MARYCOLE
Pakiramdam ni Marycole ay nakasunod ang tingin ng binata na si Rowan sa likuran niya nang lumakad siya paalis sa komedor
Muntik pa siyang matapilok sa pagmamadali nang lakad dahil sa pagkailang.
'Easy ka lang kasi Cole, parang tingin lang as if naman sure ka na nakatingin sa likuran mo,' kastigo pa ni Marycole sa sariling kahibangan.
Nakahinga siya nang maluwag ng marating niya ang kwarto na hindi lumingon sa binata. Pabagsak na humiga siya sa kama pagkarating sa kwarto.
'Bakit naman kaya ganito ang pakiramdam ko?' mahina niyang tanong sa kanyang sarili.
'Crush mo noh?' naisip niyang sagot.
'Tanda na kaya noon hello,'
'Matanda ka d'yan pero kinakabahan pag katabi, urgh!' nayayamot niyang bulong habang nakahiga sa kama.
Nagkulong na lamang siya sa loob ng kwarto, tiyak na inuman at kwentuhan lang ang gagawin ng mga kasama ng pinsan niya.
Ganito ang mga ito pagmayroon birthday ang Isa sa barkada, ito ang favorite na tambayan ng kung sino ang may kaarawan.
Dahil hindi siya dalawin ng antok naisip ni Marycole na mag-open ng social media account niya. Tambak ang notification, isa-isa niyang tiningnan na karamihan mga kupal niyang friends ang laman.
Naisipan niyang e-stalk si Rowan Martinez, pinuntahan niya ang profile nito napaka gwapo pala talaga nito sa suot na business suit. Tiningnan niya ang personal info. Hotel magnate ang nakalagay. Hmp, mukhang marami itong pinatatakbong hotel sa buong bansa.
Nag-scroll pa si Marycole pababa, napataas ang kilay niya ng mayroon siyang makita sa mga post na kaakbay ng binata ang babaeng sexy at malaki ang dibdib.
Masaya at inlove sa isa't isa at nakangiti sa camera ang mga larawan. Hindi niya maiwasan ang malungkot kahit wala naman silang kauganayan ng binata.
'Mapapala ng mahilig mag stalk,' kantiyaw ng kaniyang isip.
Labas na nga lang ako baka may mapaglibangan sa labas. Sa kusina siya tumuloy, alam niyang sa labas ang tambayan ng mga ito at ayaw niyang Makita ang iniiwasan na binata. Nakita niyang abala si Manang Lourdes sa paghahanda ng dadalhin sa labas pagpasok niya sa kusina.
Nakangiting nilapitan niya ito.
"Manang tulungan ko na po kayo," wika niya rito.
Lumingon naman agad ang matanda sa kanya at ngumiti.
"Naku, kaya ko na ito Hija! nagugutom kaba?" tanong nito sa kanya att sandaling iniwan ang ginagawa.
"Hindi ho Manang, naiinip lang po sa taas,"
"Tinapay lamang ang iyong kinain, hala umupo ka d'yan at ipaghahain kita. Ang payat gusto pang mag-diet," ani nito sa kaniya.
"Hindi naman po, mamayang tanghalian na lang po, t-tulungan ko na lang kayo mag-ayos diyan,"
Kahit anak mayaman at nag-iisang tagapagmana marunong naman si Marycole sa mga gawaing bahay. Natuto siya sa kanyang yaya, maganda raw sa babae kahit papaano may-alam na trabaho.
"Siya dahil makulit ka, tulungan mo ako rito maglabas ng pagkain ng mga binata,"
Gustong tumanggi ni Marycole dangan nga lang nakahiyaan niyang sabihin sa Manang Lourdes Niya at siya itong namilit na tulungan sa gawain.
"S-sige ho Manang Lourdes," ani niya rito at lihim na nagdarasal na sana wala roon ang binata kahit napaka imposible.
Magkasabay silang naglakad palabas ng kusina ni Manang Lourdes. Tigisang bitbit ng tray na puno na laman ng iba't ibang pagkain.
Nagtatawanan ang mga lalaki pagkalabas nila sa pinto. "Andy'an na pala ang pagkain, at maykasama pang magandang binibini," sigaw ni Theo.
Sinalubong agad sila ng kaniyang pinsan. Ngunit ang binatang si Rowan ang lumapit sa kaniya at walang babala na hinawakan ang tray na dala niya. Hindi sinasadyang dumantay ang kamay nito sa kamay niya kaya pakiramdam ni Marycole uminit ang mukha sa ng binata.
"S-sorry," magkasabay nilang sambit pagkatapos ay pinaubaya niya rito ang hawak at nag-iwas siya nang tingin sa binata.
Narinig niya ang mahina nitong tawa.
"Natatakot kaba sa 'kin?" pabulong niyo na tanong sa kaniya.
"H-hindi po, nagulat lang ako," depensa niyang sagot dito.
Narinig ni Marycole na tila hindi nito nagustuhan ang isinagot niya.
"Tss, palusot," ani nito at seryoso siyang tinitigan nito.
"Totoo naman po," laban pa niya sa binata.
Natigil ang akmang sasabihin niyo sa kaniya nang tawagin ito ng isa sa barkada.
"Dude bata pa 'yan," sigaw ni Theo.
"Gago, may tinanong lang ako tsismoso ka talaga," sagot nito ngunit sa kanya nakatitig.
Tumingin si Marycole sa hindi kalayuan na cottage. Naroon pala ang mga kasama ng pinsan niya. Bakit 'ata kanina wala naman siyang alam na mayroon babaeng mga kasama ang mga ito.
Pinsan niya ang walang partner dahil ito lamang ang walang katabi. Lihim siyang napangiwi nang makita na may babae sa tabing upuan ni Rowan.
'Playboy pa 'ata,'
Alam ni Marycole lahat ay graduate na ng college ang mga binata. Hula niya ay hindi lalampasan sa dalawampu't tatlo ang mga edad ng mga binata.
May-sasabihin ang binatang si Rowan nang tawagin ito ng babaeng mag-isang nakaupo sa may pwesto na iniwan ng binata.
"Honey ang tagal mo naman, kukunin mo lang ang dala niya at bakit napako kana diyan?" sabi ng babaeng makapal ang nguso at masama ang tingin sa kan'ya.
Dahil sa narinig tila itinulos siya sa kinatatayuan si Marycole at nagising sa isang pagkakaidlip.
"G-girlfriend mo?" utal na tanong niya.
Tumagal ang tingin nito sa mukha niya bago sagutin ang tanong niya.
"Yes, pero-" hindi niya inantay na tapusin ang sagot ng binata, dali-dali nagpaalam nagpaalam dito.
"S-sige K-kuya," at mabilis siyang pumasok sa loob ng resthouse.
Napasinghap siya ng ilang sandali. Bakit pakiramdam niya niya ay daig pa niya ang tinusok ng karayom ng oras na iyon.
'Tsk! e, Ikaw lang naman ang assuming kakikilala mo lang crush mo agad,' kastigo niya sa sariling kahibangan.
Nang makahinga ng maluwag muling bumalik si Marycole sa kusina, pakiramdam niya kailngan niya ng inumin dahil sa sandaling paninikip ng dibdib.
"Manang Lourdes, ano po iyang lulutuin niyo?" tanong niya pagkalapit dito. Mabuti at maymakakusap siya dahil gusto niyang mawaglit ang kahibangan sa sarili.
"Ikaw pala hija, wala inutusan lamang ako ni Wyatt na mag- marinate ng manok at baboy pang ihaw nila,"
"Bakit 'ata bumalik ka rito? Akala ko magpapaiwan ka roon?" wika nito at sinulyapan siya saglit.
"May kanya-kaniyang partner ang andoon ayaw ko naman po maging audience nila," matipid na sagot niya kay Manang Lourdes.
Nakita niyang mahina tumawa si Manag Lourdes dahil sa alibi niya.
"Naku ang mga 'yon hindi mga seryoso, ganoon naman sila iba't-ibang babae ang dala pagnagpupunta ang mga 'yon dito," ani ni Manang Lourdes sa kaniya.
"Mga babaero pala ang mga 'yon," mahinang niyang sambit.
Biglang tinigil ni Manang ang ginagawa at nakangiting humarap sa kan'ya.
"May gusto ka sa isa sa kanila?" tukso nito na siyang dahilan na pamulahan siya ng mukha dahil natumbok nito ang umuusbong niyang damdamin sa binata.
"N-naku hindi po, i mean wala po. Mga kuya lang ang tingin ko sa kanila," tarantang sagot niya rito
Tumango naman ito ngunit sa tingin niya ay hindi satisfied sa sagot niya. Pinalubo niya ang magkabilang pisngi at lihim na napangiwi.
'Masyado ba akong obvious kaya ka nahalata ni Manang?' mahina niyang bulong.
"Mga magandang lalaki naman talaga ang mga binatang 'yon Hija, kaya hindi nakapagtataka na may matipuhan ka. Pero 'wag mo masyado seryosohin at bata ka pa. Kung papanigan ng panahon malay mo Isa sa kanila ang nakalaan sa'yo," masaya nitong sabi.
Nang mainip siya sa kusina nagpaalam siya na aakyat ulit ng kwarto at doon na lang magtambay, pero ang totoo naisipan niyang mag-swimming sa likod nang mag-isa. Hindi naman siguro magagawi ang mga kasama ng pinsan niya rito kaya solo niya ang lugar.
Pinili niyang isuot ang dala niyang kulay maroon na two-piece at pinatungan ng puting robe, hindi pa ganoon kalaki ang dibdib niya, pero may ilalaban naman kahit papaano.
Nagpakasawa si Marycole magpabalik-balik sa paglangoy, pakiramdam niya nasa bathtub lang siya dahil puno ito ng bubble sa buong swimming pool. Hindi niya namalayan ang oras dahil napasarap ang kanyang paglangoy.
"Alas-dose na ng hapon baka gusto mo nang umahon dya'n?" napalingon siya para tingnan kung sino ang nagsalita.
"s**t! si Rowan pala ito, taranta niyang sambit at nanlaki ang dalawang mata,"
Dahil nakalutang siya, tiyak na roon nakatunghay ang mata ng binata sa hantad niyang katawan. Dahil sa hiya mabilis niyang nilubog ang katawan at hindi makatingin sa kaharap na binata.
"B-bakit ka n-nandito?" tanong niyang nauutal.
"Hinahanap ka ng pinsan mo wala ka raw sa kwarto. May kinuha kasi ako sa kusina kaya ako na lang ang nagsabi na tingnan ka kung andito ka alam kong favorite place mo itong tambayan,"
Inirapan niya ito ng palihim.
"Ang akala pa naman niya ito ang naghahanap pinsan niya lang pala," dismayadong bulong ni Marycole.
"Susunod na ako," walang buhay niyang sagot. Tumigil muna ito at tila nagdadalawang isip na mayroon sasabihin.
"Antayin na kita," Inabot nito ang kamay sa kaniya. Alanganin ang isip ni Marycole kung tatanggapin ang nakalahad nitong kamay.
Dahil gusto rin ng isip niya ay wala sa sarili na nagpahila siya sa binata. Nang makaalis sa tubig ay hindi siya makatingin dito lalo na ng makita niyang tumiim ang tingin sa kaniya.
"Wala kanang ibang damit maliban d'yan?" panguso nito sa suot niya at tila problemado. Nagtaka siya at bumaling ng tingin dito.
'Ano problema nito, wala naman siyang nakikita na masama sa suot niya?'
Kahit sa pagkuha nito sa robe niya sa upuan tila ito nahihirapan.
'Hindi lang ito pakialamero masungit pa hmp,'