CHAPTER 7

2461 Words
TILA isang malakas na bagyo ang dumating sa Valencia Furnitures sa bilis ng mga sumunod na pangyayari. Halos hindi mapaniwalaan ni Jena ang mga rebelasyong nangyari. Ang kaibigan nilang si Lettie ay kumpirmadong buntis. Ngunit ang mas nakakakagulat ay ang nalaman nilang may asawa na pala ito sa katauhan nang walang iba kung hindi ang presidente ng kumpanya nila na si Damon Valencia! Hindi sila makapaniwalang nagawa iyong ilihim sa kanila nang kaibigan. Ngunit nang marinig naman nila ang panig nito ay nagawa naman nilang intindihin ito. Naging malaking isyu iyon sa buong kumpanya at nagkaroon din nang hindi pagkakaunawaan si Lettie at ang presidente nila. At sa labis na pagkamangha ng buong Valencia Furnitures ay nagpatawag ng emergency conference si Damon. Sa harap nang lahat ng empleyado ay inamin nito ang tunay na sitwasyon nito at ni Lettie, maging ang tunay na nadarama nito para sa kaibigan nila. Parang pelikula ang naging kwento ng mga ito. Not long after ay ikinasal ang mga ito sa simbahan. Siyempre imbitado sila ni Aya. Kitang-kita nila kung gaano kasaya ang kaibigan nila. Kahit tuloy alam niyang masama ay nakaramdam siya ng inggit dito. Buti pa ito, nahanap na ang significant other nito. “Few months ago, maniniwala ka ba kapag may nagsabing mauunang mag-asawa sa atin si Lettie? At mauunang magkaanak?” tanong ni Aya habang kumakain sila ng dessert nila sa cafeteria. Marahas siyang umiling. “Malamang tatawanan ko ng todo ang magsasabi niyon,” sagot niya na tinawanan lang ng kaibigan nila na kahit maumbok na ang tiyan ay pinilit pa ring pumasok. Saka na daw ito mag mamaternity leave kapag talagang hindi na nito kaya. “Makakapag-asawa rin kayo. Sigurado malapit na iyon,” sabi nito sa kanila. Naitirik ni Aya ang mga mata. “Hello, I don’t even have a boyfriend.” Siya naman ay nagbuga ng hangin. “And I don’t even have time to date anymore! Ang buwisit na boss ko lagi akong pinag-oovertime. Noong nagreklamo ako, sabi ba naman sa akin bakit daw ako nagmamadaling umuwi e wala naman daw naghihintay sa akin sa bahay. Kainis,” reklamo niya. Natigilan siya nang makita niyang naging mataman ang pagtingin sa kaniya ng mga kaibigan niya. Si Lettie ay ngumiti pero hindi nagsalita. Si Aya naman ay nangalumbaba habang nakatingin sa kaniya. “Hay Jena, you can be really, really dense sometimes,” anitong ikinakunot ng noo niya.  Bago pa niya ito matanong ay nakarinig na siya ng tinig mula sa kung saan. “I knew you will be here.” Mariin siyang napapikit nang makilala ang boses ni Woody. Pagkuwa’y huminga muna siya ng malalim bago ito nilingon. There he was, standing gorgeously at the cafeteria’s entrance and oblivious of the admiring looks he gets from all the people there. Nang masalubong niya ang mga mata nito ay bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito. Bahagyang tumalon ang puso niya dahil doon ngunit agad din niya iyong inignora. “Tapos na ang break Jena. I have something to tell you. Follow me,” sabi nito at tumalikod. Napabuga siya ng hangin at tumayo. Bumaling siya sa mga kaibigan niya. “Mauna na ako. Baka magtantrums pa ang bata kapag di ko sinunod,” aniyang ikinatawa ng mga kaibigan niya. Nang humarap siya ay nakita niyang biglang huminto si Woody sa paglalakad at humarap sa kaniya. Napaatras siya nang makitang bahagyang naningkit ang mga mata nito. “I heard that,” nagbabantang sabi nito at muli nang tumalikod. Napangiwi siya. Hindi niya gusto ang talas ng pagkakasabi nito niyon. Wala tuloy sa loob na napabilis ang pagsunod niya rito.   “MAG-A-OUT of town tayo. This weekend ang alis natin. May conference na gusto ni Damon na puntahan ko at siyempre isasama kita. Dahil nandoon ang isa sa pagawaan ng Valencia Furnitures, gusto rin ni Damon na i-check natin iyon. Isisingit ko na rin ang isang VIP Client na doon naka-base. We might stay there for two days kaya magempake ka ng gamit mo maliwanag ba?” mahabang paliwanag ni Woody kay Jena nang nasa loob na sila ng opisina nito. Napahigit na lamang ng hininga si Jena dahil alam naman niyang hindi naman siya pwedeng tumanggi. “Okay. Iyon lang ba ang dahilan kung bakit nag-effort ka pang puntahan ako sa cafeteria?” tanong niya rito. Tila ito natigilan sa tanong niya bago nagkibit balikat at ngumiti. “Yes. You can go back to work now,” sabi nito. Mariin niyang naitikom ang bibig niya sa inis at walang salitang tinalikuran ito. Ano bang kasalanang nagawa niya at iniinis siya nito ng ganoon?   NAPAAWANG ang mga labi ni Jena nang himbis na sa isang hotel sila tumuloy ni Woody ay sa isang mala-showroom na bahay sila nagpunta. Ang bawat parte ng unang palapag ng bahay ay puno ng furnitures na tatak Valencia. “Kagagawa pa lang nito sabi ni Damon at hindi pa kumpleto ang mga gamit na nakadisplay dito. Dahil ito ang malapit sa factory sinabi niya na dito na lang tayo tumuloy tutal hindi pa naman ito bukas sa publiko,” imporma ni Woody na nagpatiuna na sa pagakyat sa hagdan patungo sa second floor. Walang salitang sumunod siya rito. May binuksan itong isang silid at pumasok doon. Inaasahan niya na maraming laman ang loob niyon pero nagulat siya nang makitang ang tanging naroon lamang ay isang malaking kama. Inilapag ni Woody ang bag nito sa isang sulok at humarap sa kaniya. “As you can see sa baba pa lang ang may kumpletong gamit sa bahay na ito. Lahat dito sa taas hindi pa ayos. Pagtiyagaan na natin,” kaswal pa ring sabi nito. Bigla siyang kinabahan habang inililibot ang tingin sa silid. “Ahm, then saan ang kuwarto ko?” kabadong tanong niya. Tumingin ito sa kaniya at bahagyang ngumiti. Tila may humalukay sa sikmura niya sa pilyong kislap sa mga mata nito. “Aren’t you listening? Hindi pa ayos ang mga silid dito. Ito pa lang ang pwedeng gamitin. Don’t worry, wala akong gagawing hindi mo gusto,” sabi nito. Tuluyan nang nahulog ang panga niya sa sinabi nito. “Wait, what?! Hindi pwede!” mariing protesta niya. Hindi na nga siya kumportable na nag-out of town sila na silang dalawa lang, tapos ay diskumpiyado rin siya na sa isang malaking bahay na walang tao sila tutuloy, bigla ay iisang kuwarto lang na may iisang kama sila matutulog? Anong klaseng kalokohan iyon?           Sa labis niyang inis ay bumakas pa ang amusement sa mukha ni Woody at humalukipkip habang nakatingin sa kaniya. “Jena, it’s not as if this will be the first time we will sleep in one room right? Noong una nga ay hindi pa tayo magkakilala. Ano pang ipinag-aalala mo ngayon?” tanong nito sa kaswal na tinig.           “Bakit ba parang enjoy na enjoy ka sa sitwasyon?” naghihinalang tanong na lamang niya dahil hindi niya kayang sagutin ang tanong nito.           Mukhang hindi na nito napigilan ang sarili at tumawa. Pagkuwa’y lumapit ito sa kaniya. Bago niya pa maisip ang gagawin nito ay nahawakan na nito ang magkabilang pisngi niya at pinisil iyon. Pagkatapos ay natulala siya nang bigla siya nitong matunog at mariing hinalikan sa mga labi na tila gigil na gigil. Nanigas ang likod niya at tila nakuryente siya sa init na idinulot ng paglalapat ng mga labi nila. Saglit lamang iyon ngunit sapat na iyon upang magkaloko-loko ang mga lamang loob niya, ang puso niya ay biglang bumilis ang t***k habang ang sikmura niya ay parang hinalukay. “You’re the cutest when you’re irritated like that don’t you know that?” nakangising sabi nito nang mag-angat ito ng tingin. Napamaang na lamang siya rito at hindi nakapagsalita. Muli niyang naramdaman ang pagpisil nito sa pisngi niya. “I’m starving. Get ready. Kumain muna tayo sa labas bago tayo dumeretso sa factory para mag-check,” sabi nito at nauna nang lumabas ng silid. Naiwan siyang mukhang tanga pa ring nakatulala roon. Nang bahagyang makahuma ay napahawak siya sa mga labi niya. Tila nadarama pa rin niya ang labi nito sa mga labi niya. Nag-init ang mukha niya. Hinalikan na naman siya ni Woody. At sa pagkakataong iyon ay gising na gising ito. Anong gusto nitong palabasin? At bakit himbis na magalit siya sa kapangahasan nito ay mas natuon ang atensyon niya sa masarap na sensasyong idinulot sa kaniya ng halik nito? Napabuga siya ng hangin at walang tunog na napatili. I’m going crazy!   KUNG gaano ka-tense si Jena sa buong araw na kasama niya si Woody dahil sa bigla nitong paghalik sa kaniya kanina ay tila wala namang nagbago sa kilos nito. Ni hindi nga ito nagbigay ng eksplenasyon kung bakit nito ginawa iyon. Wala rin naman siyang lakas ng loob na magtanong. Nang sumapit ang gabi at natapos na silang kumain ng hapunan sa nadaanan nilang restaurant ay lalong tumindi ang pagkatense niya. Paano kasi ay kinailangan na nilang bumalik sa malaking bahay na sila lamang ang tao. “Mauna ka ng maligo. Itong banyo sa kuwartong ito lang din ang puwede nating gamitin eh. Tatawagan ko lang si Damon para magreport sa ginawa natin ngayon,” kaswal na sabi nito at muling lumabas ng silid. Napahinga na lamang siya ng malalim. Kahit papaano ay nawala ang kaba niya na lumabas ito ng silid. Pwedeng matulog na siya agad bago ito makabalik para hindi na niya ito kailangang kausapin pa ng matagal. Sa naisip ay mabilis siyang nag-shower at nagpalit ng pantulog niya. Mabuti na lang pala at maluwag na tshirt at pajamas ang dala niya. Sa pag-aalalang baka pumasok na agad si Woody ng silid ay mabilis na siyang lumabas ng banyo. Ngunit napasigaw siya sa gulat nang makita niyang naroon na si Woody at nasa aktong naghuhubad ng pang-itaas! “What?!” gulat ding nasabi nito na napatingin sa kaniya. Kumunot ang noo nito. “Bakit ka ba sumisigaw Jena?” tanong nito at walang anumang itinuloy ang paghuhubad. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang magandang pangangatawan nito. Wala sa loob na napalunok siya. “B-bakit diyan ka naghuhubad?” aniya nang bahagyang makabawi. Malikot pa ring nagliliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya. “Sinasamantala ko lang na nasa banyo ka. Hindi ko naman alam na mabilis ka lang. You don’t have to shout like that,” natatawang sabi nito. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat dahil kaswal na itong lumakad patungo sa direksyon niya. Kahit kaliligo niya lang ay bahagya siyang nainitan nang makalapit ito sa kaniya. Muli ay hindi niya naiwasang sulyapan ang matipunong dibdib at abs nito. Gusto niyang pagalitan ang sariling mga mata. Bakit ba tingin siya ng tingin? Nahigit niya ang hininga nang bahagyang yumuko sa kaniya si Woody. Naramdaman niya ang hininga nito sa tainga niya na nagpatayo ng balahibo niya. “Jena, I didn’t know you’re such a perv,” bulong nito. Awtomatikong nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Mabilis siyang lumayo rito at nag-angat ng tingin, only to see him smiling widely like a little devil. Naningkit ang mga mata niya at nahampas ito sa balikat. “I am not!” mariing asik niya at patakbong nagtungo sa kama. Malakas pa rin itong tumatawa kahit nakapasok na ito sa banyo. Siya naman ay hindi na napigilang isubsob ang mukha sa unan sa labis na pagkapahiya. Ano ba naman kasing nangyayari sa kaniya at pinagnanasaan niya yata ito? Samantalang ito ay cool na cool lang, halatang walang interes sa kaniya. At ayaw man niyang aminin ay nakaramdam siya ng panlulumo sa kaalamang iyon.   NAGPUPUNAS pa ng buhok si Woody nang lumabas siya ng banyo. Agad na lumipad ang tingin niya sa kama. Nakahiga na patalikod sa kaniya si Jena. Siksik na siksik ito sa isang panig ng kama na maling galaw lang ay baka mahulog na. Napabuntong hininga siya at lumapit sa kama. “Jena, umusog ka ng kaunti baka mahulog ka,” aniya rito. Nang hindi ito sumagot ay lumigid siya sa panig nito upang tingnan ito. Nakapikit na ito at malalim na ang paghinga, patunay na tulog na ito. Napabuntong hininga siya at bahagyang napangiti habang pinagmamasdan ang payapang pagtulog nito. Bigla niya tuloy naalala na ganoon din ang nangyari noon sa hotel room niya. Paglabas niya ng banyo ay tulog na ito at matagal niya itong pinagmasdan. He even had the urge to touch him then but resisted himself. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang sarili. Marahan niyang pinaraan ang likod ng palad sa pisngi nito patungo sa nakasabog na buhok nito na bahagya pang basa. “Sa pagmamadali mong makatulog bago ako lumabas hindi mo na tinuyo ang buhok mo ng maayos,” nangingiting usal niya. Bahagyang nawala ang ngiti niya nang maalala ang nangyari kani-kanina lang. He was happy to know that it seems like she’s attracted to him. At alam niya, kung sinamantala niya ang pagkabigla at pagkataranta nito kanina ay baka kung saan sila nauwi. Kung alam lang nito kung gaanong pagpipigil ang kinailangan niyang gawin upang huwag itong haklitin at siilin ng halik nang makita niya ang paraan ng pagtingin nito sa katawan niya kanina ay baka patayuan na siya nito ng monumento. Pero nangako siya rito na wala siyang gagawin dito. Kaya idinaan niya sa pang-aasar ang tense atmosphere na mayroon sa kanila kanina. Ayaw niyang pagsisihan nito ang kung ano ang posibleng mangyari kapag matino na ang pag-iisip nito. Muli ay humigit siya ng paghinga at inalis na ang tingin dito bago pa niya hindi mapanindigan ang pangako niyang wala siyang gagawin dito. Because just by looking at her sleeping face makes him want to kiss her again. Tama ng hindi siya nakapagpigil ng isang beses. Dahil pagod at inaantok na rin ay maingat siyang humiga sa kama. He maintained ample distance between them and tried to close his eyes. Ngunit nang maramdaman niyang bahagyang gumalaw ito ay napadilat siya at napalingon dito. Tulog pa rin ito. Maling kilos lang nito tiyak na mahuhulog ito sa kama. Nang muli itong gumalaw at mukhang babagsak na sa sahig ay maagap siyang tumagilid palapit dito at hinawakan ito sa baywang. Pagkuwa’y maingat niya itong hinatak paharap sa kaniya at papunta sa gitna ng kama. Umungol lang ito at sumiksik sa kaniya. Nahigit niya ang hininga. For a moment ay bigla siyang nagsisi na nasa ganoon silang sitwasyon. Ngunit nang maramdaman niya ang payapang paghinga nito sa dibdib niya ay nawala rin iyon. Pumikit siya at hinigit ito palapit sa kaniya. Akala niya mahihirapan siyang makatulog. Ngunit saglit lamang ay nakampante na siya at tuluyan ng nadala ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD