Ep. 2 Danaya POV

1016 Words
Ano? Bakit po? Paano?! Pasigaw kong tanong nang makabawi sa sinaad ni Papa. Ahmm Mr. De Lorenzo i think you need to talk to your daughter first, i'll just talk to the employees. Magalang paalam ng lalake sa amin na tinanguan ni Papa at lumabas nang opisina. Napabuntong hininga itong tumitig sa'kin. Binenta niyo ang restaurant ng hindi ko nalalaman? Pa! What's happening to you huh? Ako ang nagpapatakbo nito tapos ibebenta niyo na lang basta basta! Napasigaw na ako. This is the first time na mabulyawan ko si Papa. Hinahayaan ko siyang aliwin ang sarili niya dahil sa pagkawala ni Mama pero ang ibenta ang restaurant na halos ako na ang nagpalago? Hindi na ito tama! Sorry anak. Kailangan ng Tita Mathilda mo ang malaking halaga as soon as possible kaya ito na lang ang ibinenta ko kaysa ang lupain natin. Nakayuko niyang saad. Napatiim bagang ako at kaagad lumabas ng opisina! Pinaharurot ko ang kotse at tinahak ang sementeryo kung saan nakahimlay si Mama. Para akong batang inagawan ng candy at umiiyak na nagsusumbong sa puntod ni Mama. Sa tuwing masama ang loob ko, dito ako nagpupunta para magpalipas ng galit. I feel relief and comfort everytime that i'm here. With her. Mag-gagabi nang nakaka-uwi na ako sa bahay. Naabutan ko sila Papa at ang mga asungot sa sala na nagkakasiyan. Natigilan ang mga ito at napatayo si Papa pagkakita sa'kin na inirapan ko lang at umakyat nasa kwarto. Muli akong napaluha pagkahiga ko. Magmula nang dumating ang mag- iinang 'yun dito ako na ang na out of place sa sarili kong pamamahay. Paggising ko kinabukasan napakatahimik ng buong bahay. Nagtungo ako ng kusina at nabungaran si Yaya dito. Ngumiti ito at kaagad naghain ng agahan. Where's Papa Yaya? Aniko habang kumakain. Nagtataka naman itong tumingin sa akin. Nasa Boracay na sila iha, hindi ba't ayaw mo namang sumama sa family vacation niyo? Napa kunotnoo ako. Boracay? Kailan pa nila ako sinabihang may bakasyon kami?. Napamaang ito at namutla sa isinagot ko. Ho? Eh 'yun ang sinabi ni Margarete sa Papa mo kaninang madaling araw. Pinuntahan ka daw at pinilit sumama pero mahigpit kang tumanggi kaya't umalis na lang sila. Lalong uminit ang ulo ko. Paniguradong inuto na naman nila si Papa at dito gagastahin ang bayad sa restaurant namin! Napakuyom ako ng kamao at pabalang tumayo. Pabalik balik ako dito sa gilid ng pool habang hinihintay sagutin ni Papa ang cellphone nito pero ring lang nang ring. G*ddamnit! Napasigaw na ako sa sobrang galit. Lumabas ako at nagtungo sa lupain namin para kamustahin ang mga magsasaka dahil wala naman na akong trabaho. Para na rin makalanghap ng sariwang hangin at maibsan ang init ng ulo ko. Ngunit ganu'n na lamang ang pagka gulat ko nang mabungarang halos wala ng pananim sa buong lupain namin! mMging ang mga alagang baka at kabayo ay wala na sa rancho! Tumuloy ako sa farmhouse namin at inabutan ang ibang trabahador na nagliligpit nang mga gamit. Kaagad silang bumati sa akin ng makita ako. What's happening here? Bakit kayo nagliligpit? Nakaramdam ako ng kaba at parang sumisikip na ang paghinga ko wala pa man din silang sinasabi. Ah Ma'am hindi niyo po ba alam? Binenta na ni boss ang buong farm iba na ang may ari kaya nagliligpit na kami ng mga gamit. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. Nanghihina akong napasandal sa pinto at napadausdos sa sahig. ' Di ko namalayang lumuluha na pala ako. Kaagad akong dinaluhan ng mga ito at pinainom ng tubig. Naglakad akong pabalik ng kotse na lutang at wala sa sarili. Napahagulhol akong nagmamaneho habang pinagmamasdan ang aming farm. Bakit nagawa ito ni Papa? Bakit? Muli kong dinial ang number nito pero out of coverage na ito! Napahampas ako sa manibela sa halp halong nararamdaman ko. Galit na galit ako at gusto kong masakal ang mag-iinang 'yon! H'wag ko lang malalamang niloko nila ang Papa ko, cause i swear hindi ko sila sasantuhin. Pagbalik kong bahay nasa bukana pa lang ako ng may makitang magarang kotse sa harap. Kaagad akong nagpark at patakbong pumasok sa loob. Naabutan ko si Yaya na nakikipag talo sa isang may katandaang lalake na naka formal attire. Anong meron dito? Sabay napalingon si Yaya at ang lalake sa akin. Umiiyak si Yaya at agad akong niyakap. Iha ang bahay niyo binenta na daw ng Papa mo! Binibigyan na lang tayo ng isang linggo para hakutin ang mga gamit at lisanin ang bahay. Humahagulhol na sumbong ni Yaya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanghihinang napaupo sa sahig. I'm sorry Ma'am sumusunod lang ako sa utos, nabili na po nang amo ko ang bahay niyo kaya kailangan niyo nang lisanin ito dahil magpapa renovate pa kami. Magalang nitong saad. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko na alam ang gagawin! Para na akong mababaliw sa lahat ng nalaman ko ngayong araw! Iniwan ako ni Papa at walang itinira sa akin kahit itong bahay manlang sana. Napahagulhol ako at mahigpit na yumakap kay Yaya na umiiyak din habang inaalo ako. Nakatulala ako habang hinahaplos ako ni Yaya sa buhok. Kanina pa nakaalis si attorney pero lutang pa rin ako. Sabi mo binenta ni Sir ang restaurant, kung gano'n sa farmhouse ka na lang tumuloy iha. Ani Yaya. Umiling ako at muling naluha. Binenta na rin niya ang buong farm Yaya, iniwan niya ako at kinuha lahat. Anong gagawin ko Yaya? Hindi ko p'wedeng lisanin ang bahay. Si Mama ang pumundar nito at nakapangalan ito sa akin. Paano nagawa ni Papa ang lahat ng ito? Napahagulhol na naman ako. Sobrang bigat nang loob ko at hindi makahinga! Parang sasabog ang utak ko sa dami ng problemang iniisip! Muli kong tinawagan si Papa pero out of coverage pa rin ito! Nagsusumigaw na ako sa sobrang frustrated at pinagbabasag ang mga nadadampot kong gamit sa sobrang galit! Nanghihina akong napasalampak sa sahig. Kaagad din akong dinaluhan ni Yaya at niyakap ng mahigpit. Anong gagawin ko? Paano na ako saan ako tutuloy? Mama kunin mo na lang ako. Piping usal ko bago nagdilim ang paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD