CHAPTER 8

2640 Words
NAGISING si Jena sa masarap na pakiramdam ng pagkakasubsob sa mainit na bagay. Napabuntong hininga siya at wala pa sanang balak bumangon nang maramdaman niya ang banayad na paghinga at pagtibok ng puso ng kinasusubsuban niya. Napadilat siya at napaangat ng tingin. Tuluyan na siyang nagising nang makita ang natutulog na mukha ni Woody. Ilang pulgada lamang ang layo ng mukha nito sa kaniya. Sa distansyang iyon ay lalo niyang napagtanto kung gaano kaamo ang mukha nito. Ang pilik mata nito ay mas mahaba pa sa pilikmata niya, matangos ang ilong nito at makurba ang mga labi na mamula-mula pa. Malambot ang features ng mukha nito na pinagaspang ng four o’clock shadow sa panga nito. Ang init ng hininga nito ay tumatama sa mukha niya at nagdudulot ng kakaibang init sa dibdib niya. Mukha itong mabait kapag tulog ito at wala ang mapangasar na kislap sa mga mata nito. Parang natutukso siyang haplusin iyon at pupugin ng halik. Napaigtad siya mula sa pagtitig sa mukha nito nang bigla itong kumilos. Akala niya ay gising na ito pero himbis na dumilat ay humigpit pa ang yakap nito sa kaniya at isinubsob ang mukha sa leeg niya, pagkuwa’y naramdaman niya ang pagbuntong hininga nito. Nahigit niya ang paghinga. Pinilit niyang huminga ng malalim upang pawiin ang pagwawala ng puso niya. Pagkuwa’y maingat siyang kumalas dito dahil baka atakehin siya sa puso kapag nanatili pa siya sa mga bisig nito. Nang sa wakas ay nakawala siya rito at bumangon na siya. Nakahinga siya ng maluwag at muling sumulyap rito. Masarap pa rin ang tulog nito. Matakaw talaga sa tulog ang lalaking ito. Hindi niya napigilang mapangiti. Kahit noong una silang matulog sa isang silid ay hirap na hirap siyang gisingin ito. Bigla ay sumagi sa isip niya ang nangyari sa hotel room nito. Agad na iniwas niya ang tingin dito dahil biglang nag-init ang mukha niya. Naiiling na tumingin siya sa wristwatch niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas otso na ng umaga! Alas nuwebe ang umpisa ng conference na pupuntahan nila sa araw na iyon! Mabilis siyang bumaling kay Woody at niyugyog ito. “Woody, gising na malelate tayo sa conference!” malakas na gising niya rito. Nang hindi ito dumilat ay lalo pa siyang lumapit dito at nilakasan ang pagyugyog dito. “Huy, Woody!” Umungol ito at bahagyang dumilat. Nakahinga siya ng maluwag at akmang lalayo na rito nang bigla nitong hawakan ang braso niya. Kumabog ang dibdib niya. “Jena,” tawag nito sa kaniya. “B-bakit?” alanganing tanong niya. Kumurap ito at nagbuga ng hangin na tila narelieve. “It was dream,” usal nito na tila sarili lamang ang kausap. Napakunot ang noo niya. “Ang alin?” Bahagya itong ngumiti at umangat ang kamay sa pisngi niya. Nahigit niya ang hininga sa kakaibang pakiramdam na dinudulot ng magaan na haplos nito. “Naririnig kong ginigising mo ako, pero nang magising ako wala ka na. Mabuti na lang panaginip lang. I thought I will lose sight of you again like the first time we met,” sabi nito. Napamaang siya rito. “Ikaw kasi, bigla kang nawala noon. Hindi mo alam kung gaano ako hindi natahimik tuwing naiisip ko na iyon na ang huling pagkikita natin,” sabi nitong may bahid ng panunumbat. Hindi pa rin siya makapagsalita sa sinasabi nito. Inaantok pa ba ito at bigla bigla itong nagsasalita ng ganoon? Imposible namang gaya niya ay nakaramdam din ito ng panghihinayang noong mga panahong akala niya ay hindi na sila magkikita. Malamang isa na naman iyon sa mga jokes nito.           Pilit siyang tumawa. “Okay, tigilan na natin ang joke malelate na tayo. Bumangon ka na diyan,” aniya rito at binawi ang braso niya rito pero hindi siya nito binitawan.           “I’m not joking Jena,” seryosong sabi nito.           Muli ay napatitig siya rito. Her heart starts to beat rapidly again. “Woody, if this is one of your childish games again I’m not buying it okay? Malelate na nga tayo,” aniya rito.           Hindi ito nagsalita. Napapitlag siya nang bigla nitong hawakan ang batok niya at higitin siya payuko rito. Nanlaki ang mga mata niya nang walang salitang siniil siya nito ng halik sa mga labi. Ibang iba iyon sa halik na iginawad nito sa kaniya kahapon. This time it was a deep, sensous kiss that makes her head spin. Napapikit siya at napasandig sa dibdib nito dahil bigla siyang nawalan ng lakas. Ang isang kamay nito ay dumulas sa baywang niya at hinigit siya palapit dito. Nakubabawan niya ito. She gasped in his mouth when she felt something hard on poking on her stomach.           Tumigil ito sa paghalik sa kaniya. Pareho pa silang hinihingal habang nakatitig sa isa’t isa. “Hindi ka pa rin ba naniniwalang seryoso ako?” anitong bahagyang paos ang tinig.           Hindi siya nakasagot dahil nararamdaman pa rin niya ang sensasyong ng mga labi nito sa mga labi niya. Aware na aware din ang katawan niya sa nararamdaman niya sa bandang tiyan niya.           “Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo sinasabing naniniwala ka sa akin. Do you think I will do this if I’m not serious? Tingin mo ba magsasayang ako ng oras na kunin ang atensyon mo kung hindi ako seryoso? I am seriously trying my best to make you notice how I feel for you Jena. Geez notice it already,” sabi nitong may bahid pang frustration ang tinig.           “W-woody,” tanging nasabi niya habang nakatitig dito. Hindi niya alam kung paano siya sasagot sa bigla biglang rebelasyon nito.           Humigit ito ng hangin at ngumiti. Pagkuwa’y umikot ito dahilan upang mapahiga siya sa kama ng patagilid. Magkaharap pa rin sila. “You don’t have to answer now Jena. Take your time. At least alam ko na naniniwala ka na sa akin. Ang gusto ko lang, himbis na maghanap ka ng maghanap sa kung saan saan, try to look at me. Okay?” nakangiting tanong nito. Napatango na lang siya. Nakangiti pa ring bahagya nitong pinisil ang pisngi niya. Pagkatapos ay binitawan na siya nito at bumangon na. “Mag-ayos ka na. Kumatok ka sa labas kapag tapos ka na magbihis para ako naman ang mag-aayos,” sabi nito at lumabas na ng silid.           Himbis na tumalima at napatihaya siya sa kama at wala sa loob na nahawakan ang dibdib niya. Mabilis pa rin ang t***k ng puso niya.  Siya yata ang nananaginip pa. Hindi siya makapaniwalang gagawin at sasabihin ni Woody ang mga bagay na iyon sa kaniya.           Try to look at me. Iyon ang sabi nito sa kaniya. Napabuga siya ng hangin at tumitig sa kisame. “Na para namang hindi kita tinitingnan. Ikaw na nga lang lagi ang nakikita ko,” buntong hiningang nasabi niya.             “SAFE,” hinihingal pang naiusal ni Jena nang makarating sila ni Woody sa venue ng conference na kailangan nilang puntahan. Limang minuto na lamang kasi bago mag alas nuwebe sila nakarating. Agad silang sinalubong ng mga organizer at inakay patungo sa puwesto nila. Sa buong event ay pinilit ni Jena ang sariling ituon ang buong atensyon sa mga nagsasalita.  Afterall, bilang secretary ay dapat marami siyang maisulat na note. Ngunit sa tuwina ay hindi niya maiwasang pasimpleng sulyapan si Woody na di tulad niya ay tutok na tutok ang atensyon sa conference. Dahil nagmamadali sila kanina ay hindi na nila nagawa pang mag-usap habang nasa biyahe sila. Kahit papaano ay narelieve siya roon. Hindi niya alam kung makakakilos siya ng normal kung bigla ulit nitong buksan ang tungkol sa pinag-usapan nila nang umaga. Inalis niya ang tingin dito at muling tumingin sa nagsasalita sa stage. Gumagalaw ang kamay niya sa pagsusulat nang mga naririnig niya pero hindi naman niya iyon naiintindihan. Muli ay pasimple niyang sinulyapan si Woody na katabi lang naman niya. Napapitlag siya nang masalubong niya ang mga mata nito. Awtomatikong nag-init ang mukha niya sa pagkakahuli nito sa kaniya na nakatingin dito. “Jena, don’t be rude to the one talking. Focus,” pabulong na sabi nito sa kaniya na may amused na ngiti. Mabilis na inalis niya ang tingin dito. Narinig niya pa ang mahinang pagtawa nito. Kung umakto siya parang wala siyang sinabi sa aking nakakawindang. Hindi ko talaga masundan ang takbo ng utak ng lalaking ito. Ngunit kahit ganoon ay buong conference pa ring dito nakatuon ang halos buong atensyon niya.   “KUMAIN muna tayo bago tayo bumalik ng Maynila. I’m starving,” bulalas ni Woody na pabagsak pang humiga sa kama. Napabuga na lang ng hangin si Jena at nanatiling nakatayo. Kababalik lamang nila sa malaking bahay upang mag-ayos at kunin ang gamit nila. Buong araw ang conference kaya hapon na sila nakarating doon. “E di tumayo ka na diyan para makaalis na tayo,” aniya rito. Himbis na bumangon ay bumaling ito sa kaniya. “Ten minutes na pahinga lang grabe ka naman,” pareklamong sabi nito. Pagkuwa’y tinapik tapik nito ang espasyo ng kama sa kanan nito. “Maupo ka rin muna. Hindi ka ba napapagod sa pagtayo diyan?” sabi pa nito. Hindi siya tuminag at humalukipkip. “No, thanks. The last time I was beside you on that bed you did something,” paingos na sabi niya. “Na para namang hindi ka nagenjoy,” pabulong na sabi nito na narinig naman niya. Nanlalaki ang mga matang binalingan niya ito. Bago pa siya nakapagsalita ay tumawa na ito at bumangon. “Joke lang,” mabilis na bawi nito. Bahagyang nawala ang ngiti nito. “But do you really hate it that I kissed you?” mahinang tanong nito. Hindi siya nakasagot  at napatitig sa mga mata nitong tila tumatagos sa pagkatao niya kung makatingin. Muli ay bumilis na naman ang kabog ng dibdib niya. Nag-iwas siya ng tingin. “It’s not that I hate it,” mahinang sabi niya. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya sa sinabi niya. “You didn’t hate it?” malakas na sabi nito. Nakita niya sa gilid ng mga mata niya na tumayo ito at nagsimulang lumakad palapit sa kaniya. Lalong nag-init ang mukha niya at hindi ito sinulyapan. Huminto ito sa harapan niya. “Jena,” tawag nito sa kaniya. Hindi siya tuminag. Napasinghap siya nang bigla nitong ikulong ang mukha niya sa mga palad nito at iniharap. Muli niyang nasalubong ang mga mata nito. There was an expectant glint in his eyes. “Then, that means you like it right?” muli ay tanong nito. Napahigit siya ng hininga. “I-I guess,” mahinang sagot niya. Lumobo ang puso niya nang bigla itong ngumiti ng maluwag. He suddenly looked like an adorable child who received a wonderful gift for his birthday. Pagkatapos ay bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Nagwala na naman ang mga paru-paro sa sikmura niya nang madikit ang katawan niya rito. Bumuga ito ng hangin at humigpit pa ang yakap sa kaniya. “Sige, okay na iyan kahit papaano. Sa susunod hindi lang I guess ang maisasagot mo kapag tinanong kita ulit,” pabirong sabi nito habang nakasubsob ang mukha nito sa buhok niya. Hindi niya napigilan ang sariling matawa. Sa ibang pagkakataon ay hindi naman siya matatawa sa sinabi nito. Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto niyang tumawa ng tumawa. Wala sa loob na napahawak siya sa mga balikat nito. Hay naku, kahit sensitive siya sa edad niya, may mga oras talaga na gaya ngayon na para siyang bata. Ngunit kung dati ay baka naturn off na siya dahil mas gusto talaga niya ng mature na lalaki, sa pagkakataong iyon ay tuwang tuwa siya. Siguro dahil si Woody iyon. Napabuntong hininga siya. You might not be my ideal man, but I think I’m falling in love with you.    HABANG nasa biyahe si Jena pauwi kasama si Woody ay damang-dama niya na may nagbago sa pagitan nilang dalawa. Tuwing nagkakatinginan sila ay magkasabay pa silang napapangiti kahit wala namang nagsasalita sa kaniya. Awtomatiko na rin ang paghawak ni Woody sa kamay niya tuwing may pagkakataon ito. Hindi niya binabawi ang kamay niya dahil masarap sa pakiramdam ang kamay nito. Kahit gabing-gabi na sila nakabalik ng Maynila ay nagpumilit pa rin itong ihatid siya hanggang sa apartment niya. “Hindi rin ako matatahimik hangga’t hindi ko nasisiguro na nakapasok ka sa loob ng bahay mo,” sabi pa nito nang makarating sila sa tapat ng apartment niya. Napangiti na lang siya. “Oo na nga eh,” aniya rito. Gumanti ito ng ngiti at pinisil ang palad niya. “I’ll walk you to your door,” sabi pa nito. Nakangiti pa rin siya nang humarap siya patungo sa apartment niya. Natigilan siya at nawala ang ngiti niya nang makitang bukas ang ilaw sa apartment niya. Mukhang nakita rin iyon ni Woody dahil biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “May pinag-iwanan ka ba ng bahay mo?” seryosong tanong nito. “W-wala,” kabadong sagot niya. Nang sabihin niya iyon ay nagpatiuna ito sa paglakad patungo sa apartment niya. Kabadong nanatili siya sa likuran nito hanggang sa makarating sila sa mismong tapat ng apartment niya. Lalo siyang nabaghan nang makarinig ng kung anong ingay mula sa loob.                               Pinisil ni Woody ang kamay niya pagkatapos ay binitawan siya nito at sinenyasang umatras. Tumango siya at humakbang patalikod. Noon naman nito sinubukang pihitin ang seradura ng pinto niya. Nang hindi iyon bumukas ay malakas nito iyong kinatok. Muli ay nakarinig siya nang pagkilos mula sa loob. Pagkatapos ay bigla iyong bumukas. Nakaporma nang lalaban si Woody nang makarinig sila ng matinis na boses. “Ate!”           Natigilan si Jena at napasulyap sa bukas na pinto ng apartment niya. Napaawang ang mga labi niya nang mamukhaan ang dalawang lalaking anak ng papa niya. “Jojo, Joey, anong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong niya. Tatlong taon na ang nakalilipas mula ng huli niyang makita ang mga ito. Noon naman sumungaw ang papa niya sa lalo niyang pagkabigla. “Papa!”           “Jena, ilang araw na kitang tinatawagan pero unattended ang cellphone mo. Hindi ka rin tumatawag kaya nag-alala ako at nagpunta rito. Pero nang dumating kami kaninang umaga ay wala ka. Mabuti na lamang at mabait ang landlady mo at nang mapatunayan ko sa kaniyang pamilya mo kami ay ipinahiram niya ang extrang susi niya ng apartment mo,” nanenermong salubong nito sa kaniya.           Ang kaninang kaba niya ay napalitan ng guilt. Tuluyan na siyang humarap dito. “Sorry po, nagpalit ako ng number at nawala sa isip ko,” nahihiyang sabi niya at sumulyap kay Woody na nakamasid lamang sa kaniya. Bahagya niya itong nginitian. “They are my family. Thank you for worrying about me,” aniya rito.           Bahagya rin itong ngumiti at bahagyang tinapik ang ulo niya. “No problem.”           “At sino iyang lalaking kasama mo?” kunot noong tanong ng papa niya.           Nang mapatingin siya rito ay napangiwi siya sa nakikitang pagdududa sa mukha nito. Bago pa siya makasagot ay may sumungaw na mula sa kusina niya. “Pa, ganiyan mo ba dapat harapin ang anak mo pagkatapos ng matagal na hindi pagkikita?” Nakilala niya agad ang madrasta niya. Nang masalubong niya ang tingin nito ay mabait itong ngumiti. “Welcome home Jena, pinakielaman ko na ang kusina mo. Bakit hindi mo muna sila papasukin papa? Bahay ito ni Jena,” sabi nito.           Bahagyang umatras naman ang papa niya kahit nakatitig pa rin kay Woody na tila sinusukat ito. Sinulyapan niya si Woody upang sana ay humingi ng paumanhin. Ngunit nginitian lang siya nito na tila hindi nababahala at bahagya pa siyang itinulak sa likod papasok ng bahay. Napabuntong hininga na lang siya. Bakit parang biglang gumulo ang sitwasyon?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD