Tissue‼️

1542 Words
CEARILLA AFTER that day, naging maayos ulit ang takbo ng aking isipan. Lagi namang tumatawag sa akin si Mommy Zionna, umaga, tanghali at gabi para kumustahin ako pati ang damdamin ko tungkol sa mga balitang kumakalat tungkol sa aming tatlo ng aking asawa, na ako ang tahasang ina-atake ng mga fans ni Zamirra. Kung sa bagay ay ako talaga ang na labas na third party kung titingnan ang mga larawan nila. They were so in love. Kahit na ako pa ang asawa ay hindi naman ako ang mahal kaya mas kakatigan sila lalo ng mga tao. May mga iba na nagsabi na palayain ko na daw si Khai. Madali sa kanila kasi wala sila sa aking pwesto. Ang plano na sinabi ni Mommy Zionna sa'kin about sa pag-stay namin muna ni Khai sa bahay nila ni Daddy Haidus ay hindi na ituloy. Hindi pa rin kasi umuwi si Khai almost 3 days na. Hinayaan ko lang naman ang lalaki. Hindi ako nangungilit para hindi siya magalit sa akin. Pero tinanggap ko naman ang mga ibang advice ni Mommy Zionna. Sisimulan ko na ulit palawakin ang aking daigdig. Alam at ramdam ko naman hinihintay pa rin ako ng aking mga kaibigan. Kaibangan na tinaboy ng aking mga magulang. Buti na lang pati ang pagtawag ni Mommy na sabi ni Daddy ay hindi na tuloy. Kung anuman ang dahilan ay hindi ko alamz pero mas okay na ‘yun kasi medyo nakapag-pahinga ang isip ko. Nga lang sa tuwing sasapit na ang gabi at didilim na ang paligid ay doon naman hindi mahinto ang aking isip. Maraming mga sana at what if’s. Pero ang pinakamalala,ay Iniisip ko na rin kung anu-ano nga kaya ang mga ginagawa ni Khai at Zamirra sa Palawan. Siguro masayang masaya sila na magkasama ngayon na dalawa. Malayang gumalaw at maramdaman ang pagmamahal ng isa’t isa. Kung sana ay na kuntento na lang ako at nandigan kay Daddy na huwag akong ipakasal kay Khai— hindi ko siguro mararanasan ang mas matinding sakit na ito. Na si Khai mismo na siyang minahal ko ng sobra ang nagpaparusa sa akin. Nasa sala ngayon ako ng bahay namin para magbasa ng paborito ko na mga libro ng aksidenteng nakita ko ang na nagpalalit si Manang Tinding ng tissue. Biglang bumalik tuloy sa aking alaala ang unang beses kong nakita at nakilala si Khai. Flashback Maaga akong umalis sa bahay namin ngayon. Commute lang ako dahil wala pa akong sariling sasakyan. Kung sa aking parents naman ako aasa hinding hindi ako magkakaroon ng sasakyan. Ito araw kasi na ito ang Unang araw ko sa aking trabaho kaya kabado akong mahuli. Natatakot kasi akong mahuli o magkamali dahil baka katulad kay Daddy ay hiyain din ako ang mga makakasama ko sa trabaho. Kahit na naipaliwanag naman sa’kin na nasa rules ng company na bawal na bawal ang bullying. Sa Finance Department ang aking designated work. Dito ako nilagay base sa aking apply at tinapos an kurso. Na orient na rin nila ako kaya alam ko na kung saan ang aking department. Excited na rin akong magsimula dahil gusto ko na mag excel sa aking trabaho, ng sa ganun makita ni Dad na talaga nakakasabay o nakakahigit pa ako sa ibang mga employee. Pagpasok ko sa loob ng company ay marahan pa rin ang aking lakad. 9am ang call time sa akin dahil unang araw ko palang. 8:08 am palang naman. Binati pa nga ako ng guard na tinugon ko rin naman. Naglakad ako papunta sa elevator. Saktong pagtapat ko sa elevator ay siyang bukas din nito kaya pumasok na ako agad. Ngunit ng pasara na ang pintuan ay may lalaking nagmamadaling tumakbo at kumakaway sa akin. Dahil nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin ay pinigil ko ang pagsara ng elevator. “Thank you Miss.” Hingal pero may ngiti na pasasalamat ng lalaki sa akin. Sa unang pagkakataon ngayon lang ako hindi na asiwa sa lalaking bago ko lang nakaharap. “No worries!” Sagot ko sa lalaki tsaka ako dumukot sa aking bag ng tissue at inabot sa lalaki, na sa una ay tinitigan lang ang aking kamay na may tangan ng tissue. After ilang segundo ay kunuha naman ng lalaki ang tissue. Matapos iyon ay hindi na ako umimik, hanggang marating ko na ang floor kung saan ako baba. Nagbigay daan naman sa akin ang lalaki pero nagulat ako ng kasunod ko ito. “Sa Finance ka rin ba Miss? By the way I'm Keiran Haizon Ullenco.” tanong at pakilala ng lalaki sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Pero namalayan ko na lang na inaabot ko na ang kanyang kamay. “Yes, sa FD din ako. I'm Cearilla Umali.” Siguro ay pamilyar ang lalaki sa aking apelyido kaya napahinto at napatitig na lang sa akin. Pero ng tumingin ako sa aking relo doon na yata natauhan ang lalaki tsaka kumaripas ng takbo. Pero dalawang metro palang ang layo ng lalaking pumihit ulit. “Nice to meet to you Cea! See you a round. Bilang ganti sa pagtawag ko sa’yo ng Cea—call me Khai.” Ngiting sabi ng lalaki tsaka muling naglakad takbo. End of flashbacks “Mukhang maganda ang binalik tanawan mo na alala Cea!” Napitingin ako bigla sa gawing kanan ko ng marinig ko ang boses ni Manang Tinding. Akala ko ay nakaalis na siya kanina pa pagkatapos magpalit ng tissue box “Ahh,, Opo. Naalala ko lang paano kami nagkakilala ni Keiran sa mismong company nila.” Tila alangan at nahihiya na aking tugon kay Manang Tinding. Mahinang tumawa naman ang ginang. “Alam mo ganyan din noon si Zionna. Sa tuwing pag-uusapan si Haidus noon ay parang nahihiya si Zionna. Kaya siguro mahal na mahal ka ng biyenan mo dahil nakikita niya ang sarili niya sa’yo.” Napamaang ako kay Manang Tinding ng tila pahapyaw na nagbigay ng detalye tungkol sa naging buhay ni Mommy Zionna sa piling ni Daddy Haidus ng bago palang sila. “Alam mo Cea, kung mahal mo talaga si Keiran wag kang basta sumuko. Pero hindi ko sinasabi na hayaan mo lang na masaktan ka nila. Ang sinasabi ko ay lumaban ka ayon sa iyong karapatan. Kung minsan hindi sagot ang sumuko Cea. Ang kalingan lang minsan ay lumayo at magpahinga tapos kapag kaya na magpatuloy muli. Iba iba man ang sitwasyon na pinagdaanan ang mahalaga wag mong iwawala ang iyong sarili. Pahalagahan mo ang sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo para mahalin ka rin nila. Lahat tayo may halaga at puso Cea na dapat ingatan. Pasensya ka na rin kung nagbibigay ako ng mga ganitong salita sa’yo. Mahal ka ni Zionna kaya mahal din kita. Paano madaldal an ata ako, sa kusina na nga muna ako.” Parang biglang na buhay ang Nana Guada ko dahil kay Manang Tinding. Ganito niya ako i-approach lagi. Umiling iling ako kay Manang Tinding tsaka ngumiti ng matamis. Inabot ko rin ang kanyang mga kamay tsaka buong pusong nagpasalamat. “Salamat po Nana Tinding. Okay lang po ba kung Nana ang itawag kosa inyo?” May pagsusumamo at pag aasam na sabi at tanong ko sa Ginang. “Oo naman! Para ka talagang si Zionna.” Nakangiting sagot ni Nana Tinding sa akin kaya agad ko itong niyakap. “Salamat po at kayo ang dinala ni Mommy Zionna dito. Wag po kayong mag alala hindi ako maselan at mahirap kasama sa bahay. Marunong po ako ng mga gawaing bahay.” Bulong na sabi ko sa babae na humagikhik pa ng tawa. Lalo lang tuloy mas naligayahan ang puso ko dahil ganito rin ang Nana Guado noon. “May dahilan bakit nagtatagpo ang mga tao Cea.” Tugon ni Nana Tinding sabay hagod sa aking likod. Maya maya ay kumalas na kami ng yakapan at sabay na tumawa. Nagpaalam din ito agad sa akin, samantalang ako naman ay nagbalik sa pagbabasa. Aliw na aliw ako sa pagbabasa ng libro ng makatanggap ako ng chat mula sa aking kaibigan na si Elmie. Elmie : Bebe alam mo na ba? Alam mo bebe nasa Palawan ako ngayon at nakita ko si Khai na kasama si Zamirra na model. I know you well! Ikaw ang tipo na magtitiis lang hanggang kaya mo. Bebe masayang masaya si Khai sa nakaikita ko. I’ll send you some photos as a proof. Let's meet on my shop when I get back. Mahal ka namin Bebe Cea. Laman ng sunod-sunod na chat ni Elmie sa akin. Maya-maya lang ay sunod-sunod na pumasoka ang mga litrato ni Khai at Zamirra na nasa isang floating restaurant. Dahil sa aking nakita ay hindi ko na nagawang replyan ng ayos si Elmie tanging like sign na lang. “Kailan mo kaya ako maaalala? Kailan mo kaya ako ngingitian ng ganyan? Maghihintay ako Khai hanggang kaya ko pa.” Mahinang tanong ko sa larawam ng lalaki. Imbis na malungkot lungkutan dahil sa mga larawan. Ang ginawa ko na lang ay i-crop ang mga larawan na sinend ni Elmie. Inalis ko si Zam tapos in-edit ko ang aking picture para mag mukhang kami ni Khai ang orihinal na magkasama sa larawan. “Perfect!” Ngiting sabi ko sabay yakap sa aking cellphone. Dito ko na lang muna yayakapin si Khai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD