Pagbabalik‼️

2015 Words
CEARILLA KAMPANTE si Mommy Z at Daddy H habang nakikipag-usap at kulitan kay Eavan. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Natutuwa ako na sumasaya ang mag asawa dahil sa presensya ni Eavan. Kahit paano ay nababawasan ang guiltiness na aking nararamdaman. Mula kasi ng magkaroon ng eskandalo at mauwi sa kasal ang amin ni Khai, ay parang mas lalong lumayo ang lalaki sa kanyang mga magulang. Iniisip siguro ni Khai na hindi pinahalagahan ng kanyang mga magulang ang sarili niyang desisyon at kagustuhan. Habang patuloy na nakikinig ako sa kanilang tatlo ay parang nakukuha ko naman na ang tunay na relasyon ni Eavan sa mag asawa. Sobrang kilalang kilala nila ang isa’t isa. Hindi lang si Eavan ang malambing sa mag asawa kundi pati ang mga biyenan ko ay ubod din ng lambing sa lalaki. Ayaw ko man na lumabas na marites pero parang higit sa Tita at Tito ang relasyon nilang tatlo. Anak pala si Eavan ng pinsan ni Mommy Z. Kaya pala ang pangalan ng lalaki ay Eavan Izzo Ullenco. Ito rin ang ginamit noon na apelyido ni Khai ng magkakilala kami noon sa unang araw ko sa Merano's Corporation. Buong akala ko noon walang magiging problema hanggang sa dumating na ang aral ng gulo. Hindi lang basta problema kundi malalang malala. Nalaman ko rin mula sa pakikinig na bata pa pala si Eavan ay nakamulatan na rin niya si Nana Tinding. Actually sa pag-uusap nila parang lahat ng bagay pinag-aagawan nila ni Khai. Mas bata ng apat na taon si Eavan kaysa sa aking asawa. Higit naman na mas bata ako sa kanilang dalawa. “Dhie, Mhie nasaan ba si Khai? Hindi naman ako basta basta naniniwala sa balita. Hindi ganun si Khai e. Tsaka kakasal lang nila. Pero bakit nga po wala na agad siya sa bahay nila? Naku ha! Kapag ganito naman kaganda, kabait at kabata ang asawa hindi dapat iniiwan lagi at baka mamaya may makakuha na na lang na iba. Kahit gaano kamahal ng babae ang lalaki kung hindi tinatrato ng tama, nauubos ang pagmamahal. Mahirap sa huli magsisisi. Sabagay walang nagsisi sa una palang.” Playful na tanong ng lalaki sa mag asawa na ngumiti lang din, pero ng mag tama ang mata namin ni Eavan puno ng pagka-seryoso ang kanyang mga mata. Aaminin ko na may nasaling na damdamin sa aking puso ang lalaki. Para bang may alam ito sa lagay ng pagsasama namin ni Khai. Napayuko na lang tuloy ako muna ng saglit. “Hay naku! Buti na lang mabait ako. I’ll protect her wife sa mga lalaking aaligid. Ano pa’t mag pinsan kami.” Parang bata na sabi ni Eavan na ikina-hagalpak ng tawa ni Mommy Z at Daddy H. Ang laki kasing lalaki ni Eavan tapos parang bata kung umakto sa harapan ng mag asawa. Napatunghay naman ako dahil sa sinabi niya. Kung ako kasi ang tatanungin o aalimin ang lagay ng isip at puso ko sa sinabi ni Eavan—it feels different. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan o ano ba ito? But I find him a good man. A good friend as well. “Loko ka talaga Eavan! You always made our day happy. Alam mo talaga kung kailan susulpot para pasayahin ang iyong Dhie at Mhie. Thanks son.” Tatawa tawang sabi ni Daddy H. I know na pamangkin ito ni Mommy Z pero parang may hagod sa akin ang paraan ng pagkakasabi o tawag ni Daddy H na son kay Eavan. Masyado na yata akong nilalamon ng mga nabasa ko na mga nobela dahil lahat ay nabibigyan ng pakahulugan. “Sus naman oh! Ang Dadhie at Mamhie ko naman nagdrama na talaga! Busy lang ako noon, but now, I'm free as a bird. I’ll stay here longer ... Or maybe it will be for good, if I find a reason to stay.” Parang may humagod na kuryente sa akin ng sa huling sinabi ni Eavan na mga salita ay sa akin ito tumingin. Hindi naman sa assuming ako pero parang iba kasi si Eavan. Don't get me wrong, there's no romantic feeling na napupukaw ang lalaki sa akin. Para bang Kuya siya sa akin. “How I wish mahanap mo na nga agad ang rason mo para manatali. Bigyan mo naman kaming pamilya mo at nagmamahal sa’yo ng katahimikan at kapayapaan. Dr. Eavan Izzo Ullenco!” Mahahalata sa boses ni Mommy Z ang pagiging sarcastic ng sabihin iyon kaya hindi ko rin napigilan na tumawa. “Oh.. See we made her laugh! Akala pa naman namin Cea wala ka sa paligid. By the way baka nalilito ka sa sitwasyon. Ako ay pamangkin nina Mamhie Zionna at Dadhie Haidus. Si Nana naman ay malayong kamag anak ng aking Ina. And I am a doctor. Mahilig ako sa medical mission kaya ako laging wala. But now I’m back. Maliwanag na ba Cea?” Magaan na sabi at paliwanag ng lalaki. Nahiya ako dahil parang inaabangan din ng mga biyenan ko ang aking reaksyon. Si Nana naman ay kanina pa bumalik sa kusina para tulungan sa pagluluto si Les at nh makapag-hain na rin ng tanghalian lalo’t late na rin dahil pass 1pm na ng mga oras na ito. Nawili kasi sa kwentuhan ang lahat habang ako’y nakikinig naman sa kanila. Nakalimutan namin na hindi nga pala kakayanin ni Leslie ang lahat doon sa kusina. Kung hindi pa lumabas ng kusina ang babae na naiiyak na ay makakalimutan na namin siya. “Oo, honestly si Daddy H and Mommy Z lang ang kilala ko sa relatives ni Khai. I'm happy to meet you.” Nahihiyang tugon ko sa lalaki na nasa mukha ko na naman ang tingin. Lagi siyang ganun mula kanina. Para bang may nakikita o hinahanap siya sa aking mukha. “Me too! I'm glad na tama ang desisyon ko na umuwi na, dahil nakilala na kita. You know, if Khai doesn't have time to introduce you to our relatives— I can do that! I have lots of time—!” “Save your time Eavan! Or better find your own wife to introduce to our relatives!” Bigla akong nanghilakbot ng marinig ang malakas at mala kulog na dagundong na boses ng aking asawa. Nagtatalo tuloy sa aking isip at damdamin ang takot, excitement at saya na sa wakas umuwi na si Khai. Titig na titig na rin si Khai kay Eavan na parang any moment uupakan niya ang lalaki. Wala naman akong makapang mali sa sinabi ni Eavan dahil walang bahid na kahit konting malisya sa galaw at pagkakasabi ng lalaki ng offer niya sa akin. Siguro wala akong makita na mali dahil gusto ko rin na may makilala pang ibang pamilya ni Khai. Nang ilipat ko ang tingin sa aking mga biyenan ay umiling iling ang mga ito. Para bang mas kinabahan ako dahil sa reaksyon nila. “Khai you're here! I mean you're back! Welcome home Bro.” Playful na bati ni Eavan kay Khai, na hindi pinansin ang naging paraan ni Khai ng pambabara sa kanya. “Of course, I should be here. Bahay ko ito, dito ako nakatira kasama ang AKING ASAWA.” May diin at sarcasm na tugon ni Khai kay Eavan. Para bang mainit na mainit si Khai kay Eavan. Ako naman ay panay na ang kabog ng dibdib na wala na sa normal. “Chillax bro! Baka gutom ka na rin. Tamang tama maraming pagkain ngayon sa bahay NIYO! I'm excited! Sa wakas ay matitikman ko na ang luto ng maganda at mabait mo na asawa. ASAWA mo na legal!.” Napapikit ako ng maging parang kakaiba ang tonolado ni Eavan. Halatang hindi nga okay ang dalawa. Parang naghahamunan sila sa mga birahan nila ng mga salita. “Patay gutom—!” “That's enough! Hindi niyo ba kami nakikita? Hindi na ba talaga uso ang respeto ngayon? Pinapakita niyo pa kay Cea kung anong tunay niyong kulay. Look at your Mom and Tita. Hindi na ba kayo tinatablan ng hiya? Hindi ko hahayaan na bastusin niyo ang asawa ko sa harapan ko. Zionna let's go!” Putol na pasigaw na sabi ni Daddy H. It was the first time na makita ko siyang galit na galit. And aaminin ko na nakaramdam ako ng inggit the way he protect Mommy Z. Para naman mga nabuhusan ng malamig na tubig ang dalawang lalaki, maging si Nana Tinding at Leslie ay napalabas ng kusina at talagang nandilat ang mga mata sa nasaksihan. Nang makahuma naman ako ay agad kong tinawid ang pagitan namin ng aking mga biyenan. “Dad, Mom kalma lang po. Sorry po. Sorry talaga. Please stay! Please po.” Pagsusumamo ko sa dalawa. Agad na lumambot na ang ekspresyon ng mukha ni Daddy H. “You don't need to say sorry Cea. Hindi ikaw ang may sala. Anak, wag mong ugaliin na humingi ng tawad sa mga pagkakamali o kakulangan ng ibang tao. Sa mundong ito ang mabait ang inaabuso. Ang mabait mag sinasaktan. At huli ang mabait ang laging talunan. I'm sorry Cea if you see this kind of attitude in our family members. Don't worry Cea, we will stay. We value all of your efforts.” Dahil sa tensyon ko sa loob na nararamdaman ay tumango tango na lang ako kay Daddy H. Pero kaagad kong naramdaman ang yakap ni Mommy Z na sinundan din ng aking biyenan na lalaki. “Sorry Cea! I know ganito na ang pinagmulan mo. Wag kang mag alala hindi na mauulit.” Bulong ni Mommy Z sa akin na waring inaalala talaga ang epekto sa akin ng sitwasyon ngayon. “I'm sorry Dad, Mom. Pagod lang po ako kaya medyo mainit ang ulo ko.” Biglang sabi at hingi ng tawad ni Khai sa kanyang mga magulang. “Tsk..Pagod? What an excuse? Say sorry to Cea and also Eavan. Para kang walang modo.” Sagot naman ni Daddy H kay Khai na parang hindi pa rin nahimpil ang galit sa ugali at tarasa ng anak. “Tama na! Let's go up stair Haidus, alalayan natin si Cea. Hayaan natin sila ditong dalawa. Kahit kailan hindi na kayo nagbago. Saying sorry is useless dahil gagawin pa rin naman nila ‘yan. Hindi ko tuloy maiwasan kuwestyunin ang pagiging Ina ko sa ating anak. Bakit nga ba nagkaganyan si Khai?” Awat ni Mommy Z kay Daddy H. Halos pumiyok na rin ang babae dahil halata rin na masama ang loob. Sa tono rin ni Mommy Z ay halatang kinakastigo niya ang dalawang lalaki na parehong natameme. “I'm sorry Cea! Ganito talaga kami ni Khai. Pero lambingan lang namin itong dalawa.” Nilingon ko si Eavan dahil sa sinabi nito. Sa isip ko mabuti pa ang lalaki alam ang kanyang pagkakamali. Pero si Khai never ‘yang aamin na mali siya. Dahil sa aming dalawa ako lang ang mali lagi. Ako na asawa niya ang pinakamalaking mali sa buhay niya. “Dad, Mom ako na po ang aakay sa asawa ko.” Nagulat ako at napatingin sa walang emosyon na si Khai. Alam ko na agad na katakot-takot na salita ang kapalit nito kapag kami lang dalawa. “No! Go back to Palawan and enjoy fûcking a w***e! Kaya naming alagaan ang asawa mo ng maayos kahit wala ka. Hindi ka rin naman marunong mag alaga ng disenteng babae.” Mataray na sagot ni Mommy Z kay Khai sabay hila sa akin ng magaan pausad papunta sa hagdan. Hindi ko naman na nakita ang naging reaksyon ni Khai. Pero pihadong sa akin sulak na sulak ang dugo niya sa mga oras na ito. Tsaka ko na lang iisipin ‘yun. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay klaro na kakampi ko ang aking mga biyenan. Tuloy-tuloy na inaalalayan ako ng aking mga biyenan. Tahimik kaming tatlo habang umaakyat ng hagdan hanggang sa may parang tubig na tumalsik sa akin. Napatingin ako kay Mommy Z ay doon ko nakita na panay ang agos ng kanyang mga Luha. Samantalang si Daddy H naman ay tila handang bumasag ng mukha ng kahit sino dahil sa nakikitang estado ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD