CHAPTER 03

1371 Words
MARYCOLE Madilim pa nang siya ay sunduin ng pinsan sa kanilang bahay. Nang nasa biyahe na sila dinalaw nang antok si Marycole kaya naman naisipan niyang umidlip habang nasa biyahe sila. "Kuya, gisingin mo na lang ako pag andoon na tayo," wika niya sa pinsan at umayos ng puwesto sa pag-upo. "Kawawa naman ako nito, ang akala ko may kausap ako sa buong biyahe," sagot ng pinsan niya na si Kuya Wyatt at kunwari pang nalukot ang mukha nito. "Sorry na agad Kuya kong pogi at macho, hindi ko lang kayang labanan ang antok ko," naghihikab pa na sagot ni Marycole sa pinsan. May sinasabi pa ito subalit pumikit na siya at hindi na niya pinagkaabalahang pakinggan ang huling sinabi nito. "Pambihira kaya sinama para may madaldal sa daan." ani nito na bubulong-bulong. Kulang ng tatlong oras ang biyahe mula Antipolo papuntang Laguna kaya mahaba ang naging tulog niya. "Princess, gising na andito na tayo." Mahinang tapik nito sa balikat niya. Inaantok na umayos siya ng upo. Hindi na niya inantay na pagbukas siya nito ng pinto kaagad siyang bumaba at iniwan sa pinsan ang bagahe at mabilis na lumapit sa gate ng resort. Nakangiting katiwala ang sumalubong sa kanila. "Magandang umaga Senyorito, at Senyorita Cole," nakangiti nitong sabi. "Magandang umaga din Manang Lourdes kumusta po kayo? Pakiwari ko lalo po kayong bumabata," sagot niya at niyakap pa ang ginang. "Naku ang batang ito, sadyang napakalambing at lalo pang gumanda," nakangiting sagot nito sa kaniya. "Hindi nga lang marunong magsuklay," pakikisakay ng pinsan sa biro ng katiwala sa resort ng pamilya. "Hindi naman halata Senyorito, baka pag mayroon ng crush maghahanap na 'yan si Cole ng suklay," nakatawang sagot nito. Inirapan niya ang pinsan dahil sa inis. "Ang bully mo sa 'kin Kuya, hindi na kita sasamahan kahit kailan!" kunwari niyang galit dito. "Aba't nanakot pa, hindi mo ako matitiis ako 'ata ang nag-iisang mong pinsan na mabait at gwapo," natatawa nitong sabi sa kaniya. "Tsk! Siguro pagtulog p'weding mabait, kapag gising, uhm...never mind," ganti niyang sa pang-aalaska nito sa kaniya at sabay na malakas na tumawa. Ginulo nito ang buhok niya na kinapadyak ng kaniyang paa. "Kuya naman!" sabi niya at sinamaan ito nang tingin. "Pasok na tayo sa loob, mamaya may umiyak dito," wika ng pinsan niyang mapang-asar at natatawang lumakad nang mabilis papasok sa loob ng resthouse. Naiwan siyang asar talo. Hindi siya tumuloy sa loob napagpasyahang ni Marycole na pumunta sa likod bahay. Gusto niya laging nagtatambay doon, bukod sa oval shape na swimming pool na mayroon bubble ay tahimik din ang lugar, malayo sa mismong public pool sa gustong mag-outing. Hindi pinapayagan ang outsider sa villa. Tanging pamilya lang ang p'weding maligo. Sadyang naka reserve para mapanatili ang kalinisan. Nang marating ni Marycole ang lugar nakangiti siya habang pinagmamasdan ito. Umupo siya sa gilid ng pool na nakalaylay ang dalawang paa habang pakanta- kanta pa siya habang ginagalaw ang nakaloblob na paa. Nakapikit siya at humuhuni ng kanta sa paborito niyang singer na si Ariana Grande. Hindi niya mapigilan ang tumayo sa gilid at sintunado na kumakanta gamit ang kamay na animo microphone. Nang biglang may umahon sa katapat niya. "Ayy...!" malakas niyang sigaw at dumausdos ang dalawa niyang paa patungo sa swimming pool. Umuusok ang kanyang bunbunan sa taong gumambala sa imagination niya. "Hey you, how dare you! At parang kabote na bigla nalang susulpot at nasalo ang lahat ng kabastusan!" sabi niyang nakabusangot ang mukha. Kunot noo at matiim itong tumitig sa kanya. "Sino kaya sa atin ang bastos ha?! Nauna ako rito at gustong mapagisa eh, ano ang ginawa mo? Nag-iingay na parang wang-wang ang boses!" ganti nitong sagot sa kaniya. "Hoy...! Mamang mayabang! Dapat tinakpan mo 'yang tainga mo kung ayaw mo sa magandang kanta ko, ang feeling naman nito hmp!" nakairap niyang sagot sa guwapo lalaki. 'Paano ko nasabi na guwapo? Hindi pangit pala,' ani ng isip ni Marycole. "Iba na pala ngayon ang description ngayon ng magandang boses," bulong nito. Matalim niyang tiningnan dahil sa narinig na sinabi nito. "Dahil kasalanan mo at nabasa ang mamahaling rubber shoes ko, dapat bayaran mo!" mariin niyang sabi sa kaharap na lalaki. Humalakhak ito sa mga sinabi niya. "Ano naman kaya ang nakakatawa, baliw lang, seryoso naman ang pagkakasabi ko,'' Tumigil ito sa pagtawa at matiim na tiningnan. Nagtagal sa mukha at pagkatapos napako sa kaniyang dibdib. 'Bakit bigla itong naputulan ng dila, ano naman mayroon ang katamtaman niyang dibdib?' Nakita niyang napalunok ito ng napako ang tingin sa kaniya dibdib, kaya tiningnan niya ang suot para at nang makita halos gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan, nakalimutan niyang mababa ang neckline ng kanyang blouse. 'Sh-t gusto na lamang ni Marycole na kainin siya ngayon ng tubig dahil nakita na ng kaharap na lalaki ang pinakakaingatan niyang dibdib,' Dahil off shoulder ang yari ng dress niya atwala siyang suot na bra dahil may kasama na itong foam at hindi mahahalata ang katamtaman niyang dibdib. "Ang bastos mo!" wika niyang masama ang tingin sa lalaki. "Tsk! Ano naman ang bastos doon? Kasalanan ko na wala kang bra?" nakataas ang kilay na wika nito sa kaniya. "Wala din naman makikita, sanay ako na makakita niyan nahawakan pa nga!" seryoso na muli nitong sabi sa kaniya. Dahil sa inabot na sobrang kahihiyan nagmamadaling umahon si Marycole sa pool at nadulas pa sa paghakbang kung hindi siya nahawakan nito sa baywang ay panigurado subsob siya sa semento. "S-salamat po," Nauutal niyang sagot at napahawak sa dibdib nito. Mabilis siyang lumayo dahil bigla siyang napaso sa simpleng dikit ng kanilang balat. Ngunit hindi pinansin ng nakayakap na binata patuloy lang nakatitig ito sa kaniyang mukha. "P-pwede mo nang bitawan ang baywang ko." Nauutal niyang sabi sa kaharap na lalaki. Tinitigan muna siya nito bago tuluyang bitawan. Mabilis ang kanyang lakad papasok sa loob ng resthouse. Dahil alam niya na doon dadalhin ang gamit sa lagi niyang kwarto pagka nag-o-overnight sila rito at 'yon kaagad ang pinupuntahan ni Marycole. Napahawak siya sa kanyang mukha. 'Ang bilis ko naman lumandi, sandaling hawak lang ay napaso na agad sa binata? Pero aminin, ang hot niya hindi kalang nagpahalata.' ani ng isipan niya. 'Erase, erase, matanda na 'yon gurl! Dapat mga kasing age mo lang, so pag ka-age ko pwede?" tukso pa ng isip niya. Nagbanlaw agad siya pagkapasok ng kwarto. Binilisan lamang niya at konting suklay sa buhok ay pwede na. Tama lang ng pagkatapos niya nang kumatok si Manang Lourdes. "Senyorita, baba kana raw at kakain na," nakangiti bungad nito pagbukas niya ng pinto. "Susunod na po Manag Lourdes," "Halika ka na Hija, sabay na tayo," Ingay ng mga lalaki ang naulingan niya habang papalapit sa komedor. Marahan ang lakad ni Marycole na palapit sa lamesa. Sabay-sabay nagsilingon ang mga nakaupong nag gu-guwapuhan na mga lalaki sa kanila ni Manang Lourdes. "Salamat naman at natapos din," biro ng pinsan niya nang makita sila na papalit sa lamesa. Nanlaki ang mata ni Marycole nang makalapit siya sa mga ito. 'Ang lalaki sa swimming pool? Barkada ng pinsan ko? Sh-t bakit hindi ko naisip kanina?' Pinakilala siya ng pinsan sa lahat. Nang tumapat sa lalaki kanina halos hindi makatingin si Marycole. "Rowan, Princess," pakilala ng pinsan niya rito. Ayaw sana niyang titigan sa mukha ngunit nanadya itong nakatitig sa kanya at pilit hinuhuli ang tingin niya rito. Palihim n'yang Inirapan ito dahil sa awkward na nararamdaman. "Dude bakit ngayon lang namin nalaman na may pinsan kang maganda," wika ng isang katabi ni Kuya Wyatt. 'Wag n'yong isama sa kalokohan sa babae itong pinsan ko ha!" ani ng pinsan niya sa isang makulit na katabi. Theo pala ang pangalan nito sabi ng pinsan niya. "Uhm, Kuya mag tinapay lang ako malayo pa ang tanghalian," wika niya sa pinsan, ngunit tinaasan siya ng kilay ng nagngangalang Rowan na kinairap sa pagiging usyosero nito. Lihim itong napangisi dahil sa naging asal niya. Napanguso siya na lumakad paupo sa bakanteng upuan na katabi nito. Nanadya ba talaga ang panahon at dito pa talaga ang bakante. Nang lumapit ang pang-upo niya sa tabi ng upuan nito ay patay malisya si Marycole na hindi niya kilala ito. Kahit ang pagkain ay binilisan niya ang kilos at hindi siya komportable sa katabing binata. Pakiramdam ni Marycole pinanunuod siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD