Day Seventeen

1335 Words
DAY 17 HUMINGA muna ako nang malalim at binuksan ang pinto ng kuwarto ni Rykki para lang lukubin ako ng kaba nang makita ang bakas ng dugo sa kama niya na tiyak kong dahil sa dextrose na mukhang siya ang nagtanggal sa sarili niya. Rykki… “Dad?” bungad ni Sera na may mga dala-dala nang nagmamadali akong lumabas ng kuwarto ni Rykki. “Where’s your Mom?!” “W-What are you talking about, Dad? She’s sleeping inside—Where’s Mommy?!” sigaw niya nang sumilip siya sa loob ng kuwarto. “Stay here. I’ll find her.” “Sasama ako—" “Stay here Sera and call me kapag bumalik siya.” Lakad-takbo na idinial ko ang numero ni Kian pero hindi niya iyon sinasagot. Nang malibot ko ang buong floor na kinaroroonan ni Rykki at hindi ko pa rin siya nakita ay doon ko lang naisipan ang security area ng hospital. “M-My wife is missing from her room. Can you search for her?” hinihingal kong saad sa guard na nakita ko roon. “Ano pong room Sir?” “402. Probably thirty minutes ago…” Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rykki na tila wala sa sariling sumakay ng elevator. Nakapaa pa siya at mula sa video ay nakita ko ang dumudugo niyang kamay. Nagtatakbo ako palabas nang makita kung saan papunta si Rykki. Halos hindi ko na nahintay ang elevator at tuloy-tuloy akong nagtatakbo papanhik sa taas ng hospital. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Rykki na yakap ang sarili niya sa sulok at tulala. “Ry…” Lumuhod ako sa harap niya at tila roon niya lang ako nakita. Nang mahaplos ko ang pisngi niya ay tila natauhan siya. “S-Seth…” “Why are you here?” Umiling-iling siya at nawalan ako ng balanse nang biglaan siyang yumakap sa akin. Isinubsob niya ang sarili sa dibdib ko at ilang sandali lang ay umalingawngaw ang pag-iyak ni Rykki sa lugar. “Hush, love…” “I-I don’t know why I’m h-here. I think I-I’m losing my mind, Seth! I’m s-scared!” Mas hinapit ko si Rykki papalapit sa akin at hinaplos ang buhok niya. “Don’t be. I’m here, Rykki. I won’t leave you.” “I d-don’t want to die, Seth! I don’t want to die like this! But why is He like this to me? K-Kung mamamatay rin naman pala ako bakit hindi pa noong sumuko na ako? Noong panahong ginusto ko na lang mawala! Bakit ngayon pa na ang tanging g-gusto ko lang ay muling mabuo ang pamilya natin? Ang makasama si Sera at ikaw! Gusto kong muling sumubok S-Seth but why is everything so unfair?” Mariin akong pumikit kahit may ideya na ako sa ginawa niya noong tangkang pagtapos sa buhay niya, ang sakit pa ring marinig manggaling iyon sa bibig. "If you don't want to die then please Ry, listen to me. Let's do everything to save you, Rykki. I'll stay with you." Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nang unti-unting humina ang hikbi niya ay inilayo ko siya sa akin at sinapo ang mukha niya. Pinunasan ang luha niyang patuloy sa pag-agos. "Aren't you scared?" "Of what?" "Of staying with someone na bilang na lang ang mga oras?" Umiling ako. Gustong muli na kontrahin ang negatibo niyang pag-iisip pero alam kong hindi iyon ang gusto niyang marinig mula sa akin. "No...what scares me is losing you without fighting just like what I did years ago. Just give me a chance, Rykki." "Ayokong masaktan ka! Ayokong umasa ka, Seth." "Pain is part of our lives, Ry. Kung m-mawala ka man, I'll still be thankful if you'll be gone in my arms. I wanted to be with you until the end. Papahalagahan ko ang bawat segundo..." Hinalikan ko si Rykki sa noo kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. Hirap sabihin ang mga susunod na kataga na hindi magawang tanggapin ng puso ko. "...minuto, oras at ang mga natitirang araw na kasama ka."         "DAD?" Mula sa paghaplos sa pisngi ni Rykki na nahihimbing na ay nabaling ang atensyon ko sa anak kong nasa sofa at hindi ko namalayang nagising na pala.  Pilit ang ngiti na lumapit ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Hindi maiwasang makaramdam ng awa para sa anak kong sinisisi pa rin ang sarili niya sa nangyari kay Rykki. Hindi rin naalis sa isipan ko ang gulat niyang ekspresyon nang maibalik ko si Rykki na tila hindi magawang kontrolin ang emosyon at nagpatuloy sa pag-iyak na kung hindi pa tinurukan ng sedatives ay hindi kakalma. "What is it, princess?" "May problema ba ang Mommy?" Hindi ako nakapagsalita at hindi magawang sagutin ang tanong niya. “I was a kid then halos hindi ko na maalala ang nangyari noon but this is the first time that I saw her like that.” Inakbayan ko si Sera at hinaplos ang buhok niya. Not now, Sera… “She’s stressed, probably because of her injuries but she’ll be fine.” “H-Hindi sana maaaksidente ang Mommy kung hindi dahil sa akin.” Kumunot ang noo kong ipinaling ang ulo niya sa akin. “It’s not your fault. Kung merong dapat sisihin dito, ako ‘yon.” “Dad…ano bang mali kay Mommy? Bakit ayaw sa kanya nila Lola? B-Bakit si Tita Divine ang gusto mo at hindi siya?” nangingilid ang luhang magkakasunod niyang tanong sa akin. Umiling ako. “Walang mali sa Mommy mo, Sera. Kami ang merong mali…” Binalingan ko nang tingin si Rykki na payapa pa ring natutulog. “Maling hindi ko nakita ang mga pagkukulang ko. Pero heto lang ang masasabi ko anak, you’re right that at one point I did like Divine but your mom will forever be my love. Walang kahit sino ang makakahigit sa pagmamahal na meron ako sa Mommy mo.” “Dad…w-what do you mean?” Ngumiti ako at binalik ang tingin sa anak kong tila nagulat sa sinabi ko. “I’m starting to pursue your Mom again. I want her back in my life. I want her to be with us again.” “A-Alam ba ni Mommy?” Tumango ako at napasinghap si Sera na napahawak pa sa bibig niya. “A-Anong sabi niya?” Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok ni Sera. Impit na tumili si Sera at niyakap ako. “Dad, promise me this time hindi na kayo maghihiwalay.” “I promise, Sera.” NAGISING ako sa paghaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata ay bumungad sa akin si Rykki na ngumiti. Ang mga mata niya ay naniningkit sa pamamaga. Babangon na sana ako nang sumubsob si Rykki sa dibdib ko at itinapat ang tenga niya sa dibdib ko. As she lay her head on my chest, I felt how my heart started beating fast. “Ry…” “Have I ever told you before?” “What?” Tumingala siya at ipinatong ang kamay niya sa dibdib ko. “I love hearing your heart beat before…gustong-gusto kong nararamdaman ang pagpintig ng puso mo.” “Why?” anas ko sabay haplos sa pisngi niya. “Your heartbeat makes me feel wanted, safe and warm…and it’s been so long since I’ve heard it that I almost forgot those feelings.” “What about now? Ganoon pa rin ba?” Inabot ni Rykki ang kamay kong nasa pisngi niya at itinapat sa dibdib niya. Doon ko naramdaman ang malakas na pagpintig ng puso niya. “Nakapagdesisyon na ako, Seth…” Napalunok ako at nakaramdam ng kaba sa susunod niyang sasabihin. “About what?” “About us…”                                          “I don’t want to be unfair to you, Seth…” Bumangon ako at umiling sa kanya. “Rykki, w-what do you mean?” “Ayokong maging unfair at maging makasarili para hayaan kang manatili sa tabi ko gayong walang kasiguraduhang hindi ako mawawala. Ayokong pahirapan ka sa pag-aalaga sa akin—” “Huwag mo nang ituloy!” “P-Pero patawarin mo ko kung hindi ko ‘yon magagawa. G-Gusto kong sa huling pagpikit ng mga mata ko ikaw ang kasama ko. Patawarin mo ko kung magiging makasarili ako…I wanted to be with you Seth even if tomorrow is all I have. I wanted to spend my last days with you and Sera.” Kasabay nang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko ang pagtungo ni Rykki at pagdampi ng labi niya sa labi ko. Please, handa akong isuko ang lahat huwag lang Ninyo siya kunin sa akin… TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD