Prologue
PAALALA : Ang kwnetong ito ay walang buhay na pinaghanguan. Ito'y produkto lamang ng aking malikot na imahinasyon. Maaaring may ilang eksena na sa kwento na sa salamin sa tila makatotohanan ganap, ngunit aking uulitin ito'y produkto ang aking imahinasyon . Patibay na lang ng dibdib... Salamat po agad sa mga makakaunawa at makakakita ng ganda ng kwento.
SIMULA
MALAYANG malaya ako na gawin ang lahat ng gusto ko simula ng bata palang ako.
Lahat ay pwede kong gawin, hindi uso ang bawal. Ngunit may isang kabilin-bilinan ang aking Ama at Ina na dapat hinding-hindi ko magawa.
Iyon ay ang bawal akong magkalat ng mga bagay o gawain na makakasira sa apelyido na iniigantan ng aking pamilya.
Apelyido na utang na loob ko sa kanila dahil hinayaan nila akong gamitin iyon.
Lumaki akong naiiba sa lahat. Sa aming imang magkakapatid ako ang panganay pero ako ang walang halaga.
Wala raw akong kahawig sa aking mga magulang, pero tunay naman akong anak.
I made everything perfect para lang makuha ko ang atensyon ng aking mga magulang, yet still they don’t notice or want me.
Hindi naman ako nag-rebelde dahil sa hindi magandang pakikitungo nila sa akin. Kahit paano naman kasi ay laman ako ng kwentuhan ng mga business partner ng aking mga magulang.
Doon ako bumabawi, dahil talo ko ang aking mga kapatid pagdating sa academics.Siguro nga ay bigo ang aking Ama sa kanyang pananaw.
Isang babaeng anak kasi ang naging panganay niya. Hindi kagaya ng kanyang mga kapatid na puro mga lalaki.
Mahusay naman daw ako papuri ng mga business partners ng aking mga magulang.
Pero ang tanging tugon ng aking ama’t Ina ay dapat lang dahil hindi welcome sa pamilya namin ang tanga at mahina.
Para naman daw hindi nakakahiya sa magiging asawa ko. Ang tingin nila sa'kin ay pambahay lang na babae. Tanging sa akin lang naman.
Napangiti ako ng mapakla ng may pamilyar na tunog ng kotse akong narinig habang narito ako sa itaas ng bahay.
Paano nga bang mas naging malala ang sitwasyon ng buhay ko?
Mula sa pagkakaupo sa kama ay automatikong napatingin ako sa ding ding kung saan nakasabit ang maganda at magarang orasan na regalo sa amin noong araw ng aming kasal.
Tatlong linggo palang ang nakalipas mg maikasal ako sa lalaking mahal ko. Mula sa pagiging anak na invisible ay biglang naging asawa ako sa lalaking akala ko ay babaguhin ang aking katayuan sa buhay.
Ngunit mas malala pala ang gagawin niya sa akin. Kung tutuusin ay may koneksyon naman kami ng aking asawa. Nga lang ay sa kama. He's my first in everything.
Nakuha niya ang lahat ng una sa akin. I was deceived by his kindness and loving treatment. Akala ko may papatunguhan iyon. Akala ko ay mamahalin niya rin ako.
But I was wrong. He just used me to mend his broken heart. Nasa punto na ako na gusto ko na hindi siya mawala at hindi ako tuluyang itat'wa ng aking mga magulang.
Nagpadala ako sa pakiusap, buyo at nararamdaman ko para sa lalaki. We end up marrying each other, pero parang lamay ang meron ng araw na 'yun.
Alas siete na pala ng gabi. Dalawang oras na naman siyang naglagi sa labas para uminom at humimas ng ibang katawan ng babae.
He never touched me again after we got married. Mas gusto niyang ilabas ang init sa ibang babae. Dahil sabi niya tanging pagkamatay o kamatayan ko lang ang hangad niya mula sa akin.
Tumayo na ako para silipin ang kadarating lang na lalaki mula sa bintana. Tuwid na tuwid pa naman ang lakad ng lalaki na akin ng asawa. Asawa sa salita.
Mukhang kaunti lang na inom niya ngayon. Mas nakaramdam tuloy ako ng takot dahil hindi siya lasing na lasing.
Ilang mabibigat na buntonghininga ang aking pinakawalan bago ko inalis ang emosyon sa aking mukha.
Kailangan wala siyang makitang emosyon dahil lalo niya lang ako dudurugin kapag nakita niyang may takot, panghihina at sakit akong nararamdaman.
Tatlong linggo palang pero parang hindi ko alam ang gagawin. Mahal ko siya at asawa niya na ako. Kailangan kong mag sikap na maayos ang sa amin, kung hindi pati pamilya ko wawasakin ako ng todo todo.
Mula sa kung anu-anong inisip ay sinimulan ko na agad lumakad papunta sa pintuan. Nang marating ko ang hagdan ay dahan-dahan naman akong bumaba mula sa ikalawang palapag ng aming bahay para salubungin ang mahal ko na asawa.
Nang aking marating ang baba ay sakto naman na pagpasok niya rin sa loob. Mukhang tinawagan niya muna ang pinakamamahal niyang babae.
“Magandang gabi asawa ko!” Normal at walang emosyon na bati ko sa lalaki na agad naman nanlisik ang mga mata sa akin.
“Walang maganda sa gabi dahil pagmumukha mo ang nakita ko agad!” Rekta at puno ng gigil na tugon ng lalaki sa akin.
Masakit? Oo, noong unang mga araw. Pero ngayon tingin ko ay medyo sana'y na sana'y na ako at baka pag-lipas ng mga buwan ay wala na akong maramdaman sa mga salitang o insulto na bibitawan niya sa akin. Masasanay rin ako gaya ng pagkasanay na aking ginawa sa sarili kong pamilya.
“Gusto mo ba na kumain? Nagluto ako—”
“Kakain? Ako? Luto mo? Paano kung i-set up mo ako? Paano kung may gamot pampalibog ang pagkain na inaalok mo sa akin? Hindi na ako madadali ng mga pakulo mo at ng pamilya mo. Kahit palaklakin mo ako ng pampalibog, tuod na kahoy lang tingin ko sa'yo. Mapapanis at magsasara na lang ang butas ng pùke mo hinding hindi ko 'yan didilaan. Masahol ka pa sa mga babaeng bayaran Cea. Sila naman ay walang ibang choice kaya ginagawa 'yun. Pero ikaw meron, pero pinili mo ang kapritso ng ama mo. Wala kayong makukuha sa akin kahit isang project o kahit isang investment!” Hindi man pasigaw ang pagsasalita ng aking asawa sa mga mata at pag-igting ng kanyang panga alam ko ilang daang beses niya ng sinakal at binali ang leeg ko sa kanyang isip.
Ako rin naman ang dahilan kung bakit halimaw na siya ngayon. Ang tanging lalaking tiningnan ako noon bilang may kwenta na anak, tao, kaibigan at babae ay naglaho na sa aking paghahangad.
"Kasalanan mo Cea!" Sigaw ng paulit-ulit ng aking isip.
“Umiyak ka Cea! Umiyak ka para naman mabigyan mo ako ng kaligayahan. Yan lang ang magpapasaya sa akin. Ang makita kang nasasaktan at nagdurusa sa sarili mong kabobohan. Dusa ang dala mo sa buhay ko. Kaya ibabalik ko sa'yo lahat ng sampung double. Séx! Kung ikaw lang din naman ay wag na lang. Hindi kita bibigyan ng pagkakataon na maranasan ang sarap sa piling ko. Lalong lalo na hindi kita bibigyan ng pagkakataon na magdala ng magiging anak ko. Hindi manggagaling sa angkan n'yo ang magiging tagapagmana ng mga Merano.” Sa loob ng puso ko muling dumadanak ang bulto-bulto na mga dugo, dahil sa mga salitang binibitawan ng aking asawa.
Napakabuting tao ni Khai pero dahil sa ginawa ko naging lapastanga siya—ngunit sa akin lang naman. Sa pamilya ko kahit galit siya ay sabay lang sa agos ang kilos ng lalaki. Malaki ang agwat ng edad namin ni Khai. I'm twenty four habang siya naman ay nasa thirty five na.
“Sige tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka!” Malayong sagot ko sa lalaki tsaka ako tumalikod para pumunta na sana sa kusina.
“Alam mo kung bakit walang may gusto sa presensya mo kahit pamilya mo? Kasi bobo ka, tanga, ignorante, inutil at puppet ng mga taong nasa paligid mo. Hindi talaga porket magaling sa academics ay matalino na. Hindi ka nababagay sa mundo ko Cea. Let's get an annulment after 3 years.” Kahit anong practice ko na wag umiyak may ilang butil ng mga luha ko pa rin ang tanga at ayaw paawat.
"Tama nga sila tungkol sa akin." Tugon ko sa sinabi ng lalaki pero sa aking isipan lang.
Pigil na pigil ko ang aking sariling katawan na hindi gumalaw sa mga oras na ito. Dahil pakiramdan ko kapag gumalaw ang kahit na anong parte ng aking katawan ay babagsak ako sa sahig.
Nagsisimula na rin sumikip ang daluyan ng hangin sa aking lalamunan. Nang makalma ko na ang aking sarili ay nagsalita na rin ako bilang tugon.
“Tama ka at mali! Tama ka dahil puppet ako at kung anu-ano pa. Mali ka dahil hindi ko ito nature dapat. Walang dapat maging katulad ko! Naging ganito lang naman ako dahil sa mga taong hindi makita na may halaga at silbi ako sa buhay nila. Patawad naging mali ang pang unawa ko sa pagmamalasakit mo sa akin. Akala ko may mga katotohanan ang bawat daing mo sa tuwing inaangkin mo ako. Kung ano man ang plano mo Khai sa pagsasama nating ito ay makikiayon naman ako. Wag kang mag alala gagawa ako ng tama na mag iiwan ng marka sa'yo. Para masabi mong may tama din sa pagdating Cearilla sa iyong buhay.” Nagpapasalamat ako sa D'yos dahil nabuo ko ang mga salitang nais kong sabihin sa lalaki ng diretso.
Nasa isip ko na ang gagawin ko para makabawi kay Khai. Palalayain ko siya ng walang magiging problema kapag natapos ang itinakda niyang panahon.
“Mula ngayon pag-aaralan ko ng patayin si Cea na kilala n'yo. Good night asawa ko. Pagtiisan mo na muna ang pagmumukha ko lalo na't magsasama pa tayo sa loob ng tatlong taon.” Dugtong ko pa ng hindi magsalita ang lalaki.
Humakbang naman na ako ng dalawang hakbang papunta sa kusina ng magsalita ang aking asawa.
“Matira matibay sa atin Cea!” Nangilabot ako ng marinig ang sinabi ni Khai. Alam ko mas magiging mahirap ang aking buhay sa mga susunod pang mga araw sa bahay na ito.