CEARILLA
NAKAKABALIW ang katahimikan sa buong lugar na ito. Higit na nakakalungkot ang laging maiwan at gumising ng mag isa sa bahay na ito. Bahay na hindi ko naman pag-aari. Bahay na binuo ni Khai para sa mahal niyang si Zam.
Ang babaeng sinisigaw niya sa tuwing may mangyayari sa amin noon kapag nalalasing siya.
“Tanga nga talaga ako!” Mapait na ngiti ang kasunod ng masabi ko ang mga salitang ‘yun.
Kasi naman sa tuwing nahimasmasan si Khai ay babawi ito sa akin at ipaparamdam na mahalaga ako sa kanya.
Akala ko tuloy ay mabubura ko si Zam sa puso ni Khai pero akala lang ang lahat. Ako pala ang hindi makakapasok sa puso ng mahal ko.
Mula ng ikasal ako kay Keiran Haizon Merano o Khai ay naging mas malayo ang loob ng aking mga magulang sa akin. Mas naging failure ako kahit sila naman ang pumulit sa kasal na ‘yun.
Paano akong naging failure? Kasi nga wala raw silang nahihita sa mga Merano. Wala ni kahit merge ng company ay hindi pinagbigyan ng mag asawang Merano.
Hindi kasi gusto o tanggap ng mag asawang Merano ang mga magulang. Ayaw nila sa paraan ng parents ko sa pagnenegosyo maging sa panghahandle ng pamilya.
Nang malaman kasi ng aking mga magulang ang ugnayan namin ni Khai ay hiniya ako sa madla ang aking sarili magulang. Doon nanindigan ang mga Merano sa kasal na hinihingi ng pamilya namin.
Sa Mommy at Daddy ni Khai na siyang pangalawang magulang ko na rin ay tanggap naman ako. Tanggap ako ng mga biyenan ko.
Pero ang aking mga magulang ayaw nila talaga. Business daw ang tingin ng mga ito sa akin. Kung sa bagay ay ralastas ng mag asawang Merano kung paano ako balewalain at hiyain ng sarili ko na mga magulang.
Mula sa simpleng pagtunganga at pagpapalipas ng inip ay napatingin ako bigla sa aming pintuan ng bahay.
Iniluwa naman noon si Khai na tila nagmamadali. Alangang oras palang ngayon kaya nagtataka rin ako. Nang magka-titigan kaming dalawa ay dumiretso siya sa gawi ko. Nasa may gilid ako ng hagdan kung saan may mini table at pang isahan na upuan.
“Nagsumbong ka ba kay Mommy?!” Galit ang tono niya ng magtanong sa akin.
“Ha?!” Naguguluhan na tanging na sabi ko sa lalaki.
“Huwag mo akong sagarin Cea, baka kalimutan ko na kahit paano ay naging maganda naman noon ang pagsasama natin—as fûck buddy.” Nagbabanta n sabi ni Khai sa akin, na sa totoo lang hindi ko maintindihan.
Pero tama siya maganda naman ang samahan namin bilang magkalaro kama. Sa kanya laro at libangan lang ang lahat pero ako.
Ako ang tanga dahil nahulog ako sa kanya at nag-invest ng malalim na pagmamahal.
“Damn you! Magaling ka talagang magpanggap! Alam mo isa ka sa pinaka malalang bangungot ng buhay ko Cea! You’ve ruined everything in my life. Akala ko pa naman matalino ka! Pero hindi pala. Akala ko maliwanag sa’yo na pang kama ka lang. Pero naghangad ka pa at ang Tatay mo ng sobra. Tandaan mo hindi hindi kita mamahalin kahit na anong mangyari. Mamatay ka man sa harapan ko ngayon wala akong lungkot o pagsisisi na mararamdaman. Co’z you deserve to die. Baka nga magpaparty pa ako kung mamamatay ka. A part of me died in the most painful way. Dahil sa'yo na wala ang anak namin ni Zam.” Marahas na mura, sumbat at sabi ni Khai sa akin na waring gustong gusto na niya akong saktan.
Akala ko pa naman ay sanay na ko pero hindi pa pala, dahil sobrang sakit pa rin. Laging si Zam, nasaan at paano naman kaya si Cea?
“M-mahal kita Khai. Mahal na mahal kaya ko nagawa ‘yun. I want to escape. Gusto ko na matakasan ang buhay ko na puno ng paghahangad na mahalin ng sarili kong pamilya. Akala ko sa’yo ko ‘yun makukuha. Pero mukha tagapag-mahal lang ako at hindi ka mahal-mahal.” Luhaan na sagot ko sa lalaki na parang mas nandiri at na galit lang lalo sa akin.
“Selfish ka talaga!” Sigaw ni Khai na nagulat sa akin.
“Kung ang maghangad ng pagmamahal mula sa taong mahal ko ay pagiging selfish na. Siguro selfish ako. I’ve never felt loved with my own family. Akala ko ang pagpapakasal ko sa’yo ang takas ko at magiging salba sa akin. I'm sorry Khai. I'm sorry if mahal na mahal kita.” Halos hindi na ako magkamayaw sa pagsasalita dahil sa isa isang bumabalik sa isip ko lahat ng pain, rejection at neglection na aking pinagdaanan, naramdaman at naranasan sa loob ng sariling bahay namin maging sa sariling ko mismong pamilya.
“You really wanna escape huh! Well, welcome to hell my useless and undesirable wife. Cea, remember this. The moment na pinilit mo akong pakasalan ka, ay iyon na rin ang araw na pinatay kita sa isip at puso ko. Wala akong nararamdaman na kahit ano sa’yo bukod sa pagkamuhi. Isa kang basura na babae na walang magiging pakinabang sa kahit anong aspeto sa aking buhay.” Habang tinitingnan ko si Khai na sinasabi ang mga salitang iyon para akong nahuhulog sa malalim na balon na walang kahit sino man ang magtatangka o mangangahas na sagipin ako.
“T-talaga bang ayaw mong subukan Khai—!”
“Subukan? Alin ba sa hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahalin ang hindi maintindihan ng utak mong nuknukan ng tuso? You know what? I enjoyed fûcking you in bed before. I swear masarap na masarap ka noon para sa akin. But now, you're useless. Even in bed sa tingin ko hindi ka magkakaroon ng silbi sa akin Cea. I can't stand a single second na makatabi ka sa kama. So stop dreaming at all Cea. Stop using you're paawa card sa parents ko. I'm telling you marami pa akong kayang gawin Cea na mas ikakasakit ng kalooban mo na pwede mo ring ikamatay o ikahiling na wag ka ng huminga.” Halos manginig ako takot at sa labis na sakit. Paulit-ulit humihiwa sa aking puso ang mga salitang binibitawan ni Khai.
I didn't see this coming. Akala ko dahil may lihim kaming ugnayan ni Khai ay magiging maganda ang aming simula. Naghangad nga ba ako ng sobra? Dapat ba nakuntento na lang akong gamitin ng mga tao sa aking paligid?
Tila dahil sa sakit na aking nararamdaman ay naumid na ang aking dila. Hanggang sa muling magsalita si Khai.
“Magpapadala si Mommy ng mga kasambahay dito. You know the reason why I don't have other people here. Kaya sana umayos ka Cea. Kahit pa may mga kasambahay tayo, that doesn't mean na buhay reyna ka sa pamamahay na ito. Paghihirapan mo lahat ng kinakain mo Cea. Walang libre Cea sa mundong ito. Wala akong planong sayaran ng kahit na barya ang palad mo na mula sa akin. Mabuhay ka ng sarili mo. Lahat ng akin ay akin lang, wala ni isa sa mga pag-aari ko ang magiging kabahagi ka Cea. Tandaan mo ‘yan!” Muling maanghang na sabi ni Khai sa akin. Alam ko naman, kaya mula ng ikasal kami ay sarili pera ko pa rin ang ginagastos ko pambili ng mga pagkain dito sa bahay. Ni minsan ay hindi naman tumikim si Khai ng luto ko.
Sa aming pagsasama sa loob ng ilang linggo ay lagi akong walang boses. Si Khai lang ang nagsasalita, salitang sampal lagi sa aking pagkakamali. Wala nga raw kasi akong karapatan.
Pinili ko na rin na hindi magsalita dahil ako lang naman ang talo dahil sa ako lang nagmamahal sa aming dalawa.
Para kasi sa kanya pagkakamali na naging asawa niya ako. Para naman sa akin siya lang ang tama sa buhay ko. Pero ngayon katulad na rin siya ng aking mga magulang. Pinapamukha na rin ni Khai na wala akong silbi.
Umakyat sa taas ng bahay si Khai, siguro ay naghahanda na ang aking asawa ng kanyang mga gamit para sumunod kay Zam sa Palawan. Nasa balita kasi na doon mamalagi ang babae para mag pagaling dahil sa aksidente na kinasangkutan nito.
Aksidenteng sa akin din sinisi ni Khai. Aksidenteng kumitil di umano sa kanilang unang supling.
Aksidenteng wala naman akong alam. Laging sa akin ang sisi kahit na ako ang sinasaktan nila. My own parents used me pati Khai ginagamit na rin ako para pagtakpan ang pagkikita nila ni Zam.
“Kasalanan ko ba talaga ang lahat?” Mahinang tanong ko sa aking sarili.
Maya-maya lang din ay bumaba na si Khai dala ang isang malaking maleta. Tinitigan ko ang kabuuang ng lalaking aking mahal na hindi naman tumingin sa akin.
Nilampasan lang ako ni Khai na para bang wala lang ako sa paligid. Sumunod ako ng tingin sa kanya hanggang sa nakalabas na siya ng bahay.
Hindi ko alam sa aking sarili bakit sumunod pa ako sa kanya. Nakita ko na may kausap siya sa phone kaya bahagya pa akong lumapit. Hindi naman ako basta makikita ng lalaki sa pwesto na aking tinayuan.
“Don't cry baby, susunod na ako d’yan. We can have another baby if you want. Basta malakas at handa ka na. Darating din ang araw na mawawala na ang sagabal sa ating dalawa. Tahan na Zamy mahal na mahal kita. Wag ka ng basta mag isip ng kung ano. Don't worry even Mom and Dad can't stop me seeing ang loving you Zamirra. Handa akong iwan lahat for you. Hang on papunta na ako d’yan.” Parang biglang umikot ang aking paningin dahil sa aking mga marinig mula kay Khai.
Nanginig na rin maging aking kalamnan. Parang anumang oras ngayon ay babagsak na ako sa sahig. Talo ko pa ang ginulpi ng paulit-ulit dahil sa mga tinamasa kong mga salita mula sa aking asawa. Idagdag pa ang aking narinig. Ang lambing niya kay Zam samantalang sa akin ay halos ihagis niya sa apoy ng impyerno.
Hindi ko pala kaya na basta matanggap na handa na agad ang asawa kong iwan ako at sumalungat sa kanyang mga magulang makasama lang ang babaeng mahal niya.
Mas lalo tuloy hindi maawat ang mga luha ko dahil sa aking nakitang saya sa mukha ni Khai habang kausap si Zam.
Naranasan ko rin namang ngitian ni Khai pero hindi katulad ng kay Zam na buhay na buhay. Ngiting may awa at pakinabang lang ang nakuha ko noon sa kanya.
“Sino ba ang kayang magmahal sa akin? Sino ba ang nagmamahal sa katulad ko? Pamilya ko ba? Malabong malabo. Lalo na si Khai, hinding hindi.” Mahinang tanong ko sa aking sarili na binigay ko rin ng sariling kasagutan.
Matapos ko na sabihin ‘yun ay ang pagtatama naman aming mga mata ni Khai. Nawala pala ako sa pagtatago ng hindi ko namamalayan.
Walang emosyon niya lang akong tiningnan, na mas lalong nagpamukha sa akin na wala akong dapat asahan o panghahawakan sa lalaki aking asawa at minamahal.
Ilang segundo lang kaming nagkakatitigan at si Khai na rin mismo ang unang bumawi ng tingin tsaka mabilis na sumakay sa kotse niya na kalaunan ay sumibad na rin paalis.
Sa pagbitaw ng tingin ni Khai at pag-alis dala pa rin ng lalaki ang puso ko. Puso na hindi agad susuko. Hindi dahil sa utos ng aking mga magulang kundi dahil sa aking sariling kagustuhan.
Napapikit ako dahil sa muling pagkaragas ng lungkot, sakit, at kabiguan pero tila ang pagpikit ko ay siyang dahil para tuluyang wala ang aking kamalayan.