Naalimpungatan ako ng maramdamang umangat ako sa ere.
Napalunok ako at muling nagtulog- tulugan ng binuhat ako ni Sir Khiro papasok ng bahay.
Hanggang naramdaman ko na ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama.
'Di ko mapigilang mapangiti ng makalabas na ito ng kwarto at napahawak sa hinalikan nitong noo ko.
Kanina ko pa pigil ang ngiti sa kilig na nararamdaman ko dahil sa kanya.
Alam ko namang wala lang sa kanya ang mga iyon pero diko parin mapigilang mapangiti at kiligin.
Nakatulog akong may ngiti sa labi. Mataas na ang sikat ng araw pagkagising ko.
Kaagad na akong naligo at nagbihis, nakashort at oversize na t-shirt lang ako ng bumaba sa kusina.
Kapwa kami natigilan ni Sir ng mag pang- abot kami sa kusina.
Para itong napako sa kinatatayuan at muntik pang mabitawan ang hawak na kape.
Good morning Sir sorry nauna ka pang bumangon.
Nahihiya kong paumanhin.
Tumikhim ito at naupo sa silya.
'Di ko mapigilang mailang sa uri ng titig nito sa akin. Kakaiba ang nararamdaman ko na parang ibang tao ang kaharap ko.
Good morning too Danaya... ahmm it's okay have a sit.
Do you want coffee? I'm good at making it.
Aniya at muling tumayo. Akmang pipigilan ko ito ng ngumiti ito at ipinilig ang ulo kaya't umupo na ako.
Here, try this Danaya.
Napalunok ako ng inilapag nito ang isang basong kape with cream.
Thank you.. ..Sir.
Nakangiti itong nakatitig sa akin kaya't diko maiwasang mailang.
Nah abot din ito ng toasted bread na pinalamanan ng peanut butter.
Nahihiya kong tinanggap ito dahil ako pa tuloy ang pinag silbihan samantalang siya ang amo.
I'm really surprised to see you here.
Napalingon ako sa kanya at napakunot noo.
Po?
Ahmm.. nothing how it taste? Did you like it?
Tumango ako at ngumiti dito.
Lalong nagningning ang kulay abong mata nito sa pagtango ko.
Napapitlag ako ng may baretonong boses ang nagsalita mula sa likuran ko.
What brings you here?
Napalunok ako at unti -unting lumingon sa likuran ko.
Para akong binuhusan ng tubig pagkakita kay Sir Khiro.
Bagong gising at namamasa pa ang buhok na katatapos lang maligo.
Good morning sweetheart.
Aniya. Nanlaki ang mata ko ng humalik ito sa noo ko bago binalingan ang kamukhang dumilim ang anyo.
What is the meaning of this Khiro?
Madiin nitong tanong sa kamukha.
Answer me first, what brings you here in my house, in our house?
Madiin ding sagot nito at naupo na sa tabi ko.
Kita kong nagtagis ang panga nito at nag-iwas tingin bago tumayo.
Let's talk outside.
Anito at lumabas nang kusina.
Sir...
Napahawak ako sa kamay ni Sir Khiro ng tumayo na rin ito.
Ahm sorry Sir, akala ko po ikaw siya kaya naki-upo ako sa paanyaya niya.
Ngumiti ito at muli akong hinalikan sa noo.
It's okay sweetheart, kausapin ko lang siya hmm.
Aniya at pinindot pa ang ilong ko bago lumabas ng kusina.
Nanginginig ang kamay kong napahawak sa kape ko.
Hindi ko mapigilang kabahan ngayong nandito na ang kambal niya.
Kaya pala ramdam kong may kakaiba pagkakita sa kanya.
Piping usal ko. Napayuko ako at 'di alam ang gagawin.
Maya pa'y may tumapik sa balikat ko. Napatunghay ako at nakangiting mukha ni Sir Khiro ang bumungad sa akin.
Pressured?
Umiling ako at pilit ngumiti.
Kinuha nito ang kape at dinala sa lababo. Magrereklamo sana ako ng ngumiti itong tinungo ang coffee maker at gumawa ng panibago naming kape.
Nexttime h'wag kang tatanggap ng galing sa kanya. Mamaya gayumahin ka pa nu'n.
Mahina akong natawa kaya't natatawa na rin itong naupo sa tabi ko. napaka-aliwas ng mukha nito na parang may magandang nangyari.
Natigilan kami sa pagkukulitan ng pumasok nang kusina si Sir Khiranz na kunotnoo at pabalyang naupo sa harap namin.
Napayuko ako at di makatingin sa taimtim nitong pagtitig.
Stop staring at her like that. Can't you see she's not comfortable?
Napatunghay ako kay Sir Khiro at kita ang kaseryosohan nitong nakikipag laban ng titig sa kaharap. Maging si Sir Khiranz ay seryoso ding nakatitig sa kakambal.
Why? Do you owned her?
Umakbay siya sa akin at nginisian ang kaharap.
Soon brother... I'll mark her as mine so stop dreaming of her.
Napanganga ako sa sinaad nito.
Kitang Napatiim bagang si Sir Khiranz at napakuyom ng kamao.
Ano bang sinasabi mo Sir?
Mahinang bulong ko dahil hindi na maganda ang mood ng kakambal nito.
Sumabay ka na lang, ayaw mo din naman sa kanya 'di ba?
Bulong din nito. Kiming ngumiti ito at inayos ang ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa mukha ko.
Nag -init ang mukha ko at napaiwas tingin dahil halos magbungguan na ang mga ilong namin.
Marahan pa nitong pinisil ang baba kobago nagpatuloy sa pagkakape.
Muli akong napayuko ng mapatingin kay Sir Khiranz na salubong ang kilay at taimtim na nakatitig sa akin.
I said stop staring at her like that.
Muling babala ni Sir Khiro.
Napa tsk lang ito at muli kaming iniwan ng kusina.
Nakahinga ako ng maluwag sa pag-alis nito at kaming dalawa ni Sir Khiro ang naiwan dito.
Finish your coffee and follow me upstairs sweetheart. We have something to discuss okay.
Anito at lumabas na ng kusina. Inubos ko na ang kape ko at hinugasan ang pinag kapehan namin bago umakyat ng silid nito. Tumuloy ako sa balcony ng makitang nandoon siya at nakasandal sa railings na kahoy.
Ahmm... Sir ano po 'yon?
Lumingon ito at hinila ako palapit sa kanya. Napalunok ako ng halos isang dangkal na lang ang layo namin at yumapos ito sa baywang ko.
Sshhh... He's looking at us sweetheart.
Napalingon ako sa baba at nakita si Sir Khiranz na nakaupo sa bench sa garden at nakatitig nga sa amin.
Anyway.. Gusto mo ba'ng ibalik ko sayo 'tong bahay?
Namilog ang mata ko at 'di makapaniwalang lumingon dito. Nakangiti ito at nagniningning ang kulay abong mga mata.
Pero Sir....Wala pa akong perang pambili pabalik.
Mahina kong sagot.
Napayuko ako pero humawak ito sa baba ko at marahang itiningala sa kanya.
Let's make a contract sweetheart. Be my girlfriend for six months, pagkatapos nu'n ililipat ko sa pangalan mo ang bahay mo.
Deal?
Napanganga ako at 'di agad nakahulma sa sinaad nito.