Day Sixteen

1264 Words
DAY 16 SETH There's no future for us! This is a losing battle.  No. I don't believe you, Rykki. Hindi ka Niya kukunin sa amin. We'll grow old together. We'll see Serafina growing up. You'll be there every milestone in her life. I won't let you go.  "Seth..." Mabilis kong pinunasan ang luha ko at tumingala mula sa pagkakayuko ko. “S-She’s awake,” saad ko sa pinsan kong si Kian. Pinisil niya ang balikat ko at nakikita ko sa mga mata niya ang awa para sa akin. Walang nakakaawa sa akin… “Her results came out. Luckily, hindi malala ang fractured niya sa braso kaya sapat na ang bandage instead of a cast. But her brain scan…” “W-What about it?” “Mas lumaki ang tumor sa utak niya. She needs immediate treatment, Seth.” Napalunok ako at tumango-tango. “Y-Yeah, can you schedule her by next week? But can she take it kahit na kagagaling niya lang sa aksidente?” “She can only if she wants and if she has the will. We’ll do our best to treat her.” “She will, Kian. I won’t let her give up nang hindi man lang lumalaban.” “About your suggestion sa pagdala sa kanya sa ibang bansa. I can help you with that. You can bring her sa Minnesota, I had a friend there, he’s one of the best surgeons. He specialized in a case like Rykki but he’s on vacation at mga ilang buwan pa bago siya bumalik doon sa Mayo so he suggested na mag-undergo muna si Rykki ng radiation therapy before you bring her there.” Tumango-tango ako. “I’ll trust you, Kian. Please…save her.” Hindi sumagot ang pinsan ko at pinisil lang ang balikat ko bago pumasok sa kuwarto ni Rykki. Susunod na sana ako papasok sa kanya nang may tumawag sa akin. “Seth…” Napatda ako sa kinatatayuan ko sa narinig na boses. Pagbaling ko ay bumungad sa akin si Divine na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin ni Kian. “W-What are you doing here?” “Tama ba ang dinig ko, that woman is dying?” Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya kaya hinaklit ko siya at hinila patungo sa fire exit ng hospital. “I have no time for you, Divine! Please, go home!” pigil ang sigaw kong saad sa kanya sabay bitiw sa pulsuhan niya. “Just answer me! Is she really dying?!” “No! Hindi siya mamamatay! I won’t let her!” mariin kong pagtanggi sa sinasabi niya kanina pa. No one is dying here. Ngumisi si Divine at tila unti-unting nagdidilim ang tingin ko sa ngisi niyang iyon na tila nanunutya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya bago pa ako may magawang masama sa kanya. “It’s really true, then…that she has a terminal illness katulad nang narinig ko kay Kian.” “Shut up, Divine…just go!” “Is that why you broke up with me? Naaawa ka sa kanya? I can s-support you kaya kong manatili ka sa kanya hanggang sa mamatay siya—” “Damn it! Hindi siya sinabi mamamatay!” baling ko sa kanya at hindi na napigilan ang pagbulusok ng galit ko dahilan para masuntok ko ang pader sa likod niyang ikinagulat niya. “Seth…” “Divine, I didn’t know na may sakit si Rykki when I broke up with you—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang malakas na dumapo ang palad niya sa pisngi ko pero hindi ko ininda iyon because I deserve it dahil pinaasa ko siya, dahil sinaktan ko siya. “H-How dare you, Seth! I gave up everything for you! Even though we dated para lang sundin ang gusto ng mga magulang natin, still minahal kita nang buong-buo! Hindi pala minahal because until now, I still love you na handa akong magpakababa para lang mahalin mo ulit…” Humikbi siya at umiling-iling. “No…you never love me, right?” Hindi ako nakasagot sa tanong ni Divine at ang tangi ko lang nagawa ay iiwas ang tingin sa kanya. “Why Seth? I’m beautiful than her! Mayaman ako! I have a career that people envy! Gusto ako ng mga magulang mo but why am I still not enough? Ano bang mali sa akin?!” “Divine…walang mali sa ‘yo.” “Then why Seth?!” “Dahil hindi ikaw siya.” “W-What?” F*ck Seth! You’re such an asshole! “You’re beautiful than her…may pera ka kung ikukumpara sa kanya at kaya kitang ipagmalaki sa magulang ko pero…hindi ikaw siya. Iyong babaeng sa unang pagkakakilala ko pa lang ay nagawa nang kunin ang buong atensyon ko. Iyong babaeng ipinaglaban ko sa mga magulang ko at ang babaeng pinangakuan ko na hanggang sa huling sandali ng buhay ko ay mamahalin ko—” “Shut up! You’re such an asshole and a liar! Love her until the end? But you gave up on her at ganoon din siya sa ‘yo! You dated me Seth, for years! Para saan ang mga taong iyon?! To let her see na kaya mong mabuhay nang wala siya? Para saktan siya sa pag-iwan sa ‘yo!?” “I’m sorry, Divine. I really am.” Sinuntok niya ang dibdib ko at muli akong sinampal. Ilang hampas at kalmot ang tinanggap ko mula sa kanya pero hinayaan ko lang siya kung sa paraang iyon ay kahit paano mabawasan ang panloloko ko sa kanya. Panloloko. Dahil tama siya ginamit ko lang siya para maipakita sa lahat na hindi ako nasaktan sa ginawa ni Rykki. Na ayos lang sa akin ang kinahinatnan ng relasyon namin. “You used me! Kaya karma sa ‘yo ‘to! She’ll die Seth at maiiwan kang mag-isa. Kahit anong pagtanggi mo hindi mo mapipigilan ang bagay na hindi mo hawak. I wish you suffer too katulad ko!”   Humahagulgol na umalis si Divine at pabagsak na isinara ang pinto. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at sumandal sa pader. Nang tumunog ang cellphone ko ay mariin akong napapikit nang makita kung sino ang tumatawag. Ang taong alam kong nagturo kay Divine kung nasaan ako. Nang hindi tumigil ang pagtunog no’n ay sinagot ko na ang tawag. “Ma…” “Seth Eros, nagkita na ba kayo ni Divine—” “Ma please! Stop meddling with my life! Hindi ba ninyo nakita ang nangyari kanina! Naaksidente si Rykki dahil sa pakikialam ninyo—” “Don’t you dare talk to me this way. Anak lang kita!” Yumuko ako. “Anak ba talaga ninyo ako o isang tau-tauhan na gusto ninyong kontrolin?” Malalim akong bumuntong-hininga. “Ma, lahat ng gusto ninyo ginawa ko at isang bagay lang ang sinuway ko, iyon ang pagpili sa babaeng mamahalin ko. Hindi ko pinangarap mamuno sa kompanyang itinaguyod ninyo ni Dad pero ginawa ko para sa inyo kahit kapalit no’n ang unti-unting pagkasira ng pamilya ko. Pero hindi ko ginawa iyon para lang may mapatunayan sa inyo kung hindi dahil mahal ko kayo at gusto kong ipagmalaki rin ninyo ako.” “Seth…” “I n-need you to understand me, Ma. Pang-unawa lang ninyo at respeto ang hinihingi ko ngayon. I need you, Ma kasi s-sobrang hirap na.” Ang bigat-bigat sa pakiramdam na wala akong mapagsabihan ng mga takot ko. Dahil gaano ko man ipilit sa utak kong hindi mawawala sa akin si Rykki, alam kong tama sila na may mga bagay na hindi ko hawak. “I need you to be my mother. Iyong inang kumalinga at nagmahal sa akin noong bata pa ako…K-Kung hindi ninyo kayang gawin iyon, kalimutan na lang ninyong may anak kayo.” “A-Are you saying na itinatakwil mo ako bilang ina mo—” “No Ma, you will forever be my Mom. Ako…ako ang itakwil ninyo because just like before handa na ko muling ipaglaban siya mula sa inyo. I won’t make the same mistake of leaving her.” “N-Nakalimutan mo na ba, Seth?! She was the one who left you! Ipinahamak niya ang apo ko!” Umiling-iling ako. “No Ma, a-ako…ako ang nang-iwan sa kanya.” TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD