CHAPTER ONE
MARYCOLE
Tunog ng telephone ang nagpagising kay Marycole sa kasarapan ng kan'yang tulog. Naghihikab na sinagot niya ito sa right side ng kaniyang higaan habang nanatiling nakahiga.
"H-hello..," wika niya na halatang inaantok pa.
"Anak ang Papa mo sinugod namin sa ospital kaninang hatinggabi dahil sa biglaan paninikip ng kaniyang dibdib, medyo stable naman ang pakiramdam niya ngayon ayon sa doctor," mahabang litanya ng Mama niya sa kabilang linya.
Tiningnan niya ang orasan sa dingding pasado alas-siyete ng umaga. At kung hindi siya nagkakamali alas-kwarto na ng hapon ngayon sa Pilipinas.
"Mabuti naman Ma, at ayos na ang kalagayan ni Papa,"
"Pero anak, pinauuwi ka ng iyong ama sa lalong madaling panahon. Madalas ka niyang tanungin kung nakontak na raw ba kita," ani agad ng Mama ni Marycole sa kaniya.
"Ma..! Alam mo naman na hindi ganoon kadaling maiwan ang mga commitment dito. Three months pa ang expired ng kontrata ko," sagot pa ni Marycole sa kanyang, Mama. Ngunit narinig niyang tila bumuntong-hininga ito kaya slight siyang na konsensya.
"Kahit na saglit lang? Kailangn ka ng Daddy mo ngayon anak, kailan ka uuwi? Pag wala na ang 'yong Ama?!" patuloy na sermon ng Ina sa kaniya.
"Hindi naman sa ganoon Mom, hindi ko naman basta pwedeng baliin ang kontrata ng gan'on lang kabilis, ako naman ang hahabulin ng modeling agency," katwiran pa niya sa Ina na nanenermon sa kabilang linya.
Isa siyang sikat na ramp model at naka base sa London. Bihira ang nabibigyan ng ganitong opportunity para makilala sa modeling world at isa si Marycole ang mapalad sa nasabing career.
Nakapanghihinayang kung basta na lamang niya ito bibitawan. Hindi rin biro ang pinagdaanan niya para maabot kung ano ang narating niya ngayon.
Dito na siya nanirahan sa loob ng five years, walang sinuman ang hindi nakakakilala sa kanya bilang isang top model sa buong bansa.
"Okay Ma, i will try, sasabihin ko kaagad sa manager ko ang tungkol dito," pagsuko ni Marycole sa kanyang Mama.
Sana mabigyan siya nang early vacation. Plan niya rin naman na mag bakasyon ng ilang araw pagkatapos kaniyang kontrata.
Pakikiusapan na lang niya ang manager na e, move ng maaga ang binabalak niyang bakasyon.
"Aasahan namin iyan anak ha!" inikot niya mata dahil mukhang umaasa na ang Ina sa kaniyang pag-uwi.
'Good luck self kung papanigan ka ni Manager,' Napabuntung-hininga bulong ni Marycole.
Halatang excited naman ito at binabaan agad siya ng phone ng masigurado na uuwi talaga siya. Ayaw pa sana niyang umuwi ng Pilipinas dahil sa isang tao na labis siyang sinaktan.
'Ikaw lang kasi ang umasa kaya move-on na,' kontra agad ng kaniyang isip.
Napakurap si Marycole ng bumalik sa ala-ala noong lihim siyang nagmamahal sa binata.
Labing walong taon siya noon nang umpisa siyang ma- inlove sa binata at ang akala niya ay possible din na magkagusto ito sa kaniya ay hindi nangyare.
Abala ang lahat ng tao sa mansyon ng mga Barraca dahil sa pag diriwang ng labing walong kaarawan ng nag-iisang anak at tagapagmana ng Barraca textile company na matatagpuan sa Antipolo Rizal.
Excited ang lahat lalo na ang birthday celebrant na bakas sa mukha ang labis na saya.
Napaganda nito at lalo pang tumingkad ng maayusan ng hired na stylist para sa debut nito.
Namangha siya sa kanyang nakita sa harap ng salamin. Feeling niya siya ang pinakamaganda sa lahat dahil sa ayos niya 'yon. Morena ang kulay ng kanyang makinis na balat at sa edad na Disiotso may taas na siyang five six. Biniyayaan din siya ng balingkinitan na katawan na kinaiingitan ng mga kaedaran niyang dalaga.
Karamihan ay nagsasabi payat daw siya ang iba naman ay ayos lang. Ito naman ang katawan na papasa pang modelo.
Hindi na siya makapag-antay na makasayaw ang binata. Siguro mas makisig ang hitsura nito ngayon. Gwapo at matcho na ito, pero ngayon mas lalo na siguro dahil ngayon lang niya makikita na naka suot ito ng tuxedo.
Madalas na simpleng t-shirt at maong pants lang ang madalas na suot ng binata. Halos naman ganoon ang suot kasama ng mga kaibigan nito ngunit walang tulak kabigin sa panlabas na anyo. 'Wag ng idagdag ang kanilang kasikatan sa pagpapatakbo ng mga sariling negosyo.
Nilapitan siya ng nakangiti Ina na kakarating lang. Hinaplos nang marahan ang mukha niya.
"Dalaga ka na talaga, anak ko. Panigurado pipilahan ka ng mga manliligaw," Nakangiti nitong sabi habang nakahaplos sa buhok niya.
"Ma...!"
"Oo na nag-Iisang lalaki lang ang crush mo at gusto mo maging boyfriend at balang araw ay maging asawa. Kabisado ko na 'yan anak sa araw-araw mo na k'wento sa 'kin," kaya naman pareho silang nagtawanan na mag Nanay.
Yumakap siya sa kanyang Mama. Napakabait nito, maituturing niya na best friend kahit kaliit-liitan na detalye ay nasasabi niya sa Ina. Lahat ng lihim niya ay alam nito.
Mama niya ang gumawa ng paraan upang maging escort niya si Rowan sa kaniyang debut. Ang ultimate dream niya. Ang akala niya noon ay simpleng crush lang pero habang tumatagal ay mahal niya na ang binata. Kung iisipin ay masyado pa siyang bata, sa edad nitong twenty five pero sadyang assuming siya at patuloy na umaasa na balang araw mapapansin siya ng binata.
Nagumpisa ang paghanga niya sa binata nang isama siya ng pinsan niyang si Wyatt sa kaarawan ng isa sa kaibigan nito. Mula noon naging stalker na siya nito, kahit na magazine ay pinapatos niyang bilhin pagka ito ang cover at itatago sa kwarto. Halos lahat ng mga magazine basta kasama ang binata nakikipag-unahan ang dalagita sa kopya.
Kahit sa social media account hindi niya pinalampas sa pag-stalk sa nasabing binata. Masisi ba siya kung lahat ng katangian na hahanapin ng isang babae ay nasalo nito.
Nag-umpisa nang mag anunsyo ang emcee sa kaniyang party, in fithteen minutes ay pormal ng mag-uumpisa ang cottillion. Nagumpisang pagpawisan si Marycole dahil hindi pa dumadating ang binata.
Pinilit niyang ngumiti sa mga bisita at hindi pinahahalata na tensyonado siya sa oras na 'yon.
Alam niya darating ito, dahil pinuntahan niya ito noong isang lingo bago sumapit ang birthday party niya. Personal niyang inabutan ito ng invitation at nangako rin naman ang binata sa kan'ya na darating ito.
Okay in count of one to ten ay official nang u-umpisahan ang pagdiriwang.
Hindi alintana ni Marycole ang pagbilang ng host. Ang tanging nasa isip ay bakit wala pa ang binata rito. Gusto niya umiyak sa harap ng mga tao, pinilit niya lamang na pigilan ito. Kahit ngumiti siya sa masayang mga bisita ay hindi naman umabot sa malungkot niyang mata.
Aakalain ng mga bisita na masaya siya sa bonggang party na ito. Pero ang totoo sugatan ang kaniyang puso.
Hinatid siya ng magulang sa gitna ng pavilion at ang Papa niya ang unang kasayaw hanggang sa matapos ang pang labing-pitong niyang kasayaw ay lumapit ang pinsan niya.
"Happy birthday Princess,"
Hinalikan siya nito sa noo at inalalayan sa gitna ng bulwagan, pinsan niya ang naging last dance na dapat ang binatang si Rowan.
"Cheer up, Princess. Sayang ang mamahalin na make up kung malulusaw sa iyong luha."
"Kuya siguro ang pangit ko? Kasi hindi siya sa 'kin magkagusto," sumbong niya sa Pinsan.
Malapit silang magpinsan dahil pareho lang silang nag-iisang Anak, kaaya madalas noon sila ng Ina sa bahay niyo para mag laro silang dalawa.
Ang problema ayaw siya nito kalaro dahil Pitong taon ang tanda nito sa kanya at kung hindi siya nagkakamali magkakasing edad lang silang magkakaibigan.
"Kahit kaibigan ko 'yon sasapakin ko siya para sayo." Tumawa siya sa sinabi ng pinsan, alam niya naman na hindi nito gagawin 'yon. Mga mag-be-bestfriend ang mga iyo at hindi natitibag.
Kinabukasan nagpunta ang binata sa kanilang bahay, hindi niya ito hinarap masyado nitong nasakatan ang puso niya. Lalo na at nalaman niya, na kaya hindi ito nakarating dahil sa girlfriend nito na maarte.
Lumipas pa ang mga taon hindi na niya pinansin ang binata. Nagkaroon naman siya ng boyfriend pero mabilis lang ang relasyon. Break agad ang kinahahantungan nila. Siguro a-aminin niya hindi pa siya totally nag move-on sa lihim na damdamin para sa binata.
Nagtapos siya ng collage na pinutol ang komunikasyon dito. Nang may nag offer na modeling, tinanggap niya ito para makalimot na din sa sugatan niyang puso. Kahit na malayo sa pamilya niya ay kinaya niya ito.
Pero Isa lang ang hindi siya sigurado, kahit lumipas ang mga taon ang binata pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso.