Day Twenty

1920 Words
DAY 20 RYKKI SUNDAY came. I’m getting ready for Serafinas’ family day in school. Nagsusuklay ako nang napansin ko ang mga hibla ng buhok kong nalalaglag sa sink. Natulala ako habang minamasdan ang kumpol ng buhok na nalagas sa buhok ko. Minasdan ko ang sarili ko sa salamin at halos hindi ko na makilala ang sarili ko. I’m doing my best to fight but it’s as if hindi magawang magkasundo ng katawan ko sa kagustuhan ng utak at isip ko. There are days when I woke up that I just wanted to end everything because of the unbearable pain. “Ry? You okay?” Napapitlag ako sa magkakasunod na katok at sigaw ni Seth mula sa labas. Agad akong lumabas bago pa masundan ang nag-aalala niyang pagtawag. “Perfectly fine, aside from the fact that I’m losing my hair,” pilit ang pagtawa kong saad sa kanya at iwinagayway ang suklay kong puno ng hibla ng buhok ko. Inabot ni Seth ang suklay na hawak ko at saglit na tinitigan bago ibinalik ang tingin sa akin. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko bago ako hinila papayakap sa kanya. “Even if you turn bald, you’re still the most beautiful woman in my eyes.” “How about me, Daddy?!” sabat ni Sera na hindi man lang namin namalayan ang pagpasok sa kuwarto. Sumingit siya sa gitna namin ni Seth at nakangusong inaantay ang sasabihin ng ama niya sa kanya. “Do I need to say it out loud? Siyempre, ikaw rin ang pinakamagandang babae kay Daddy. Kamukha mo kaya ang Mommy mo.” Umiling ako at pinisil ang pisngi ng anak ko. “Ako ba ang kamukha o ang Daddy?” taas-kilay ko kay Seth na tumawa. “Me?” “Bakit parang ayaw ninyong dalawa na amining kamukha ko?” ani Sera na malakas na ikinatawa namin ng ama niya. “Am I ugly?” dagdag pa ni Sera na humiwalay sa aming dalawa ng ama niya. “Wala kaming sinabi,” pang-aasar ni Seth dahilan para hampasin siya ni Sera. “Dad! You’re bad!” tili ni Sera at tatangkain sanang muling hampasin ang ama niya nang tumakbo si Seth na agad namang hinabol ni Sera. Tumatawang minasdan ko silang dalawa. This is the perfect scenery for me. Ang mag-ama ko.     “MOMMY, are you sure you’re okay to go? We can skip this event naman—” “Sera, ayos na ayos ang Mommy. Wala kang dapat ipag-alala, let’s enjoy this day, hmmm?” Ngumiti si Sera at matunog na hinalikan ako sa pisngi. “I love you, Mommy.” “I love you too, my baby.” “Aba’t bakit hindi ninyo ako sinasaling dalawa?” singit ni Seth sa gitna namin. “Ang tagal mo Daddy! Sa’n ka ba nagpunta?” Minasdan ko si Seth na natigilan at hindi ko maiwasang mag-alala dahil pakiramdam ko may problema siya sa mga nakalipas na linggo. “May kinausap lang, let’s go?” “Wait lang! Yaya!” “Sera, baka ma-late tayo—” “Family picture first! We look so cute in our shirts!” tuwang-tuwa na saad ni Sera at gumitna sa aming dalawa ng ama niya. Natawa ko at minasdan ang magkakapareha naming kasuotan. Pakiramdam ko lumolobo ang puso ko sa sayang nakikita ko sa mga mata ni Sera. How I wish her smile and happiness won’t fade because of me. “May problema ka ba sa office?” tanong ko kay Seth nang makasakay kami sa kotse. Mula sa pagmamaniobra ng kotse ay saglit niya akong sinulyapan. “Hindi naman nauubusan ng problema sa office, but everything is fine, Ry.” Minasdan ko si Seth at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang paniwalaan ang sinabi niya. “Sure?” “Sure na sure,” nakangiting sagot sa akin ni Seth. “Dad, there’s talent portion daw pala sabi ni Miss Marie, anong gagawin ninyo ni Mommy?” saad ni Sera nang malapit na kami sa school niya. Nagkatinginan kami ni Seth sa sinabi ng anak namin. “Talent portion?” Umiling ako. “Sorry to say this anak, pero parehas kaming walang talent ng Daddy mo,” pagtawa ko. “Hey, I can sing!” tutol ni Seth. “Really? How come I wasn’t informed?” natatawa kong saad at naalala ang isang beses at kahuli-hulihang beses na narinig kong kumanta siya. “Hey, I was nervous at that time, Rykki. I’m going to ask you to marry me, who wouldn’t be nervous?” Tumango-tango ako at hindi pa rin mapigilan ang pagtawa. “I can’t relate with you guys. Let’s go na nga bago pa tayo ma-late,” ani Sera at bumaba ng kotse. Wala pa siyang segundong nakatayo sa labas ay agad-agad na nagtatakbo na patungo sa mga kaklase niya. Bababa na sana ako nang hawakan ni Seth ang kamay ko. “I’ll prove to you that I can sing.” Tumawa ako at sobrang aliw sa hitsura ni Seth ay hinalikan ko siya sa labi. “Opo na Daddy, you’re good in singing but even if you’re not, I still…” I kissed his cheeks. “…love you.” Then I gently kissed his lips again. “Rykki!” Napapitlag ako sa sigaw niya at napalayo sa kanya. “What?” “Kailan ka pa natuto magpakilig?” Napanganga ako at humagalpak ng tawa nang makita ang pamumula ng magkabilang tenga niya.   THE EVENT was tiring. But I was happy seeing Serafina so happy na pilit kong itinatago ang pagkapagod ko at ang unti-unting pagkirot ng ulo ko sa mag-ama. “You okay?” lapit sa akin ni Seth matapos ang isang game na kasama niya si Sera. “Okay na okay,” tugon ko sa kanya at kinuha ang towel sa balikat niya para punasan ang pawis niya. “Ang sweet naman!” tukso ng mga nanay ng kaklase ni Sera. Nahihiyang ibinaba ko ang kamay ko at inabot na lang kay Seth ang towel. “Si Sera? It’s almost lunch, kain na tayo?” “She’s busy taking pictures. I saw her shots. Even her paintings here in school. She’s really good when it comes to arts,” proud na proud na saad ni Seth. “Ako ang kasama niya sa bahay pero ngayon ko lang nakita ang mga gawa niya. Malaki ang pagkukulang ko sa anak natin at hindi ko alam kung paano makakabawi.” “Mahaba pa ang oras mo Seth para makabawi,” nakangiti kong saad sa kanya. “Saka ‘wag mong isipin na nagkulang ka kay Sera. You did everything for her, Seth. I always be thankful na ikaw ang naging ama ng anak ko.” “Say cheese!” biglang dating ni Sera hawak-hawak ang camera niya at magkakasunod na kinuhanan kami ng litrato ng ama niya. Sa kalagitnaan ng pagkain ay isa-isang nagpakitang gilas ang parents’ ng mga schoolmates ni Sera. Ang iba ay prepared na prepared pa na talagang nakakaaliw panoorin. Pero naglaho ang ngiti sa labi ko nang matawag ang pangalan namin ni Seth. Napalunok ako at binalingan si Seth. He knows how I hate public attention. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo na ikinapula nang magkabilang pisngi ko nang tuksuhin kami nang mga nakakita. Tumayo siya at kinindatan pa ako bago nagtungo sa stage. “Grabe Sera, is that really your Dad? He’s smiling you know? Like have I ever told you that your Dad was like a robot. No expression—” Napahinto ang kaklase ni Sera nang mapansing nakatingin ako sa kanilang dalawa. “Sorry po Tita.” Umiling ako at ngumiti. “Okay lang, ako nga rin iniisip ko kung siya ba talaga ang Daddy ni Sera.” Natatawa kong pagbibiro at ibinalik ang tingin kay Seth na akala mo professional sa pagkanta na inayos pa ang mic stand. “This is for the woman who stole my heart years ago. I love you yesterday, tomorrow and for the rest of my life, Rykki.” (Credits: I pray-Marlo Mortel) “Night after night, I sit and pray…That the day I fear would never come our way I pray that you will never have to go away…One day the pain you're feeling it'll go away…” Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pagkanta ni Seth. I can still feel his nervousness pero pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa awiting kinakanta niya. “Love, I know that time goes by so fast…I wanna make our every moment last Whatever it'll take, I'll take the chance…I'd give up everything to see you dance.” Bumaba siya ng stage na hindi pa rin humihinto sa pagkanta at naglakad papalapit sa akin. Yumuko ako nang huminto siya sa harap ko at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya senyales nang pangingilid ng luha niya. “Oh Lord I pray, give her all the strength she needs…” Pumiyok siya pero wala akong narinig na pamamahiya sa paligid. All of the people were silent as if they knew that he’s just not singing but pleading. “Oh Lord I pray, that she won't lose her faith, no, not a minute Lord I pray, that you will never ever take her from me Not tomorrow, not today, forever she will s-stay…” Tumingala ako nang iabot niya ang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at nang tumayo ako ay niyakap niya ako at marahang inugoy sa paraang nagsasayaw kami. “Day and day, I know how bad it burns…If only I could take away the hurt I just wanna thank you for being so tough…You're taking all the pain I know you're doing it for u-us…” “You’re really not good in s-singing,” pilit ang pagtawa kong saad sa kanya habang tumutulo ang luha ko. Humigpit ang yakap niya sa akin at kinarir pa rin ang pagkanta. “Whenever I go home…You try and put a smile on your face To make everything seem okay…Whenever I turn around I know deep inside you're suffering…All of our hearts are crying Just hold on! Please hold on for us! I lay it all on you…I know she can make it t-through…” Huminto siya sa pagkanta at binitiwan ang mic. Lumayo ako at tiningala siya. “S-Seth…” anas ko nang mapagtanto ang dahilan nang pagtigil niya. Paano pa siya makakanta kung katulad ko ay umiiyak na rin siya. “M-marry me again, Rykki.” “W-What?” “I didn’t prepare for this. Hindi ito katulad ng proposal ko n-noon. I don’t even have any rings on me but will you marry me again, Ry?” Natulala ako at hindi malaman kung anong isasagot ko kay Seth. Pero bago pa ako makapagsalita ay unti-unting nanlabo ang paningin ko. Ang pandinig ko ay unti-unting nawala. Ang malakas na t***k ng puso ko ay unti-unting humina. “Rykki?” “Mommy!” Really? Ngayon pa talaga… I still have to answer Seth… TBC 

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD