Prologo
Alam kong nakakakuha na kami ng atensyon ni Seth pero tuloy pa rin kami sa pagtakbo. Magkahawak-kamay at parehas na tumatawa. Suot-suot ko ay puting bestida na bagama't hanggang tuhod ay masasabi kong papasa na isang wedding dress na rin na basta na lang namin binili sa nadaanang boutique. Habang siya ay nakasuot ng isang suit na maluwang sa kanya dahil basta na lang niya itong isinuot at binili. Pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya.
And today, we are going to get married.
And nothing can't stop us kahit na hinahabol kami ng mga bodyguard ng magulang ni Seth para pigilan sa gagawin namin. Dahil sa labis na pagtutol nila sa relasyon namin.
Pero wala kaming pakialam dahil ang tanging gusto namin ay pumasok sa chapel at mangako sa harap ng Diyos na pang-habangbuhay kaming magsasama at walang kahit sino ang may kakayahang humadlang sa amin.
Lumingon ako sa likuran at napansing wala nang humahabol sa amin na hindi ko na pinagdudahan sa dami ng nilusutan namin para lang makatakas sa kanila.
Ang tuwa sa puso ko ay walang pagsidlan nang makarating kami sa chapel at sumumpa na pang-habang buhay kaming magsasama sa hirap o ginhawa.
------
"Hindi ka ba magsisisi sa ginawa natin Seth?" tanong ko sa kanya habang titig na titig ako sa suot kong singsing.
Mrs. Seth Eros Vallejo.
Rykki Nunez-Vallejo.
At the age of 20, I’m now married to the man I love, Seth.
"I will never regret it, Rykki..." Inalis ko ang paningin sa singsing at pinakatitigan ang mukha ng asawa ko.
At hindi ko maiwasang mapangiti at mapaluha maisip pa lamang na araw-araw ko na siyang makakasama. Panghabang-buhay na kaming magsasama...
7 Years Later....
"Niloloko mo ko!" sigaw ko sabay hagis sa nahagip kong lampshade. Nagdilim ang mukha ng asawa ko at kinuha rin ang picture frame na nasa lamesa at ibinato rin ito sa pader.
"Damn it Rykki! Stop being paranoid! Tigilan mo na ako pagod na nga ako sa trabaho. Wala ka pang tigil diyan sa kakaduda mo!"
Hindi na niya inantay pang magsalita ako at galit na lumabas ng kwarto. Napahiga naman ako sa kama at muling umiyak.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa amin...Nagbago na siya...Masisisi niya ba ko kung nagbago na rin ako?
Hindi ako naniniwala sa mga taong nagsasabi sa akin no'n na hindi pang-habambuhay ang isang masayang relasyon. Umasa akong gaano man katagal ang lumipas walang magbabago sa pagitan namin ni Seth. Mahal ko siya at mahal niya rin ako. Hindi pa ba sapat 'yon para manatili kami katulad nang dati?
Nagkulang ba ako?
Bakit pakiramdam ko pinagsisisihan niya ang ginawang pagpapakasal sa akin?
Bakit hindi ko na maramdaman ang pagmamahal niya?
Napatingin ako sa pinto nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Nakita ko ang anak naming si Sera, may luha sa mga pisngi niya habang mahigpit na yakap yakap ang isang teddy bear.
Habang pinagmamasdan ang nasasaktang anak, nakaisip ako ng isang desisyong magpapabago sa buhay namin.