Day Eighteen

1575 Words
DAY 18 “ANO bang meron at may papiring-piring pa kayong mag-ama sa akin?” natatawa kong untag nang bago ako lumabas ng kotse ay piniringan ako ni Sera. Narinig ko ang hagikhik ni Sera habang ang ama niya naman ay kulang na lang buhatin ako sa pag-alalay sa akin papasok sa loob ng bahay. Makalipas ang apat na araw na pananatili sa hospital ay pinayagan na rin ako ni Kian na makalabas sa hospital. Iyon nga lang ay babalik ako pagkalipas ng tatlong araw para sa unang session ko sa radiation therapy. Habang pinakikinggan ko ang saya sa boses ni Sera ay hindi ko pa rin alam kung paano ipagtatapat sa kanya ang tunay na kalagayan ko. Ayokong sirain ang kasiyahan niya lalo pa’t tuwang-tuwa siya sa pagbabalikan namin ng ama niya. I don’t want her to suffer. But I know hinding-hindi ko rin maitatago ito sa kanya. “Surprise!” Kumurap-kurap ako sa panandaliang pagkalabo ng mga mata ko bago gulat na minasdan ang loob ng bahay. Sa garden area ay may banner na nakasulat ang pag-welcome back sa akin. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko kung hindi ang halos mapunong tao sa garden. My colleagues, friends and batchmates were here. Kahit iyong mga kaibigan ni Seth na naging kaibigan ko rin ay nandito sa harap namin na ngiting-ngiti sa akin. Naramdaman ko ang pagyakap ni Seth sa bewang ko na umani ng tuksuhan mula sa mga tao dahilan para pamulahan ako ng mukha. Hinampas ko si Seth sa braso at tatangkaing lumayo sa kanya pero mas lalo niya lang ako hinapit patungo sa kanya. “Pre, mamaya na ‘yan! Gutom na kami!” sigaw ni Hades na mukhang hindi pa rin nagbabago sa pagiging mahilig sa pagkain. “Ba’t may paganito pa? Para namang ang tagal kong nawala.” Yumakap sa bewang ko si Sera. “This is your official welcome party here, Mommy! You’re really back in our lives! Permanently!” Panandaliang naglaho ang ngiti sa labi ko sa sinabi ni Sera pero pinalis ko ang negatibong iyon sa isip ko at niyakap si Sera. Naubos ang maghapon sa pakikipaghuntahan sa mga kakilala namin ni Seth. Papalubog na ang araw nang isa-isa nang mag-alisan ang mga bisita. “Ikaw ba nagpasimuno ng party na ‘to?” naiiling kong tanong kay Seth. “You know me, wala akong alam sa ganito. Idea ‘to ni Hiro at ng anak natin. You’re happy?” Tumango ako at ngumiti. “Very happy.” Nang may tumawag kay Seth ay tumayo ako at hinanap si Hiro na naabutan ko sa pool area na mag-isang umiinom ng alak tila may malalim na iniisip. “Problem?” “Hey…” Inagaw ko ang alak na hawak niya at inilapag iyon sa table na malapit sa amin. “That’s my drink, woman.” “Baka malasing ka…” “Why? Afraid that I’ll spend my night here at masira ko ang gabi ninyo ng asawa mo—” “Sira!” hampas ko sa kanya na ikinatawa niya pero hindi no’n naitago ang lungkot sa mga mata niya. “May problema ka nga.” Bumuntong-hininga si Hiro at iniwas ang tingin sa akin. “Kilalang-kilala mo talaga ako…” “Ano ‘yon?” “Same old story, they still don’t want me, Ry. I found out na may sakit ang Daddy kaya dumalaw ako pero ano pa nga bang inaasahan ko. Hindi pa rin nila ako tanggap at mukhang hindi kailanman nila ako matatanggap.” Inakbayan ko si Hiro. “Hindi ka man nila tanggapin lagi mong tatandaan na merong taong tanggap na tanggap ka at ako ‘yon.” “K-Kaya nga mangako ka ah! Huwag mo akong iiwan! Nako Rykki, subukan mo lang talagang mawala, susundan kita hanggang sa kabilang buhay—” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang samaan ko siya nang tingin. “Hindi ‘yan magandang biro, Hiro.” “Charot lang!” Sinimangutan ko siya na tinawanan niya. “Ry, I’m happy for you.” “Happy for what?” “Na nahanap mo na iyong the one mo. Mali. Na nagawa mong muling makabalik sa taong para sa ‘yo. Sa taong handang manatili sa tabi mo gaano man kahirap ang pagdadaanan ninyo.” Napatingin ako sa tinitingnan niya at napangiti na rin ako nang makita si Seth na palapit sa amin.   “TULOG na?” salubong sa akin ni Seth nang makalabas ako sa kuwarto ni Sera. Nakangiti akong tumango at hindi napigilang mapahikab nang makaramdam ng antok. “Tired?” tanong ni Seth sabay akbay sa akin. “A little bit,” “Do you want to take a bath?” Ngumuso ako at napatingin sa kaliwa kong braso na nakabandage pa. Luckily hindi malala ang bali ko para sementuhin pero kabilin-bilinan ni Kian na ‘wag kong basain para hindi lumala. “I’ll take care of you,” ani Seth na kinintalan ng halik ang gilid ng noo ko. Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. “H-Hindi na—” “Really Rykki? Shy with me? When I saw everything—” “Shut up, Eros.” “Where are you going?” kunot noong tanong sa akin ni Seth nang maglakad ako patungo sa guest room na tinutuluyan ko. “Sa kuwarto ko?” Umiling siya at hinapit ang bewang ko. “That’s not your room, love.” “At saan naman ang kuwarto ko—” Napatili ako sa biglaan niyang pagkarga sa akin at naglakad patungo sa master bedroom. “Hoy Eros ah! Ibalik mo na ako roon nandoon mga gamit ko—” “Napalipat ko na…” Hindi na ako nagsalita pa at ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Pumikit ako at sinamyo ang amoy ni Seth. Hanggang sa pagbukas niya ng pinto sa kuwarto ay hindi niya ako binitiwan. Pagmulat ko ng mga mata ay inilibot ko ang paningin sa kuwarto na sa paglipas ng taon ay wala pa ring pagbabago. Nang ibaba niya ako ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa shelf na naglalaman ng mga frame. Napapalunok na isa-isa kong minasdan ang mga larawan. “I-I thought naitapon mo na ang mga ‘to…” mangha kong saad sabay abot ng halos kupas na naming larawan wayback in our college days. “Hindi ko kaya…Itinago ko oo pero hindi ko kailanman magawang itapon,” aniyang niyakap ako sa bewang mula sa likod. Ibinaba ko ang hawak ko at inabot ang larawang umagaw ng atensyon ko. Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko habang hinahaplos ang larawan ni Sera at ng anghel namin ni Seth. “I-If I die will I be able to see him, Seth?” “A-Ano ba ‘yang sinasabi mo…” “Years have passed but I’m still yearning Seth. G-Gusto kong muli siyang mahawakan, mahagkan…Iniisip ko pa rin kung anong unang salita ang sasabihin niya. Kung anong buwan siya maglalakad. K-Kung anong hitsura niya paglaki niya…” “Rykki…s-sorry.” Umiling ako. “D-Don’t be. Wala ka namang kasalanan.” “Meron. Malaki ang kasalanan ko sa inyo…” Hinarap ko si Seth at hinaplos ang pisngi niya. “Are you with me now because you feel sorry for me?” Mariing umiling si Seth at siniil ng halik ang labi ko. “No. I love you…that’s the reason why you’re here with me.” Ngumiti ako. “I love you, too…hanggang sa huli, Seth.” “There’s no end with us, Rykki.”   MASAYANG lumipas ang tatlong araw na ninais kong hindi na matapos ang mga araw na iyon dahil mag-uumpisa na ngayong araw ang pakikipaglaban ko. “Kaya ko naman ‘eh. Ilang araw ka ng absent, I heard na hinahanap ka na ng board of directors?” Mahigpit na hinawakan ni Seth ang kamay ko habang ang pokus ay nasa pagmamaneho. “It’s been years since huli akong akong nagbakasyon, next week I’ll promise papasok na ako. Don’t worry I’m still doing my job.” Tumango ako at tumahimik. Pinagmasdan ko si Seth na kanina ko pa napapansing hindi mapakali. “Seth…” “Yes? Do you want to eat first? How about—” “I’ll be fine. Kaya ko ‘to.” “Yeah…I know, Ry.” “Then stop fidgeting, mas lalo akong nate-tense sa ‘yo ‘eh.” “I talked with Kian yesterday, are you sure kaya mo na gawing five times a week? How about thrice—” “Kaya ko. Kakayanin ko. Ang tanong k-kaya mo ba?” Nilingon niya ako saktong paghinto namin sa hospital. “Kaya ang ano?” “Sa mga makikita mong pagbabago ko…Probably next week, I’ll start losing my hair. Payat na nga ako pero mas papayat pa ako…sa madaling sabi, I’ll be ugly…really really ugly—” Niyakap ako ni Seth. “You’re always be beautiful Rykki…your beauty will never fade, love, because you have a good heart and a fighter.” TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD