AMA‼️

1210 Words
CEARILLA SUNOD-SUNOD na pagtunog ng telepono ang nagpagising sa akin. Kung paano na nakarating ako sa loob ng aking silid ay hindi ko alam? Ang huling natatandaan ko ay nasa garahe ako habang tinatanaw ang pag-alis ng aking asawa. Iginala ko ng marahan aking mga mata sa paligid ng aking silid, pero wala naman akong nakitang ibang tao. Unti-unti ay ibinangon ko ang aking katawan, ramdam ko pa ang sakit ng ibang parte nito partikular sa aking ulo. Nang sa wakas ay nakaayos na ako ng upo at sandal sa headboard ng aking kama ay inabot ko naman ang telepono na patuloy pa ring tumutunog. Parang walang plano ang nasa kabilang linya na lubayan ang pagtawag. “Anong klase ka bang asawa ha? Talaga bang hindi mo kayang ibigay ang gusto ng asawa mo?” Bungad na maanghang na tanong ng na sa kabilang linya. Walang hello o anu pa man. Bagkus ay pangunguwestiyon na agad sa aking kapasidad bilang asawa ang tanong sa akin ng na sa kabilang linya. Kilalang kilala ko naman agad ang lalaki na sa kabilang linya. Lagi naman silang ganito. Pagkatapos ng isa ay may isa pa ulit. Hanggang sa maubos ang galit nila sa akin. “Ano wala ka na namang masabi? Akala ko pa naman may nagawa ka ng tama para sa pamilya natin. But look at you, talunan ka pa rin. Nasaan ang asawa mo? Oh craft, syempre wala kang alam. Lagi ka namang walang alam kahit headline na sa balita.” Muling sabi ng taong nasa kabilang linya na walang iba kundi si Bernardo Umali ang aking Ama. Tila ang panaka-nakang sakit ng aking ulo ay nagiging malimit. Dahil sa bulyaw ng sarili kong ama. Malamang headline na si Khai dahil bantay sarado sila ng mga paparazzi. Sa lagay na ito ako ang asawa pero, ako ang masama sa mata ng madla. Hindi ko naman sila masisi dahil sa mga sinabi ni Khai noon. Pinikot ko lang daw siya, na shotgun marriage ang naganap sa amin. “D-dad, hayaan mo na si Khai. Doon siya masaya. Asawa pa rin naman na niya ako—!” “Bullshît! Tinatawag mo ang sarili mo na asawa, e ni hindi ka nga sinisipingan ng inaangkin mong asawa. Asawa na umaasa ng iba. Tingin mo ai Khai ang may deperensya? Cea ikaw! Ikaw ang may deperensya. Hindi ka sapat sa asawa mo. Boring ka kasi kumpara kay Zamirra na batikan na sa mga sosyalan at baka tumatambling din sa kama!” Halos mabitawan ko ang telepono dahil sa gulat. Kaya kong tanggapin na bastusin ako ng ibang tao pero hindi ng aking ama. Pigil ko naman ang humikbi dahil lalo lang iinit ang ulo sa akin ni Daddy. “Oh God! Kailan ka ba magkakaroon ng silbi sa amin Cea? Matalino ka diba! Bakit wala kang magawa sa asawa mo? Kailan ka ba may magagawa na ambag sa pamilya natin? Naturingan ka pa na panganay na anak ko pero wala kang inakyat na kahit anong maganda ating pamilya. Huwag mong hinatayin na pagsisihan ko na naging anak kita Cea!” Malakas na bulyaw ni Daddy sa akin. Wala namang bago lagi niya itong ginagawa sa akin. Gusto ko sanang sabihin na paano ako mamahalin ng asawa ko kung sila mismong pamilya ko ay hindi naman ako mahal. Gusto kong sabihin na sila ang dahilan bakit ako sinasaktan ng iba. Alam kasi ng ibang tao na saktan man nila ako walang Ama at Inang dedepensa sa akin. Pinilit ko agad na kumalma ang aking damdamin tsaka nagsimula na magsalita. “D-dad pwede naman akong magtrabaho sa company natin para may maitulong ako sa ating pamilya—!” “Tulong? Simpleng maging asawa nga lang ay hindi mo pa magawa! You know the rule Cea. Kahit na anak kita hinding hindi ko magagawang i-tolerate ang kawalan m0 ng kwenta bilang anak at lalo na bilang asawa. Hintayin mo ang tawag ng Mommy mo sa’yo panigurado na sa mga oras na ito ay hiyang hiya ngayon ang Mommy mo dahil usap-usap na naman tayo ng lahat dahil sa ginagawa na pagkakalat ng asawa mo.” Wala akong ibang maramdaman sa mga oras na ito kundi kabiguan. Dahil ang mga taong dapat akong inaalalayan ay siyang mga taong mas nagbibigay ng dagdag hapdi sa aking sugat. Kailanman hindi ako nagkaboses sa aking pamilya. Kaya magtataka pa ba ako kung ganito rin ang ginagawa ni Khai sa akin. “D-dad, plaese kahit ngayon lang isalba mo ako. Daddy kailangan kita kahit ngayon lang. Ngayon lang po! Kailangan ko ng Ama at magulang ngayon.” Iyak na sabi ko sa aking ama na tila na tigilan ng sandali. Hindi ko naging ugali ang umiyak sa aking mga magulang kaya bago siguro ito sa aking Ama. “Isalba? Cea you want me to help you? You want me to be the father that you need? Mangyayari ‘yan kung magagawa mong maging anak na gusto at pangarap ko. Pero dahil talunan ka na anak—Isalba mo ang sarili mo Cea. I won't waste my time para lang alalayan ang mahina kong anak. Wala akong anak na mahinang katulad mo. Masyado ka ng malaki para maging dependant sa akin. Tandaan mo ito Cea, utot mo sanghod mo. Linisin mo ang kalat bago ako gumawa ng paraan na pagsisihan ng mga asawa mo. Kung hindi mo kayang gawan ng paraan, drop our Surname. Hindi ba’t ayaw rin ni Khai na gamitin mo ang apelyido niya. So what now? Sino ka na lang Cea!” Walang emosyon na kahit ano, na mararadaman sa mga salitang binitawan ng aking ama kundi panghahamak. Sariling Ama ko tinatatwa ako. I’ve been excellent in everything but for him it was just a thing. Nothing extra-ordinay or special. Kahit minsan hindi ako humiling ng kahit ano mula sa kanya o kay Mommy. Lahat kinaya ko. Ginawa ko ang best ko pero laging kulang. Laging basura. Ngayon ko lang kakailanganin ng ama, binugo niya pa ako. Pang ilan na ba? Hindi na mabilang. “D-dad—!” “I need to hang up Cea. But remember what a say? Kung mayaman ang lalaking ‘yan kaya ko siyang sabayan. Do something ng may maging silbi ka naman.” Hindi ko na nagawang magsalita ulit dahil pinatay na ng aking ama ang tawag. Muli ay isa isang nalaglag ang aking mga luha. Luha ng kabiguan sa lahat ng aspeto ng buhay. Naipanalo ko man ang maraming mga bagay sa mga nakaraan na taon. Hindi naging sapat 'yun pata ika-proud ng aking mga magulang "Talo na nga sa pamilya. Talo pa rin sa puso ng lalaking mahal ko." Hindi ko napigilan ang sisihin na rin ang sarili. Siguro nga ay mahina ako kaya walang may gusto na maging bahagi ako ng buhay nila. "Bakit ba ako binuhay pa kung ganito lang ang kakahantungan ng lahat? Bakit ganito? Bakit laging nanlilimos ako ng pagmamahal sa mga taong mahal ko." Sunod-sunod na tanong ko, takot akong kwestsunin ang Diyos kaya mas pinili ko na ang aking sarili ang dildilin ng tanong. Hinayaan ko lang na tumulo ng tumulo ang luha ko, habang sapo ko na ang aking dibdib. Tila kasi parang may nakadagan sa parte na 'yun na mabigat na bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD