DAY FIFTEEN
Year 2007
“Come to Mommy, Serafina… I have your favorite bear oh?”
“No, cupcake, come to Daddy I have your chocolate here,” anang asawa kong iwinagayway ang tsokolate kay Sera na pumalakpak sa nakita.
Sinamaan ko nang tingin si Seth nang unti-unting tumayo ang nag-uumpisa pa lang maglakad na si Sera patungo sa kanya.
“No chocolates, Seth Eros!” sita ko sa kanya pero umalingawngaw lang sa buong kabahayan ang tawa niya.
“One bite only, Mommy,” aniyang hindi na makahintay sa paglapit ni Sera at nilapitan niya na ang anak namin.
Napailing na lang ako. We were having a competition kung sino ang pupuntahan ni Sera pero ang magaling kong asawa ay hindi na naman nakatiis at binuhat ang anak namin na tuwang-tuwa sa pagkarga sa kanya ng ama.
Napapangiting minasdan ko silang dalawa. Pero nang lumingon sa akin si Seth ay inirapan ko siya at lumapit sa kanila para sana agawin si Sera pero iniwas niya ang anak namin.
“Hon, paano matututong maglakad ‘yan si Sera kung palagi mong kakargahin aber?”
Tumawa lang ang asawa ko at pinupog ng halik ang tumitili naming anak. Pakiramdam ko lumolobo ang puso ko sa sobrang saya sa tuwing nakikita ko ang mag-ama kong ganito.
This is my dream.
A happy family.
Tumulo ang mga luha ko saktong napunta ang tingin sa akin ni Seth. Ang ngiti sa labi niya ay naglaho. Kunot-noong nilapitan niya ako at hinapit habang kapit si Sera na nakatitig din sa akin.
“Hon, what’s the problem?”
“I-I’m happy…”
Napangiti ako nang ang maliit na kamay ni Sera ay humaplos sa pisngi ko na tila ba pinupunasan ang luha ko.
“Mimi…wab you,”
Matunog kong hinalikan si Sera sa pisngi niya. “Love you, too, baby.”
Isang matunog na halik din ang dumapo sa gilid ng labi ko at sa pagbaling ko kay Seth ay mabilis niyang hinalikan ang labi ko.
“Nakikita ni Sera—”
“I love you, Ry. So much.”
Pinakiramdaman ko ang malakas na t***k ng puso ko habang minamasdan ko ang asawa ko.
“Thank you, Seth, for loving me. For giving me a family. I-I promise I’ll never ever do something na makakasira sa pamilyang ‘to.”
“And I promise to love you until the end, Ry.”
Present
“Stay with us, hon! Rykki wake up!”
“Mommy, don’t leave us!”
Iyon ang gumising sa akin mula sa magandang panaginip. Sumigid ang kirot sa ulo ko at maging sa buo kong katawan. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko habang tinatangka kong hawakan ang pisngi ni Sera na humahagulgol sa tabi ng ama niya.
“Mommy!”
Kahit nahihirapan ay pinilit kong ngumiti, ang pagtulo ng luha sa mga mata ko ay hindi ko mapigilan. Physical pain is something I can bear but seeing my daughter in pain. I feel so helpless.
“Seth, hindi kayo puwede rito. Sa labas muna kayo! Escort them out, NurseAbby!”
“No, I want to be with my Mom!”
Sa nahihirapang sitwasyon ay inabot ko ang kamay ni Seth at kahit nanghihina ay pilit kong pinisil ‘yon. Tinitigan ko siya at umiiyak akong pilit ngumiti sabay sulyap sa anak kong patuloy sa histerikal na pag-iyak.
“D-Don’t leave us, hmmm?”
I’m sorry…I can’t promise, Seth.
Pero imbes na isatinig ‘yon ay pilit kong iginalaw ang ulo ko. Ang nagmamakaawang sigaw ni Serafina ang huli kong narinig bago muling mawala ang kamalayan ko.
I can feel that I’m slowly losing myself but still I wanted to fight. For my daughter. For him.
Nang magkaroon ako muli nang ulirat ay nagising ako sa isang haplos sa pisngi ko. Sa pagmulat ko ng mga mata ay nagisnan ko si Seth na lumuluha pa rin katulad kanina.
“Y-You’re awake, I’ll call—”
“You’re being a c-crybaby, S-Seth,” pilit ang pagbiro kong saad sa kanya.
Yumuko siya at nakita ko ang pagyugyog ng balikat niya. “I-I can’t lose you again, Ry…I-I thought mawawala ka na. H-Hindi ko kaya.”
“Kinaya mo noon, kakayanin mo rin ngayon.”
Tila nagkaroon ng ibang kahulugan ang sinabi ko sa kanya na nakita ko ang mga sakit sa mga mata niya.
“Rykki…h-hindi mo pa rin ba ako napapatawad?”
“S-Seth, matagal ka nang pinatawad ng puso ko…Nasaktan mo ko pero nasaktan din kita. We’re b-both at fault sa nangyari sa atin. Huwag m-mong bigyan ng masamang kahulugan ang sinabi ko.”
Inangat ko ang kamay ko patungo sa pisngi niya. “What happened in the past stays there. What I’m talking right now is the future…t-there’s no future for us, Seth t-that’s why I want you to ready yourself—”
“No! Don’t give up, Ry! You will survive this. Makakaya mo bang iwan ang anak natin?” hawak niya sa kamay kong tila takot na takot na pakawalan ito.
“H-Hindi, ang maisip pa lang na h-hindi ko na makikita ang paglaki ni Sera, hindi k-ko kaya. How can it be easy for a mother to leave her child? B-but no matter how much I wanted to stay, I know I still have to go.”
“Ry, there’s options. We can go to US—”
“Seth, I d-don’t want Sera to see me suffer.”
“Then we can hide this from her! We’ll go there and then when you’re okay—”
“I will never be okay!” Hindi ko na napigilang pagtangis sa kanya. Hinila ko mula sa kanya ang mga kamay kong nag-uumpisa na namang manginig.
“See this? Hindi lang ito ang mangyayari sa akin. Soon, I’ll have seizures then I might lose my memories…maaaring magising na lang ako isang araw na baka pati sarili ko hindi ko na kilala. Or one day I’ll woke up and see nothing but darkness! K-kaya mo bang makitang magkaganoon ako?”
Napipilan siya at tumayo. “Hindi. Pero mas hindi ko kayang makitang hayaan kang sumuko agad. This time, I’ll fight for you, until the end.”
Wala na ang luha sa mga mata niya at tanging determinasyon lang ang nakikita ko ron.
“This is a losing battle, Seth.”
Umiling siya. “No, there’s still a chance, Ry. I believe it and I want you to believe it, too.”
Ang pagbukas ng pinto ang naging dahilan para hindi ko magawang sagutin pa ang sinabi niya.
“Mommy!” bulalas ni Sera na mabilis na nagtungo sa akin kasunod si Hiro.
“Hep hep, hinay-hinay sa pagyakap Aki sa iyong Mommy.”
Sa sinabi ni Hiro ay ingat na ingat na dumantay ang braso ni Sera sa bewang ko.
“I’ll just call the doctor…” turan ni Seth sabay alis. Kahit nang maisara na ang pinto ay hindi ko magawang alisin ang tingin doon.
Seth…only a miracle could save me. Please stop hoping for that…
TBC