INA SA KATAUHAN NG IBA‼️

1404 Words
CEARILLA “Hija gising ka na pala. How do you feel? I'm so worried about you. Nataranta ako ng makita kita. Paano pala kung hindi kami dumating? ” Pamilyar ang tinig na aking narinig kaya agad na napatunghay ako sabay tingin sa paahan ng kama. Katulad pa rin noon malambing at may kakaibang haplos ng malasakit kung magsalita ang Ginang. Kung gaano kaganda ang mukha nito ay ganun din kabuti ang puso. Nakangiti na si Tita Zionna ang nakita ko sa aking harapan. Siya ang Mommy Khai ay biyenan ko na ubod ng bait at lambing sa’kin. Malayong malayo sa trato sa akin ng aking tunay na Mommy. Nang maalala ko na luhaan pala ang aking mukha ay nataranta tuloy akong nagpunas ng aking mga luha na nagkalat. Baka sabihin na lang ng Ginang na masyadong madrama ako. Nang tingnan ko muli ang Ginang ay ngumiti ng tipid si Tita Zionna sa akin tsaka marahan na lumakad palapit sa akin gawi. Nang nasa tapat ko na ito ay umupo siya agad sa aking tabi. Hinaplos niya ang aking mukha lalo na ang aking mata. “You don't need to hide those tears from me. Hindi ko man ‘yan makita alam ko nasasaktan ka anak. Alam ko na mali ang ginagawa ng aking anak. Hindi ko ‘yun kukunsintihin Cea. Hinding hindi! Anak ko man siya, pero babae ako. Alam ko ang sakit na nararamdaman mo. Alam kong hindi mo deserve ang saktan ng kahit sino.” Nang magsimulang magsalita si Tita Zionna ay unti-unti umalpas muli ang mga pinipigilan kong luha. Ang tahimik na pagtulo ay nauwi rin sa hagulgol. “Sige lang Anak umiyak ka para mabawasan ang bigat. Nandito ako, makikinig palagi sa’yo.” Mas lalo lang na antig ang aking puso dahil sa buti ng Ginang sa akin. Sa unang pagkakataon naramdaman ng aking puso ang kakaibang sarap na matawag na anak. Bawat bigkas ni Tita Zionna noon ay kalakip na pagmamahal at pag-aaruga na yumayakap sa aking puso. “T-tita hindi ko na po alam kung anong gagawin ko. Walang may gusto sa presensya ko. Even my own family didn't love me nor accept me for being who I am. I'm so sorry Tita if I ruined Khai’s life. Maniwala po kayo sa akin mahal na mahal ko ang anak niyo. Mahal na mahal k’ya pipiliin ko na magtitiis makasama ko lang siya. Titiisin ko po ang lahat Tita, ilalaban ko ang pagmamahal ko kay Khai. Ganun ko po talaga kamahal si Khai.” Buong katotohanan na pag-amin ko sa ginang habang napupuno ng pagsusumamo. Pakiramdam ko sa katauhan ng Mommy ni Khai ay nakahanap ako ng isang taong makikinig sa laman ng aking puso na hindi ako huhusgahan. “Alam ko! Alam kong mahal mo ang anak ko. Walang kasing disente at husay mo na babaeng ang basta papayag sa set up na gusto ng aking anak simula palang bago pa kayo umabot sa sitwasyon na ito. Patawad Cea kung sinamantala ka ni Khai. Patawad kung nasasaktan ka ng anak ko. Bilang Ina niya hiyang hiya ako sa’yo anak. Hiyang hiya ako dahil hindi ko yata nagabayan ng tama ang aking anak. Nasasaktan din ako sa totoo lang sa tuwing iiyak ka dahil sa aking anak. Cea hindi ka na ibang tao sa akin. Katulad ni Khai anak na rin kita, kaya Mommy mo na ako. Kung walang pagmamahal na naibibigay ang pamilya at anak ko sa’yo. Ako, ako mamahalin kita anak. Tahan na hija. Tahan na Cea, darating araw babangon ka at sila naman ang luluhod sa harapan mo. Sila naman ang iiyak dahil wala ka ng maramdaman para sa kanila.” Luhaan na rin si Tita Zionna habang nagsasalita. Wala akong masabi sa babae dahil sobrang buti niyang tao. Ako man ay nahihiya dahil sa gulong dala ko sa kanilang pamilya. Ramdam na ramdam ko ang pagiging totoo sa lahat ng mga sinasabi ni Tita Zionna sa akin. Mas naramdaman ko pa ang pagiging Ina niya sa’kin kaysa sa tunay kong Ina. “Ti—Mommy salamat po. Maraming salamat po sa pagtanggap at pag-unawa sa akin. Gulong gulo na po ako sa mga oras na ito.” Titig na titig ako kay Mommy Zionna ng sabihin ang mga salitang ‘yon. Agad nama na tinawid ng babae ang distasya namin para yakapin ako ng mahigpit. Yakap na parang ngayon ko lang naramdaman. Napapikit naman ang aking mga mata ng gumapang na sa aking katawan ang init na mula kay Mommy Zionna. Init na parang gumagamot sa sakit na hindi kayang lunasan ng kahit anong klaseng gamot na mabibili sa botika. Ganito pala ang pakiramdam na mayakap ng isang Ina! Ang yakap lang kasi noon ng aking yumaong Lola ang aking natatamasa. Ngunit ng iniwan na rin niya ako ilang taon na ang nakaraan. Doon na rin ako nagsimula na nangulila ng matindi sa kalinga at pagmamahal. Isa sa mga maging dahilan kaya napalapit ako kay Khai. Si Khai na iba ang tingin sa’kin kumpara sa tingin ng parents ko. Si Khai na naging pahinga ko sa lahat ng bulyaw, sumbat at pagda-down ng sarili kong mga magulang. “Hija wag mo ng gagawin ang pabayaan muli ang sarili mo.” Muli ay napatitig ako sa mukha ni Mommy Zionna na puno ng pagsusumamo. Marahan na tumamgo naman ako sa kanya. “Cea, kung maaari lang anak makipagsabayan ka. You're way prettier and well educated than Zamirra. Mula ngayon ayusin mo ang iyong sarili. Lumabas ka at gumawa ng sarili mong mundo.” tuloy nasabi ni Mommy Zionna. Tila na naging pipe naman ako dahil pagtango lang ang nagagawa kong tugon sa kanya. “Tandaan mo lang ito lagi. Ayaw ka man nila na sumali sa kanilang mundo, huwag kang patitinag bagkus gumawa ka ng sa’yo. Yung sarili mundo mo na higit na kai-inggitan nilang lahat.” Natulala na lang ako sa mukha ng Mommy ni Khai ng sabihin ‘yun sa akin. Parang sinasabi niyang kaya ko at magagawa ko na maibangon ang aking sarili. “Hindi ka pwedeng laging iiyak at tatanggap ng sakit. Hindi ganun Cea, learn to fight. Kung ikakagaan ng loob mo ibalik mo ang lahat sa kanila ng mas matindi.” Dagdag pa ni Mommy Zionna na mas pumukaw ng aking isip at damdamin. Marami pang sinabi sa akin si Mommy Zionna about sa mga bagay bagay. Pati ang dahilan kung bakit ayaw niya kay Zamirra. Mas napahanga ako ng Ina ni Khai dahil sa pananaw nito sa buhay. “Hindi baling gapang sa hirap ang buhay Cea, basta may dangal at maikakamay na kahit umalis ang aking anak o palibutan man ng maraming lalaki ang asawa ng aking anak ay mananatili pa rin na hindi magpapakamot sa iba.” Maganda ang takbo ng isip ni Mommy Zionna, lalo ko lang naikukumpara ang aking Ina sa kanya. Nalaman ko rin na hinimatay nga talaga ako sa labas. At ang driver ni Mommy Zionna ang bumahat sa akin paakyat sa silid ko. May dumating na rin palang doctor kanina na nag-check up sa aking lagay. Maayos naman daw ako, kulang lang sa bitamina. Nagpatuloy pa ng ilang sandali ang aming kwentuhan ni Mommy Zionna pero wala itong binanggit tungkol sa anak. Hindi tulad ng aking ama na talagang pinamukaan pa ako. Nang sa tingin ko ay kaya ko ng tumayo ay ako na ang umaya kay Mommy Zionna na bumaba at kumain. Halatang sumaya naman ang babae dahil sa payaya ko sa kanya. Halatang totoong may concern ito sa akin. Habang pababa kami ng hagdan ay inalalayan pa ako ni Mommy Zionna. Parang tunay nga kaming mag Ina. Nang marating na namin ang kusina ay may nakita akong dalawang kasambahay. Isang may edad na at isang bata bata pa. Ayon kay Mommy Zionna ay mapagkakatiwalaan at kakampi namin ang dalawa. Palagay din naman ako sa kanila. Sabay pa nga kaming apat kumain hanggang sa may sabihin si Mommy Zionna na ayaw ko man ay wala akong nagawa Dahil kasi sa nangyari sa akin ay wala akong choice kundi umayon sa gusto ni Mommy Zionna. Sana lang talaga ay hindi ika-galit ni Khai ang gagawin ng Mommy niya. Dahil kung magagalit ang lalaki tiyak sa akin niya ibubunton lahat. Ako ang lalagay o magsisilbi na punching bag nasasalo ng galit ng lalaki. Nakakapagod din sumalo ng sumalo, pero wala naman akong magagawa dahil nandito na ako sa bagong yugto ng aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD