DAY 19
SETH
“WHAT do you mean that Mr. Chua cancelled our meeting by tomorrow?” hindi ko napigilang bulyaw sa secretary ko na tumawag sa akin sa kalagitnaan nang paggawa ko ng investment proposal para sa liniligawan kong kliyente sa loob ng halos dalawang linggo.
“I don’t know Sir Seth, when I called her secretary to confirm your meeting with him, he said that his boss cancelled it.”
“They’re not going to reschedule it?”
“Hindi raw po, Sir.”
Mariin akong pumikit at naikuyom ang kamao ko sa namumuong sapantaha sa isipan ko. Binaba ko ang cellphone ko at nanlulumong naisandal ang likod ko sa kinauupuan ko. Nang tumunog ang cellphone ko at nakita ko kung sino ang tumatawag ay mas lalo akong nakaramdam ng pagod.
“What?!”
“Galit agad? Why? Stress? Kasi iyong investor na liniligawan mo for almost two weeks suddenly cancelled—”
“What do you want Divine? Your father already withdrew his investment in my company, hindi ka pa ba kuntento?!”
“No! Hindi ako makukuntento! I want you to suffer! For choosing someone na mamamatay na rin naman! If you want to save that precious company of yours, bumalik ka sa akin—”
“That won’t happen. Dahil mawala man sa akin ang lahat, hinding-hindi na ako babalik pa sa ‘yo. I won’t leave her, you wanna know why?”
“Seth!”
“Because I love her…isang pagmamahal na sa tingin ko hindi mo talaga nararamdaman para sa akin, Divine.”
Nang tumunog ang alarm ng cellphone ko senyales nang pag-inom na ng gamot ni Rykki ay agad kong iniwan ang lahat ng gawain ko at tinungo ang kuwarto naming dalawa pero ang humahagulgol na anak kong si Sera ang naabutan ko.
“What happened?!” puno nang pag-aalala kong sigaw sa umiiyak kong anak.
“Where’s your Mom?”
Umiiyak na tinuro ni Sera ang banyong nakapinid at dinig na dinig ko mula roon ang pagsusuka ni Rykki.
“Ry, are you okay?”
“Dad!” sigaw sa akin ni Sera at mahigpit na kinapitan ang pulsuhan ko.
“Ano ba ‘yon Sera, why are you crying?”
Humihikbing iniabot sa akin ni Sera ang botelya ng gamot ni Rykki. “T-This? Hindi ‘to vitamins! When I searched it up, sabi sa nabasa ko p-para sa may cancer ‘to! Tell me Dad, k-kaya ba nagkakaganito ang Mommy dahil sa may sakit siya?”
“Sera, this isn’t the time to talk about this. Go to your room, your Mom and I will go there once she’s fine.”
“P-Pero—”
“Please, anak.”
Umiiyak pa rin na nilisan ni Serafina ang kuwarto namin ni Rykki.
“Ry…open this door.”
Nang hindi sundin ni Rykki ang iniuutos ko ay kinuha ko ang susi sa takot na baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Halos madurog ang puso ko sa naabutan kong ayos ni Rykki. Putlang-putlang nakasalampak sa lapag at tahimik na lumuluha.
It’s been a week since she started taking his radiotherapy sessions. Sa mga unang araw ay hindi naman siya ganito na lubos kong ikipinagpasalamat. Pero sa tingin ko itinatago niya lang ang totoo sa akin—sa amin ni Sera.
Lumuhod ako at mahigpit siyang niyakap. “Do you want to go to the hospital?”
“N-no…”
“I’ll talk to Kian—”
“No need, I can do this Seth—”
Tinulak niya ako at mabilis na tumayo patungo sa sink at muling nagsuka. Tumayo ako at hinimas ang likod niya pero tinabig niya ang kamay ko.
“Ry—”
“G-go away!” singhal niya sa akin habang patuloy sa pagsusuka. Muli ko sana siyang hahawakan pero itinulak niya ako.
Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay ni Rykki habang pinipilit niyang suportahan ang sarili sa pagtayo pero hindi niya rin kinaya. Bago siya tuluyang bumagsak ay nasalo ko siya. Nagpumilit siyang kumawala sa bisig ko pero hinigpitan ko ang pagyapos sa kanya at hindi inalintana ang muli niyang pagsusuka na napunta sa dibdib ko.
“It’s okay Rykki,”
Umiling-iling siya at umiyak. “This is not okay! Masyado na akong pabigat sa ‘yo!”
“You’re not and will never be, love.”
Hinubad ko ang suot kong damit at pilit na pinakalma si Rykki sa pamamagitan nang pagyakap ko sa kanya at paghaplos sa likod niya.
“Let’s take a shower, hmmm?”
Nang hindi siya tumanggi ay binuhat ko siya patungo sa shower room at inilapag sa bathtub.
“I’m sorry…” saad niya habang namumungay ang mga matang minamasdan ako.
Umiling ako at ngumiti kahit na halos ramdam kong hindi na ako makahinga sa sakit sa nakikita kong sitwasyon ni Rykki but I have to be strong.
“Silly, why would you say you’re sorry? I always wanted to take a bath with you.”
Tinakpan ni Rykki ang sarili niya nang mahubaran ko siya at niyakap ang sarili.
“Stop crying, love,” anas ko at pinunasan ang mga luha niya.
“It’s so hard, Seth. I’m getting tired…”
“You’re allowed to scream, to cry, you’re allowed to get tired love but please don’t give up. We’ll get through this.”
“I WANT to go to Sera’s room,” ani Rykki habang binoblower ko ang buhok niya.
“You should take a rest—”
“No, I’ll take a rest once I talk to her.”
Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na siya kinontra pa sa kagustuhan niya. Magkasamang tinungo namin ang kuwarto ni Sera. Naabutan namin ang anak namin na bagama’t hindi na umiiyak ay tulalang nakaupo sa kama niya.
“Baby…” malambing na tawag sa kanya ni Rykki. Walang sali-salita na tumayo si Sera at mabilis na niyakap si Rykki.
“M-Mommy, you’re not going to leave us, right?”
Lumipas ang ilang segundong katahimikan na hindi nagawang magsalita ni Rykki.
“M-Mommy…”
“Everyone dies, Serafina.”
“Rykki!”
“N-No!” magkasabay na sigaw namin ng anak ko.
Tumawa si Rykki at humiwalay kay Sera. Mabilis siyang tumalikod pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagpahid niya sa mga mata niya. Naupo siya sa kama at sumandal sa headboard. Kita ko ang mga pagod sa mga mata niya bago pilit na nginitian si Sera at tinapik ang tabi niya.
“A-ano ba naman kayo? I’m just stating a fact, hindi ko naman sinasabing mamamatay na ako ngayon ‘eh. Matagal pa Sera, I’ll s-still watch you grow up into a beautiful young lady…I’ll s-still be here when you get married…until you have a child. Hindi ako aalis…”
“Promise Mommy?”
“P-promise…”
Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Rykki pero iba ang nababasa ko sa mga mata niya. Ang pagsuko roon ay nakikita ko.
Don’t go, love…I’m begging.
TBC