisan kami sa pag ubos.
Natatawa na lang ako ng wala pang five minutes naubos na nito ang inorder! Nakakuha kami ng dalawang white teddy bear bilang premyo.
Bumalik na kami ng kotse at umuwi ng bahay. Mag aalastres na rin ng umaga.
Nakatulog na ito ng makarating kami sa bahay.
Maingat ko itong binuhat at dinala sa kwarto nito.
Napahaplos ako sa maamo nitong mukha at nangingiting pinagmamasdan ito.
Thank you Danaya binibigyan mo ng panibagong direksyon ang pabagsak ko ng mundo.
I'm really happy that i met you.
Sana manatili ka sa tabi ko kahit dumating pa si Khiranz at bawiin ka nito.
Humalik ako sa noo nito at inayos na ang kumot bago lumabas ng kanyang kwarto.
Pabagsak akong humiga ng kama at nangingiting niyakap ang unan ko.
Damn Khiro! What's happening to you man? Are you falling inlove with her now?!
Kastigo ng utak ko.
Naiiling akong pumikit at nagpatangay sa antok.
Yeah i think so.