CEARILLA
BUSY kami mula pa kanina dito sa kusina ni Nana Tinding at leslie. Nag-offer kasi si Nana Tinding na tuturuan niya daw ako ng mga recipe na favorite ni Khai. At dahil gusto ko na mas may malaman sa mga gusto ni Khai, lalo na sa mga kinakain niya ay game na game ako sa pagluluto namin.
Dahil sanay naman ako na magkikilos sa kusina maging sa mga gawaing bahay ay talagang na enjoy ko ang pagluluto naming tatlo.
Sabayan pa ng panay na asaran at biruan namin ni Nana Tinding. Samantalang si Leslie anaman ay panay din ang hagalpak ng tawa at sigunda sa mga pinagsasabi namin.
Dahil sa presensya nilang dalawa dito sa bahay ay nawawala ang ilang mga isipin ko at lungkot.
May magandang dulot din pala ang makulong sa bahay na ito. May dahilan din pala para maging masaya ako sa nangyaring pagpapakasal namin ni Khai, kahit na ayaw niya sa akin.
Our marriage gave me the privilege, para makilala, makasama at maging bahagi ng buhay ko si Mommy Zionna, Daddy Haidus, Nana Tinding at Leslie.
Sila ang mga bagong dagdag na tao sa aking buhay na positibo ang epekto sa aking kabuuan.
“Hija, alam mo ba na kapag naglalambing si Khai kay Zionna ay lagi siyang nangungulit at nanghaharot. Kaya kapag hindi na kinaya ni Zionna ang ginagawa ni Khai tatanungin na ito ni Zionna kung anong ulam ba ang gusto? Parang kailan lang talaga ang lahat Cea. Ngayon kasi ay malayo na ang loob ni Khai sa amin dahil kay Zamirra.” Binitawan ko ang kutsilyo na aking hawak ng magsalita si Nana Tinding.
Nakakatuwa dahil marami siyang kwento tungkol kay Khai at Mommy Zionna. Nahiya naman tuloy ako bigla kay Nana Tinding, dahil panay siya kwento sa akin. Samantalang wala naman akong mai-share sa kanya.
Wala kasi kaming naging bonding ng aking Ina mula pagkabata ko hanggang ngayon. Mabuti pa nga kay Nana Guada ko meron, sobrang daming alaala.
“Talaga po. Sayang naman hindi ko nakita o naabutan na ganun si Khai kay Mommy. Hindi naman po siguro dahil kay Zamirra ang dahilan, baka po nag aalangan na lang si Khai kasi full grown man na siya.” May ngiti ang aking labi ng sabihin iyon sa Ginang, kahit sa loob ko naman ay puno ng labis na panghihinayang.
Naisip ko rin na baka kaya ganun na rin si Khai sa kanila ay dahil sa sinuportahan ng kanyang mga magulang ang nais ng aking Ama at Ina na ipakasal kami gayong bumalik na pala si Zamirra.jqp
“Naku hija. Hindi mo talaga aabutin ang dating Khai. Dahil mula ng maging nobya ni Khai ang babaeng ‘yun lahat kami iniwasan ni Khai. Sobrang selosa masyado, pero tingin naman namin ni Zionna siya ang gumagawa ng mga iniisip niya kay Khai. Ay naku! Inaabot ako ng inis. Wag na natin silang pag-usapan.” Napangiti ako kay Nana Tinding dahil halatang inis na inis nga siya.
Siguro nga ay sadyang ayaw niya sa babae. Hindi ko naman alam kung anong klase nga ba ng babae si Zamirra. Siguro may mga katangian ito na sobrang minahal ni Khai.
Nakaramdam tuloy ako ng pagsalakay ng lungkot, dahil wala talagang binatbat ang lampas isang taon naming pagkakakilala ni Khai kumpara sa kanila ni Zamirra.
Ganun nga siguro talaga. Baka katulad na rin si Khai ng mga magulang ko, wala sa mga gusto nila na ugali o katangian ng isang tao ang characteristic na meron ako.
“Sige nga po wag na nating pag-usapan. Tapusin na po natin ang mga ginagawa natin para makakain na rin tayo. Pero, Nana bakit ang dami yata ng nagawa natin?” Sagot ko naman sa Ginang na agad tumango. Na patanong na rin tuloy bakit ang daming pagkain.
“Okay lang ‘yan! May makakatulong tayong kumain n’yan mamaya.” Aliw na tugon ni Nana Tinding sa akin.
Dahil sa wala naman akong makapang mali sa sinabi niya, ay tumahimik na lang ako. Possible naman kasing biglang dumating si Mommy Z at Daddy H.
Lately ganito na ang tawag ko sa kanila. Natuwa naman ang mag-asawa dahil lakas daw makabata ng tawag ko sa kanilang dalawa.
Bumalik na kami sa kanya-kanyang toka na ginagawa para madali na ang lahat. Tuwang tuwa talaga ako kaya napapangiti ako ng panaka-naka. Sinong hindi sasaya e, may mga bagong recipe akong natutunan.
Kapag talaga handa na si Khai na pagbigyan ako na makalapit sa kanya muli ay lulutuan ko siya ng mga itinuro ni Nana Tinding sa akin. Ipaparamdam ko kung gaano katotoo ang pagmamahal ko sa kanya.
Nang halos pa tapos na kami sa pagluluto ay may nag-doorbell bigla sa may gate. Agad namang kumilos si Leslie para tingnan kung sino ang nasa labas.
Sandali lang ay bumalik na rin si Leslie.
“Sino ‘yun Les?” Ngiting tanong ko sa babae na ngumiti din sa akin.
Kasunod naman na niya ang isang matangkad, medyo morena, matangos ang ilong, may maganda katawan at tikas ng tayo na lalaki.
“Ate Cea apo po ito ni Nana Tinding. Si Kuya Eavan.” Magalang na sagot naman ni Leslie sa akin.
Ngumiti agad ang lalaki sa gawi ko kaya nginitian ko rin siya bilang tugon. Pero parang nagulat pa ang lalaki sa ginawa kong patugon sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya at pag-init ng pisngi.
“Ahem…Welcome sa bahay namin. I mean sa bahay ng aking asawa. Nasa stockroom lang si Nana Tinding babalik na rin ‘yun maya-maya.” Para mawala ang aking hiya ay nag-alis ako ng bara sa aking lalamunan, tsaka kinausap ang dalawa para ipaalam kung nasaan ang pakay ng lalaki.
“Salamat…Bihira kasi ako dito kaya dinalaw ko na si Nana Tinding. Nakakatuwa at Nana rin pala ang tawag mo sa kanya. And basically tama lang naman ang address mo na bahay niyo ito. This is also your house.” Pati boses ng lalaki ibang iba. Maging paraan niya ng pakikipag-usap ay halatang magalang at matalinong tao.
“U-upo ka, pero wag dito. Les samahan mo naman Eavan sa sala. Kapag-nakabalik na si Nana Tinding, ay papupuntahan na kita agad ng magkausap kayo agad. Feel at home Eavan and if you need anything magsabi ka lang kay Les.” Pag-iiba ko ng usapan. Kahit hindi kami maayos ni Khai ayaw ko pa rin na may isipin na masama ang ibang tao sa kanya dahil sa hindi ko mga pinag-isipan na sagot.
“Okay thanks! It was nice to finally meet you, Ms. Umali.” Hindi ko napigilan ang biglang pag-igkas pataas ng aking kilay dahil sa pagtawag sa akin ng lalaki na Ms. Umali. Pero ng maisip ko ang naging akto ko ay baka doon niya ibinagay ang tawag niya sa akin.
“Ano ba Cea?!” Kastigo ko na sabi sa aking sarili.
Hindi na ako sumagot sa sinabi ng lalaki, pero sandali lang ay biglang sumulpot na si Nana Tinding.
“Eavan? Ikaw nga apo ko!” Excited na sabi patili ng Ginang.
Mula kanina ay panatag akong apo ito ni Nana Tinding. Pero ngayon ko lang naisip at naalala na wala nga palang asawa si Nana Tinding. Medyo naguguluhan ako, lalo’t wala ng kaanak ang Ginang ayon kay Mommy Z.
Dali-dali na sumalubong naman si Eavan ng yakap sa Ginang na tila sabik na sabik sa kanya.
“Na miss na kasi kita Nana! Sabi ko naman sa’yo sa bahay na kita tumira kaso ayaw mo naman.” Tila tunog may pagtatampo na sabi ng lalaki sa Ginang.
“Sus…Doon daw! E, wala ka naman doon lagi. Tsaka nangako ako na hanggang magkaanak na si Khai ay sa kanila pa rin ako.” Na touch naman ako kay Nana Tinding. Halata at ramdam ko ang devotion niya sa pamilya Merano. Kita ko rin naman kung gaano siya kahalaga sa mga Merano.
“Hindi mo talaga ako love.” Parang batang nagtatampo at naghahanap ng lambing nasabi ng lalaki. Napa-hagikhik tuloy si Nana.
Hindi ko na rin tuloy na iwasan ang mapangiti. Tila ba sa isang iglap lang ay nahuli ako sa isang kasalanan ng biglang lumingon si Eavan sa akin.
“Ang ganda mo lalo kapag nakangiti ka. Choose always to smile. A genuine smile sana lagi.” Natigilan ako pati sina Nana Tinding at Leslie dahil sa sinabi ng lalaki. Pero ng makabawi na ang Ginang ay nagsalita agad.
“Asawa siya ni Khai apo ko!” Paglilinaw na pagpapakilala ni Nana Tinding sa aking katauhan.
“Alam ko po.” Tipid na sagot ng lalaki sa sinabi ni Nana pero na sa akin pa rin ang tingin.
Kumalat ang sobrang katahimikan ng ilang minuto ng biglang may mabosesan kaming mga tao na parating.
“Hay naku si Leslie ‘yan panigurado. Kukurutin ko talaga ang singit ng batang ‘yan!” Boses ni Mommy Z iyon, napatingin naman aki kay Leslie na napangiwi. Mukhang ang gate sa labas ang sinasabi ng aking biyenan na babae.
“Hayaan mo na. Secured naman ang lugar na ito. Kawawa naman si Leslie kung kukurutin mo.” Tatawa tawang alo ni Daddy H sa kanyang asawa.
Sandali lang ang pinaghintay namin at sabay na bumulaga sa amin lahat ang magkahawak kamay na mag asawa.
“Sana all!” Hiyaw ko sa aking isip.
Ngunit ng makita ng mag asawa ang lalaki katabi ni Nana Tinding na unang bisita namin ay biglang nagliwanag ang kanilang mga mukha.
“Eavan?” Sabay nilang tanong nasabi.
Ang lalaki naman ay agad na kumilos para magmano sa mag asawa tsaka bumeso kay Mommy Z samantalang kumamay naman ito kay Daddy H. Marespeto nga talaga si Eavan.
Talaga palang close at magkakilala sila, dahil giliw na giliw ang mag asawa sa lalaki.
Ako naman ay paindos-indos na lumapit at nagmano sa kanila. Babalik pa sana ako sa aking ginagawa pero pinigilan ako ni Mommy Z.
Imbis na hayaan ay hinala na agad ako ni Mommy Z papunta ng sala kasama rin si Nana Tinding.
Kawawa tuloy si Leslie dahil siya ang tatapos ng lahat ng aming naiwan.
“Sabi ko sa'yo e, may katulong tayong uubos ng pagkain. Bonus na dumating pa ang aking apo.” Mahinang bulong ni Nana na tinanguan ko naman.