MARYCOLE
Kasama ng kanyang apat na barkadang lalaki, ay masayang naglalakad palabas si Marycole sa eskwelahang pinapasukan.
"Cole, antayin namin na dumating ang sundo mo bago kami umuwi," wika ng kaniyang mga kaibigan.
Madalas pagkamalan na manliligaw niya ang mga ito. Lalo na si Jethro na siyang maloko sa kanilang lima, at bukod tanging tumatawag sa kanya ng babe, na siyang madalas taasan ng kilay ng mga babaeng may crush dito.
Hindi niya naman kagustuhan ang maging malapit sa mga ito sadya lamang na mas komportable siya na lalaki ang kaibigan niya, ayaw din niya sa mga babae at lahat maarte walang ginawa ang palaging magpa-cute sa mga boys.
"Ako na ang bahala dito sa babe ko mga tol, mauna na kayo," wika ni Jethro sabay akbay kay Marycole.
"Tsk! Para-paraan tayo noh," wika niya sa kaibigan, sabay siko sa tagiliran.
"Ouch! Naman babe- hindi pa ako naguumpisa sa panliligaw sa'yo under mo agad," wika nito sa kanya.
Tinawanan lamang niya ang kalokohan, at inalis ang brasong nakaakbay sa kanya.
Hindi naman nagtagal ay dumating ang sundo niya. Ngunit hindi ang driver, ang pinsan niya pala gamit ang sasakyan na siyang minamaneho ng kanilang driver.
"Ayan na pala sundo ko mga tol," wika ni Marycole sa kanyang mga kaibigan. 'Yon ang nakasanayan niyang tawag sa mga asungot niyang barkada.
Bumaba ang pinsan niyang si Wyatt mula sa sasakyan at nakipagbiruan sa mga kaibigan niya.
"Mabuti naman at pinagtitiyagaan ninyo itong samahan. Ang totoo, hindi kayo manliligaw ng pinsan ko?" Tanong nito sa mga lalaki.
"Naku Kuya, 'yan ang hindi namin gagawin, hindi namin 'yan katalo si Cole, bunso namin sa grupo at kopyahan ng assignment," Nakatawang wika ng mga ito.
"Kuya, alis na tayo nagugutom na ako." Sabi niya sa pinsan. baka abutin ang kwentuhan ng gabi mga tsismoso pa naman ang mga ito.
Nagpaalam siya sa mga kaibigan at naunang sumakay sa nakaparadang sasakyan. Hindi naman nagtagal ay lumapit ang pinsan niya at nakangiting pumasok sa loob ng driver seat.
"Sigurado ka Princess hindi mga manliligaw ang mga 'yon." Tanong ulit ng pinsan niya.
"Ulit-ulit ka Kuya, wala pa sa mga 'yon ang matitipuhan kong lalaki." Nakanguso niyang sagot sa pinsan.
Mahina naman na tumawa at ginulo ang buhok niya. "Kuya...!" naasar na wika niya sa pinsan. Ayaw niyang ginugulo ang buhok, hindi pa naman uso ang suklay sa kanya.
"Aba, at ayaw nang guguluhin ang buhok! siguro may nagugustuhan na ang paborito kong pinsan." Biro nito, ngunit inikutan niya lang ng mata ang sinabi nito.
"Paborito talaga Kuya? Parang hindi ko alam na ako lang ang pinsan mo." Sabay silang nagtawanan.
"Bakit nga pala ikaw ang nagsundo sa'kin?" tanong niya sa pinsan.
"Aayain kita bukas sa birthday ng Isa kong kaibigan, sa bahay niyo ako galing kanina, wala naman si Tita, kaya ako nalang ang nagpresenta sa driver na magsundo sa'yo."
"Ako na lamang ang mag-paalam kay Mama, Kuya. Anong oras ba?" tanong niya sa pinsan.
"Maaga tayo Princess, ayaw kong abutan ng traffic. Hindi naman tayo malayo at Laguna lang 'yon," wika ng pinsan niya.
"Sa private resort n'yo Kuya?" Tanong niyang excited. Matagal na ulit ng huli siyang nakapunta. Gustong-gusto niya doon dahil kahit gabing-gabi ay nakakaligo siya dahil mayroon hot spring ang mga swimming pool ng resort.
"Sige Kuya, ako na ang bahala bukas! Sunduin mo ako ng ala-sais ng umaga."
Sabado bukas kaya naman pwede siyang mamasyal. Hindi lamang siya papayagan ng Mama niya pagmayroon pasok sa eskwelahan.
"Magdala ka nang extra na damit at doon tayo matutulog. Lingo ng umaga tayo uuwi." Sabi ng pinsan niya.
Sinabi ng pinsan niya na ilan lang ang bisita gusto lang nitong isipin ng mga babae na mayroon siyang dalang date lalo na daw sa mga naghahabol sa kanya.
Pagdating niya sa bahay ay hinanap niya kaagad ang kanyang ina. Hindi na tumuloy ang pinsan niya at may-importante na kakatagpuin.
Sa kwarto ng magulang siya dumeretso at hindi niya makita sa bab ang mga ito.
Dalawang katok niya sa pinto ay pinagbuksan siya ng kaniyang Ina.
"Mama, kanina pa po kayo dumating?" tanong niya sa ina. Inakbayan siya nito at naglakad silang dalawa palapit sa kama na magkaakbay na mag-ina.
"Magkasunod lang anak, nabanggit nga ni Nana Sally ang pinsan mo," wika ng Mama niya. Dahil nasa gilid na sila ng kama ay humiga muna siya bago sumagot sa ina.
"Opo, magpapaalam sana para bukas at isasama ako sa kanilang resort sa Laguna." Nakangiti niyang sagot sa Ina.
"Naku! 'yang pinsan mo, for sure may babae na pinagtataguan kaya hatak-hatak ka na naman kung saan-saan," wika ng mama niya.
"Please... Mommy, ang sexy mo po ngayon Ma," wika niya kaya pinanliitan siya nito ng mata.
"Kunwari ka pa talaga Hija, para payagan," nakataas ang kilay na sabi nito sa kan'ya.
Pinigilan niyang tumawa, alam kasi niya na hindi siya matitiis ng Mama niya kapag naglambing na siya rito.
Niyakap niya ito. "Papayag na 'yan," lambing pa niya sa Ina. Hindi naman nagtagal ay napapayag niya ang ito kaya mabilis siyang bumangon at lumabas ng kwarto.
Narinig pa niyang tinawag siya, na nauto raw niya ito ngunit ginantihan lang niya nang pasigaw na I love you Mommy.
Dahil maaga pa, hinanda na niya muna ang dadalhin at maya-maya ay maaga siyang maghahapunan nang makatulog siya ng maaga.
Pagkatapos niyang mag-ayos kinuha niya ang kaniyang phone at tiningnan ang social media account niya.
Napataas ang kilay ng makita ang latest post ng mga epal niyang mga kaibigan.
Nanlaki ang mata niya dahil nakapaskil ang list ranking ng third quarter sa school nila. Nasa pangalawa siyang rank. Shared post galing sa kanilang school.
Nakita niya si Jethro ang nag-post One hour ago. Siguro nasa school pa ang mga iyon ng ma-post. Maraming mga comment sa post ng kaibigan niya.
"Congrats, Cole deserve. Syempre babe ko 'yan sagot ni Jethro. Ang galing ng bunso namin," mga comment nila sa latest post. Ang iba hindi niya binasa.
Mga tsismoso talaga at hindi nauunahan ng latest na balita. Tinabi niya ulit ang phone at naisipan niyang magtungo ng kusina. Sa lunes na niya sasabihin sa tiyak na iiyak ulit ito sa labis na tuwa.
Pagdating niya sa kusina nakita niyang abala ang matagal na nilang kasambahay na si Nana Sally abala ito na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Masaya siyang naglakad at yumakap sa tagiliran nito.
"Nana,"
"Aysus, naman ang batang ito, wala ka naman siguro hihilingin at alam mo na wala akong pera." Sabi nitong nakatawa.
"Na-miss lang po kita,"
Dalawang araw itong umuwi sa kanila at namatay ang bayaw nito, kaninang umaga lang ito dumating. Late na siya sa school kanina kaya hindi niya pinagkaabalahang kausapin.
"Siya upo na roon," pagtataboy nito sa kaniya.
Bukod sa kanyang Ina ay malapit ito sa kaniya. Maliit pa lamang siya ito na ang nakagisnan niyang Yaya at kasama nila sa bahay.
Nang matapos siyang kumain ay nag-paalam agad siyang aakayat, binilin na lamang niya ito na sabihin sa Ina na tapos na siyang kumain.
"Parang excited ka 'ata ngayon, Hija?" tanong nito sa kaniya bago umalis sa harap nito.
"Hindi naman po Nana, matagal lang na hindi ako nakakapasyal sa Laguna, diba tayong lahat ang nagpunta noong nakaraang taon? At hindi na naulit." Depensive na sagot niya sa Nana Sally.
"Sabagay ang ganda nga naman doon, Hija, o siya, akyat na at ako na ang bahala rito,"
"Nana, nagmamadali?" kunwari pa niyang sagot dito.
"Sabi mo aakayat ka na!"
"Sabi ko nga Nana," at tumalikod na siya rito patungo sa kaniyang kwarto. Nakangiti pa si Marycole habang paakyat sa hagdan at iniisip na kaagad ang gagawin niya bukas kapag naroon na siya sa resort ng pinsan. Bago matulog saulado niya ang mga activities na gagawin.